Chapter 04

24 3 0
                                    


Decision

They decided to drink at the garden, mas convenient and windy daw kasi lalo na ngayon at malamig ang simoy ng hangin. The boys are waiting outside and they are cleaning the area while we're making hard drinks and snacks.

Nang matapos kami sa paghahanda ng mga inumin ay nagpaalam muna ako sa kanilang kailangan kong labahan ang ibang mga damit ko para may magamit ako. Sobrang unexpected talaga ng mga pangyayari, mabuti na lamang at may iilang malilinis akong damit na naka-separate.

After cleaning my clothes ay nag-ayos muna ako ng sarili. Hindi ako sanay uminom ng mga hard drinks katulad na lamang ng ginawa nila kanina. Tila sanay na sanay na silang gawin iyon kaya naman hindi ko alam ang maaaring mangyari kapag nalasing ako.

Sa salas pa lang ay rinig ko na ang malakas nilang tawanan at kwentuhan. They are all close, tila magkakapatid ang turing kahit na hindi sila magkadugo. Maybe they always find comfort to each other.

"Tabi ka samin Mari!" Tinuro ni Leigh ang upuan sa pagitan nilang dalawa ni Mel patungo na sana ako ng tawagin din ako ni Ian.

"Here, sit beside me." Turan nya sa upuang nakapatong ang braso niya.

Rinig ko ang bawat tuksuhan nila Andrew at nila Leigh ng sabihin iyon ni Ian. Sino ba naman ang hindi lalagyan ng malisya ang isang bagay na nahahalata nila.

Ngayon hindi ko na alam ang susundin ko, ang puso ko bang nais siyang makasama, o ang isip kong pinipilit palayuin ang damdamin ko para sa kanya?

Napag-desisyunan ko na lamang na umupo sa pagitan nila Leigh at Mel, hindi lang magiging maganda tignan kung sa tabi niya ako uupo, I just don't want to put some sweets on a bitter taste.

Kailangan kong lumugar.

"Ohh bakit hindi ka sa tabi ni Ian umupo?" Tila nanunuksong tanong sa akin ni Mel nang abutan ako ng tequila.

"Ayoko." Inisang inom ko lang ang ibinigay niyang inumin sa akin. Tila hindi ko nagustuhan iyon at lumatay ang kakaibang init sa aking lalamunan.

"Easy." Natatawang wika ni Leigh nang makita kung ano ang ginawa ko. "Para sa baguhan na katulad mo, just drink a little bit hanggang sa kaya mo na." Then she winked to me.

Ilang minuto pa ang lumipas ay tila gumagaan ang pakiramdam namin sa isa't-isa. Si Andrew ang pinakamadaldal sa lahat. He always tell jokes kahit na sobrang napaka-corny. Keith is the cold one, palagi itong walang imik, ganun din naman si Liam. Kapansin-pansin din ang pagkakahawig nilang dalawa. There are some features that are similar sa t'wing may mga anggulo akong nakikita.

"Try this one, this is also a women's drink baka sakaling ito ang magustuhan mo." Inabot sa akin ni Chloe ang Blue Hawaiian kaya tinikaman ko muna ito.

"Tastes so good." Napangiti sila nang sabihin ko iyon, maaari rin naman akong tumikhim pa ng iba pero sa ngayon ito ang pinakamasarap sa panlasa ko.

"May boyfriend ka na Mari?" Tila ang lahat ay nagulat nang biglang magtanong sa akin si Andrew ng ganun, maging ako ay hindi inasahan ang tanong iyon.

"Ahm" naiilang kong sagot. Ngunit tila lahat sila ay naghihintay ng isasagot ko. "Wala." Maiksing tugon ko kaya naman naghiyawan sila na ipinagtaka ko.

"Edi maganda pala! At least walang magagalit kung sakaling malaman na uminom ka kasama kami, let's cheers!" Wika nito kaya naman itinaas namin ang mga inumin at pinagisa.

We have some time to talk some things about girl stuffs, hindi pala sila ang tipo ng babae na sobrang girly, they use to wear simple clothes, at hindi rin sila pala-ayos. A typical girl. Parang si Mel lang.

I'm Lost Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon