Chapter 02

16 3 0
                                        

Weakness

This day is not a normal day for me, mabigat sa pakiramdam gumising na alam mong walang naghihintay sayo paglabas mo ng kwarto, maliban na lang sa mga classes na talagang nakakaubos ng energy.

I did my daily routines, I just put light make up para hindi ako gaanong maputla tignan. I check my phone and I smiled when I read my mother's message.

'Good morning Mari! Don't forget to eat your breakfast and take care love you!'

I sent my reply to her and put my phone in my bag again. Ilang minuto lang ang lalakarin ko at nasa first class na ako, tho maaga pa naman so I decided to go to library para manghiram ng mga libro na makakatulong sakin sa mga advance reading ko.

Silence embrace me when I entered the lib, iilan pa lamang ang mga students na nasa loob, karamihan sa kanila ay overnight o dito na nagpalipas ng gabi o kaya naman afternoon classes.

Agad akong tumungo sa section of books na kakailanganin ko, I search some of the books that useful for me and if it is I will take it.

Iisa na lamang ang libro na kukunin ko pero tila matatagalan pa ako sa taas ng pagkakapwesto. Bihira lang kasi ang gumagamit ng librong iyon, mga kagaya ko lang na kumukuha ng kursong veterinary medicine. I keep reaching the book when someone took that for me.

I smell his manly scent, bahagya pang nadikit ang kanyang matigas na dibdib sa aking ulo na nagbigay sakin ng libo-libong boltahe ng kuryente.

"Here." Dahan-dahan akong lumingon sa aking likod at nabigla ako sa aking nakita.

A tall man standing in front of me screams authority,  his brown messy  hair emphasize his hazel nut eyes and aristocrat nose. Ang mga labi nyang natural lang ang pagkakulay na pula na tila inaakit ang lahat ng babaeng halikan ito. And also his stubborn jaw line na nagiging perpekto lalo sa t'wing umiigting. 

"You're drooling. " natatawang tinuro nito ang gilid ng labi ko at agad naman akong nabalik sa wisyo at kinapa ang gilid ng labi ko kung talagang naglalaway ako.

"Fake news mo hindi ako naglalaway sa 'yo." Asik ko rito at pabalang na inagaw ang librong hawak nya.

He silently chuckled and shocks ang gwapo pati ng pagtawa!

"Ohh defensive?  Sinabi ko lang na 'you're drooling' but I didn't say that, you're drooling because of me." pigil itong tumawa kaya mas lalo lamang sumingkit ang mga mata nya.

Nakakahiya talaga!

Tinalikuran ko na ito at hindi na ako nakapagpasalamat. Masyadong gwapong-gwapo sa sarili.

"Good morning Mrs. Dela Paz I just want to borrow these books." Magalang kong paalam sa librarian.

"Sure! Napakasipag mo talagang bata Mari. Isauli mo na lang kapag natapos ka na." Matamis itong ngumiti at ibinalik sa akin ang library record ko.

Paglabas ko ng library muling bumungad na naman sa akin ang lalaking walang ginawa kundi ang asarin ako sa loob.

"Hey!" Magiliw nitong bati sakin pero walang emosyon ko lamang syang tinignan.

"Salamat nga pala sa pagabot ng libro para sakin." Hindi ko na hinintay pa ang pagsagot nya at tinalikuran na sya at tumungo na sa first class ko.

AFTER my four classes for this day iniligpit ko na agad ang mga gamit ko at tinahak ang daan patungo sa girl's dorm, doon na lamang ako magaaral habang wala pa ang iba kong mga kasama.

I just took a quick shower para maayos sa pakiramdam habang nag-aaral ako when Melissa call me.

"Hey Mel napatawag ka?" Tanong ko sa kanya at narinig ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya.

I'm Lost Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon