It was the usual day, nothing's new aside sa pagiging martir ko para sa pagmamahal ko sa taong hindi naman ako ang gusto. Two weeks had passed at hindi ako maaaring magkamali ng dinig mula sa kanya. I heard him loud and clear at hindi iyon isang imahinasyon lamang o dala ng aking nararamdaman. Ngunit sa kabila ng kasabikan ng puso kong muling marinig ang mga salitang binitawan niya ay nanaig pa rin sa akin ang katotohanan na after a year or maybe after three years he will marry a woman, at hindi ako 'yon.
Pinakawalan ko ang isang malalim na buntong hininga at tinahak ang daan patungong Head Office. Huminto lamang ako sa harapan nito at hindi ko magawang kumatok o buksan ang pinto.
Bakit ba ngayon pa ako nagdadalawang isip? This is what I want when I'm still in High School. Maybe Ian's words are holding me back to do what I want to do?
Huminga ako ng malalim dahil walang maayos na dahilan ang pumapasok sa isip ko upang tanggihan ko ang alok na ibinibigay sa akin ni Mr. Velasquez at ang pagpigil sa akin ni Ian na tumungo sa ibang bansa upang doon magpatuloy sa pag-aaral.
Ang selfish naman niya.
"Hey Mari are you alright?" napabalikwas ako at tinignan si Jianyu na nasa tabi ko lamang. Jianyu is my block mate, we are both taking Vetmed course but we're not close enough to talk.
"Ahm yes Jianyu." maiksi kong sagot sa kanya at nag-umpisa nang maglakad patungo sa aming next subject. Ramdam ko na nasa likod ko lamang siya at sinusundan ako ngunit hindi ako nagabalang tignan man lamang siya, hindi dahil sa ayaw ko sa kanya ngunit hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.
"Just Jian or Demeter." Pag-uulit nito sa akin.
Jianyu Demeter Lou is a half Chinese, his mother is a Filipina and his father comes from a prominent Chinese family. His features screams authority and wealth. Halata sa kutis niya na mula siya sa marangyang pamilya at isa sa mga balita na kumalat sa buong campus noong senior year ay isa raw itong playboy.
"Mr. Velasquez also offered you a scholarship to US right?" napatigil ako sa kanyang tanong at maigi itong tinignan sa kanyang mata, kinikilatis kung paano niya nalaman ang tungkol sa bagay na iyon. "He offered that to me last week and he said if you accept the offer, we're both going to US to pursue our course." diretsahang paliwanag nito sa akin.
Jianyu is one of my competitor in the block, ang dugong Chinese ang nananalaytay sa kanya kaya naman hindi rin basta-basta ang mga gradong nakukuha niya sa iba naming major subjects. Despite of wealth and handsome looks he has, he's still one of the Deans' lister every semester kaya naman ay hindi na ako magtataka kung pareho kaming mabibigyan ng opurtunidad.
"Nakapagdesisyon ka na ba?" Tanong nito sa akin habang patuloy na tinatahak ang daan patungo sa laboratory. Kita ko kung paano sundan ng tingin ng mga babaeng makakasalubong namin ang lalaking kasabay ko sa paglakad. Sino ba naman ang hindi mapapalingon kung ganito ka kisig at katalino ang kanilang makaksabay.
"Hindi pa." maikli kong tugon sa kanya.
"Why are you always quiet? You can talk to me Mari if you're having a second thought I can help you to decide besides tayo pa rin naman ang magkasama sa ibang bansa if you're going to accept the opportunity."
"Jianyu, I appreciate your efforts telling me these things, but I can't still decide. I hope you understand me. By the end of this year I'll let you know my decision." iniwan ko siyang nakatayo sa pinto ng laboratory at tinungo ang upuan sa harap at nakita ko namang sumunod ito sa akin at tinabihan ako.
We did some of the experiments that includes animal dissections and anatomy. Kung partners lang ang usapin panalo na ako dahil Jianyu is good in practical experiments. Inabot ko sa kanya ang dissecting scissors at maagap niya itong kinuha sa akin. Pinagmasdan kong maigi ang mukha niya habang siya ay may ginagawa.
BINABASA MO ANG
I'm Lost Without You
Fiksi RemajaHow long can you wait for your love to comeback? Will you able to stay and wait for him, or you'll give up? If waiting for someone is love, then how long will you endure the pain of his goodbyes and memories that the only thing left for you? "Do yo...