Questions
Isang malakas na tawanan ang naging dahilan upang lumayo sa akin si Ian. Tila may nais pa sana siyang sabihin ngunit hindi na niya naituloy nang marinig namin ang boses nila Chloe na papasok na sa hapag kung nasaan kami.
"Wow! Niluto niyong lahat ito?" Manghang tanong ni Leigh nang makapasok sila sa dinning area kasama sila Andrew.
"Ang aga-aga naglalambingan kayo sa hapag Ian." Binato ni Jomari si Ian ng table napkin ngunit agad itong umiwas.
"Nah, I just came here and I saw Mari cooked all of this for us." Tamad nitong wika saka umupo na. "Let's eat bago pa lumamig ang pagkain."
Tahimik lamang kaming kumain hanggang sa matapos. The boys participate to clean the dishes para daw makapaghanda na kami sa pag-alis, mabagal daw kasi kaming mag-ayos dahil babae.
Napagdesisyunan naming pumunta sa bayan, maganda daw kasi sa bayan kapag ganitong mga buwan, tila buhay na buhay at talaga namang inaabangan ang pagdating ng araw ng pasko.
"Anong susuotin mo Mari?" Tanong sa akin ni Leigh habang pumipili ng kanyang susuotin.
"Hindi ko alam, ano ba ang kadalasang sinusot ninyo kapag pupunta sa bayan?" Tanong ko sa kanila.
"Simple shirts will do, kung gusto mo naman na mag shorts okay lang, ang importante kumportable kang makakagalaw dahil magiging exciting ang pupuntahan natin!" Excitement visible to Mel's voice. Laking Bataan kasi siya kaya naman hanggang ngayon ay kabisado pa rin niya ang mga kaganapan sa kinalakihan niya.
I just wear tank top and maong shorts and I let them make over me. Hindi sila mahilig mag-ayos para sa sarili nila, pero hilig nila ang ang ayusan ang iba. Bahagya nilang kinulot ang dulo ng aking buhok at nilagyan ng decorative hairpin.
"Ayan! Perfect!" Sabay-sabay silang pumalakpak at pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin. "Ewan ko na lang kay Ian kung hindi pa mahulog loob nun sa 'yo kahit na mukhang crush ka." Kumindat pa sa akin si Mel kaya naman inirapan ko lamang siya.
Wag niyo naman akong paasahin.
Agad kaming pumunta sa garahe matapos naming mag-ayos kita namin kung paano naiinip na naghihintay ang mga lalaki. Yamot.
"Napakatagal talagang mag-ayos ng mga babae." Inis na kumamot si Andrew sa ulo kaya naman agad siyang sinagot ni Leigh.
"Saglit lang kayong maghihintay hindi niyo pa magawa." Inirapan niya ito at sumakay na sa pulang Lamborghini niya.
Tila nagulat ang ekspresyon ni Andrew kaya naman ilang ulit niyang kinatok ang bintana ng sasakyan ni Leigh.
"Let's go, hayaan mo yang dalawang yan, palaging love quarrel, palibhasa hindi pa rin magka-aminan hanggang ngayon." Umakbay sa akin si Mel at nagumpisa kaming maglakad patungo sa sasakyan ni Chloe.
Hindi ko na sana pa aabalahing lumingon pa sa direksiyon kung saan prenteng nakasandal si Ian sa itim niyang Ferrari sports car ngunit tila iniimbitahan ako ng mga titig niyang salubungin ito.
He really looks like a model sa suot niyang khaki shorts, and simple white v-neck shirt. Ang buhok niyang kadalasang magulo ay nakaayos sa iisang lugar. He looks like a god of Olympus, ngunit hindi rin nakatakas sa aking paningin kung paano niya ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang sa suot kong damit, hindi ko alam kung namamalik mata lamang ako sa nakita kong umigting ang panga nito at dumilim ang kanyang mga mata.
May mali na naman ba sa suot ko?
Nagkibit-balikat na lamang ako at sumakay sa kotse kasama sila Mel ang iba kasi ay may kanya-kanyang sasakyan na dala. Nang makasakay ako ay binigyan ako ng makahulugang ngiti ng dalawa na pinagtaka ko.
BINABASA MO ANG
I'm Lost Without You
Teen FictionHow long can you wait for your love to comeback? Will you able to stay and wait for him, or you'll give up? If waiting for someone is love, then how long will you endure the pain of his goodbyes and memories that the only thing left for you? "Do yo...