His eyes were telling something to me. Punong-puno ng mga emosyong hindi ko mapangalanan, punong-puno ng mga mensahe na nais niyang sabihin pero pilit na ikinukubli.
Ganito ba talaga ang gusto mo? Ang pahirapan ako at gawing kumplikado ang lahat?
"Hey Ian" Pukaw ni Mellisa sa atensyon ni Ian kaya naman agad akong dumistansya kay Ian.
"Oh Mel," may bahid ng kabang sambit niya. Sana walang nakakita ni isa sa kanila kung paano kami magtitigan ni Ian.
"Gusto mo bang makigig sa kanila?" Tanong ni Mel kay Ian, walang alinlangan niyang tinaggap ang offer ng banda sa kanya kaya naman umakyat sya sa stage at kinuha ang gitara.
Alas dose - Agsunta
Madaling Araw, magkatabi habang atin ang gabi wag ka nang mawala saking tabi
Unang linya pa lamang ng kanta, dinig ko na ang malmyos at malambing niyang boses. Hindi ko akalakng may ganito syang talento.
Maduming sala, at malamig na alak
Katabi ang bumubuo saking hating gabi
Halika na, doon tayo sa, kung saan masaya, kalimutan na ang lahat
Ang nga mata niyang nakapikit upang damhin ang bawat liriko ng kanta ay unti-unting bumubukas at muli na namang nagtama ang aming mga paningin.
Isang malakas na ihip ng hangin ang humahaplos sa aking balat kasabay nito ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Kahit pilit kong itanggi na wala lamang ito, na hindi ko dapat bigyan ng malalim na kahulugan ang pagtingin niya sakin, pero umaasa ang puso ko na para sa akin ang kantang kinakanta niya.
Hating gabi na naman
Bawat sandaling magdaraan
Ay may istoryang ilalahad sa mahal natin hanggang walang hanggan
Madaling araw, nandyan ka pa ba?
Wag kang mapapraning mahaba pa ang ating hating gabi
Doon tayo, maglalaro, doon tayo sa mundong papalayo..
Isang malaking pagkakamali ang maaaring magawa ko kung ako mismo ang hindi iiwas sa kung ano ang nangyayari ngayon.
Isang maliit na hakbang patalikod ang ginawa ko, hanggang ang isang maliit na hakbang ay naging isang pagtakbo, paalis sa nakakalunod niyang mga tingin.
Alam kong ngayon pa lang naghihinala na sya sakin, alam kong nararamdaman niya kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya at ayokong maging dahilan iyon para gamitin niya ako sa mga balak niya. Hindi. Hindi ngayon.
Nang makalayo ako sa plaza agad akong pumara ng taxi at agad nagpahatid sa mansyon, buo na ang desisyon kong umuwi sa pamilya ko, ayoko nang manatili pa rito baka hindi ko na mamalayang unti-unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya.
Patakbo kong tinungo ang kwarto kung saan nandoon ang mga gamit ko at madali kong inimpake, hindi na ako maaaring magtagal pa rito.
"Anong ginagawa mo?"
Isang baritonong boses ang nagpatigil sakin sa kung ano man ang ginagawa ko. Boses pa lang nya tumitibok na ang puso ko, paano pa kaya kung masyado na siyang malapit sakin?
Hindi ko kakayanin kung magpapatuloy pa ang lahat ng 'to.
"I'm asking you Mari, where are you going? Why are you in a hurry?" Isang mahigit na hawak ang nagpatigil sa akin sa pag-iimpake. Ang lamig.
BINABASA MO ANG
I'm Lost Without You
Teen FictionHow long can you wait for your love to comeback? Will you able to stay and wait for him, or you'll give up? If waiting for someone is love, then how long will you endure the pain of his goodbyes and memories that the only thing left for you? "Do yo...