OpportunityAfter that night hindi ko na muling nakita si Ian, sinubukan kong bumalik sa lib pero hindi ko rin nakita ang presensya nya doon.
Pero bakit ko nga ba sya hinihintay? Bakit nga ba nakakaramdam ako ng hindi naman dapat? Hindi kaya naguguluhan lang ako?
Tinahak ko ang daan patungo sa head office, hindi ko alam kung bakit bigla na lamang ako pinatawag kaya naman mas dumoble lamang ang kaba ko nang marating ko ito.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago kumatok ng tatlong ulit. Nang bumukas ang pinto ay sumalubong sa akin ang sekretarya ni Mr. Velasquez.
"He's waiting you in his office Ms. Aquino." Ngumiti ito sa akin at pinagbuksan muli ako ng pinto patungo sa opisina nito.
"Good afternoon Ms. Aquino. Have a seat." Seryoso itong bumati sa akin at itinuro ang upuan na nasa kanyang harapan.
Tahimik lamang ako habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kwarto. Bihira lamang magpatawag ng estudyante sa head office kaya naman hindi ko maintindihan kung ano ba dapat ang maramdaman ko ngayon.
Kinuha nya ang isang long folder mula sa kanyang drawer at binigay sa akin. Hindi ko pa man tuluyang nabubuksan nang muli itong magsalita
" It's about your scholarship Ms. Aquino."
"Is there any problem about my scholarship sir?" Kabadong tanong ko sa kanya ngunit ngumiti lamang sya sakin na tila ramdam nya ang kaba ko.
Mahalaga para sa akin ang scholarship na 'to, kahit naman may kakayahan na pagaralin ako ng mga magulang ko ay pinili ko pa rin na maging scholar dahil para sakin, wala nang matutumbasan na regalo ang maibibigay ko sa mga magulang ko kapag nakapagtapos ako.
"We're offering you a scholarship again, and this time sa ibang bansa ka naman mag-aaral. Don't worry about the expenses, that's full scholarship you don't need to worry about the shelter, food dahil sagot nila ang dorm mo, and allowance every month. " paliwanag nya sa akin.
Hindi ako makapag-salita sa pagkabigla ng mga pangyayari. Sa ibang bansa ako mag-aaral? para akong natatanga sa mga sinasabi nya.
"P-pero sir paanong, bakit ako po ang napili ninyong ipadala sa ibang bansa?" Takhang tanong ko sa kanya.
"You're so eager to learn many things Mari, marami ka pang mas matututuhan sa ibang bansa dahil doon, the professor are expert especially in your degree. Maibibigay nila ang lahat ng kaalaman na karapat-dapat mong matutunan. And you deserve that because I know someday isa ka sa mga magdadala ng karalangan sa University natin." Ngumiti ito sa akin at muli kong ibinalik ang tingin ko sa laman ng folder na hawak ko.
"Mr. Velasquez pwede ko po bang pag-isipan ng mabuti at ipaalam sa mga magulang ko before I decide?"
"Yes you may, just don't forget to tell me what's your decision. The semester will start next year so better to have a decision in your mind. I'm counting on you Ms. Aquino."
"Thank you po Mr. Velasquez." Magiliw akong ngumiti sa kanya at ganun din ang ginawa nya.
Tinahak ko ang daan patungo sa dorm ng may ngiti sa mga labi. Para sa akin isa na ito sa mga magandang opurtunidad na hindi dapat pa palampasin.
Agad kong inimpake ang mga marurumi kong damit at inayos ng kaunti ang mga libro sa desk ko. Umpisa na kasi ng semestral break kaya naman ang halos lahat sa dorm ay nagbabalak na umuwi.
Hindi na ako makapaghintay na umuwi sa bahay, gusto ko na ulit makasama ang pamilya ko at ibalita sa kanila ang isang magandang balita panigurado akong susuportahan nila ako sa kung anong desisyon ko.
BINABASA MO ANG
I'm Lost Without You
Teen FictionHow long can you wait for your love to comeback? Will you able to stay and wait for him, or you'll give up? If waiting for someone is love, then how long will you endure the pain of his goodbyes and memories that the only thing left for you? "Do yo...