Chapter 10

7 2 0
                                    


It's been two months since the last time I saw him I didn't bother to text him nor find him because I can't see any reasons to do so. My day pass like the other weeks, silent yet I'm struggling with my own feelings. I'm heading back to my quarters para maghanda na sana sa pag-uwi ko  sa bahay when I saw a familiar man standing in the front of the girl's dorm.  

Dirediretso lamang ang paglakad ko at hindi siya tinapunan ng tingin. Hindi ko naman kasi alam kung ako nga ba ang hinihintay niya rito o baka ibang babae na naman. I missed Ian. I miss his presence and his gestures. 

Why do I care? Why do I sound like I'm insecure and jealous? 

"Mari." tila ba may sariling isip ang mga paa ko upang huminto ng tawagin niya ang pangalan ko. Hindi ako lumingon at hinintay ko lang kung may nais pa siyang sabihin dahil baka marinig niya ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko. "Can we talk?" Tanong niya sa akin nguni't nanatiling tikom ang bibig ko at akmang hahakbang na ako papasok ng muli ulit itong magsalita. "I know you're mad and I know you also need to know what happened to us after that night. Mari I also need a closure." 

"Why?" tanong ko sa kanya at humarap. Kita ko ang panlulumo ng mga mata niyang nakatitig sakin. Heto na naman tayo, palibhasa sa isang titig lang niya nanghihina na ang mga tuhod ko. 

"I- I just don't want to lose another friend because of my selfishness. I j-just don't want to lose you." malungkot niyang saad sa akin. 

"FIne." Sumunod ako sa kanya as we go to the parking lot. Isa na yata si Ian sa mga kinababaliwan ng mga babae rito sa campus. Matangkad, chinito, mestiso at tindig pa lang ay talagang manghihina ka na pero sa lahat ng ito, hindi ito ang nagustuhan ko sa kanya. 

Tahimik lamang ang naging biyahe namin. He offered a ride for me pauwi sa bahay pero napansin kong hindi na namin tinatahak ang daan pauwi sa amin. I didn't ask him because I need to trust him. Gabi na rin naman kaya baka sa labas na lamang kami kumain. 

I'm still thinking about what he said earlier. He don't want to lose me. As much as I want to be happy, I couldn't because the fact that he don't want to lose me as his friend. It's just very unusual dahil kapag ilang linggo mo pa lang nakilala ang isang tao, maliit ang chance to attached yourself with them. Maybe because he has hidden agenda? May kailangan ba siya sa akin kaya hindi niya kayang mawala ako sa kanya? 

Sa lalim ng pagiisip ko ay hindi ko na namalayan ang paghinto namin sa tapat ng isang park. Hindi gaano karami ang tao rito marahil ay gabi na rin at maski ako ay ngayon lamang akong nakapunta sa lugar na ito. Bumaba ako ng sasakyan and I saw Ian unloading some of the picnic boxes and a yellow checkered blanket. 

Ano na naman ba ito Ian? You always make something special paanong hindi ako mahuhulog sa'yo?

Tumalikod ako sa kanya at nagpanggap na hindi ko nakita kung ano ang ginagawa niya. Inabala ko sarili sa pagbabasa ng mga messages sa cellphone ko ng maramdaman ko ang pagsagi ng ballikat niya sa balikat ko. 

"Hey Babe let's go." pag-aaya niya sa akin. Nilatag niya ang blanket at inilagay sa ibabaw ang dalawang maliit na picnic boxes at isa-isang inilabas ang mga pagkain at inumin na dala niya. "Uupo ka ba o tatayo ka na lang dyan para maging pagkain ng mga lamok yang hita mo?" sarkastiko niyang tanong sakin kaya naman hindi siya nakatakas sa matalim kong pag-irap. 

"Here." Inabot niya sa akin ang isang plato na may lamang makizushi, fried chicken at iba pang putahe. "You need this to replenish your energy. I always saw you in the library and you also skip your meal." 

"You cooked all of these?" tanong ko sa kanya sabay tikim sa makizushi. Tango lamang ang sagot niya sa akin at sinabayan akong kumain. "Hmm, it tastes good! Pabortio ko ang maki and you set my standards so high grabe." Kita ko ang lawak ng kanyang mga ngiti sa sinabi ko.

"Of course Mari what do you expect from a Japanese and Chinese like me? That's our food at dapat lang na alam ko kung paano gawin ang mga pagkain namin." natatawa niyang turan sakin. "I wanted to take culinary courses but I also need to handle our business. Maybe while I'm managing our business I can now take the course I really want, right?" 

"Yes Ian. Do whatever you want as long as you are happy." 

"Mari, I just want to say sorry for what happened that night. I'm sorry I didn't expect na masasabi ko ang mga 'yon sa'yo." he sincerely apologize to me and I can see it in is eyes but I still feel downhearted. "That's very unusual of me. I never confess my feelings to anyone baka sobrang carried away lang because I'm confused why did you suddenly ignore me after we argued in the kitchen."

"Wala na sa akin 'yon." pabiro kong sagot sabay hampas sa hangin na tila totoo ang sinasabi ko sa sinisigaw ng nararamdaman ko. 

Why do I feel this kind of emotions? Hindi ba dapat masaya ako kasi magkasama ulit kami? Hindi ba dapat masaya ako kasi despite of what happened that night he still chose to be with me rather than leaving me? Hindi ba dapat masaya ako because finally I had the closure I really wanted from him? Closure kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa akin at kung ano ba talaga ako para sa kanya? Why am I hurting? 

"Free ka ba this Sunday morning?" Napalingon ako sa kanya at sumakto ang paglingon ko sa pag-flash ng camera sa mukha ko. Did he just take a photo?

"Hoi bakit ba biglaan ka na lang kukumuha ng litrato diyan ang sakit sa mata ng flash mo!" bahagya kong iniwas ang mukha ko sa kanya dahil baka makita niya kung gaano ako namula sa ginawa niya. Sobra naman yata siyang nagagandahan sakin? Eme ka Ian. 

"So are you free Mari?" natatawa niyang ulit sa tanong niya.

"Bakit ano ba meron sa Sunday morning?" kunot noo kong tanong sa kanya. 

"I was asked by my brother to look after my nieces, aalis kasi sila ng asawa niya." Tumitig ito sa akin at muling nagsalita, "If you're free I can fetch you in the morning." 

"So you want me to help you taking care of them?" pigil ang mga ngiti na gustong kumawala sa aking mga labi, ang lungkot na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng kilig at tuwa. He's asking me to be with him again!

"Hmm just like that." nahihiyang kinamot niya ang batok at umiwas ng tingin. Shit ang cute niya. "If you're busy okay lang naman sa ak-"

"Yes Ian I'm free. Fetch me before six in the morning so we have ample time to be with your nieces." hindi ko na mapigilan ang pagngiti kaya naman bahagya akong yumuko upang hindi niya mapansin ang makabuluhang ngiti saking mga mata. 

Kung ano man ang pinasok ko, dapat lang na maging handa ako sa kung ano ang kapalit. 


I'm Lost Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon