Move"Kumusta ang araw mo ngayon anak?" Bungad na tanong saakin ni ina nang makapasok ako sa loob ng aming bahay.
"Nakakapagod, pero masaya pa rin naman." Sagot ko rito, at humalik muna sa kanyang pisngi bago umupo sa tabi niya.
"Anak, napag-usapan namin ng daddy mo na mag-dorm ka na lang din sa University na pinapasukan mo." Seryosong sabi ni mommy saakin habang nagtutupi ng mga damit
"Mhie para saan naman?" Tanong ko rito
"Dalawang oras kang bumabyahe makauwi ka lang dito, ganun din sa pagpunta. May sakit ka pa sa puso, ayoko namang masyado kang mahirapan." Paliwanag nito saakin.
"Kaya ko naman po mhie, isa pa mas kumportable akong kasama ko kayo." Ani ko.
"Pero mas mapapanatag kami ng daddy mo kung susunod ka sa amin, mahirap na. Ikaw lang ang mag-isang umuuwi, ayaw naman naming kung saan ka na lang pulutin."
"Pero mhie-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang muli itong magsalita
"Susunduin ka naman namin ng daddy mo every weekends kung hindi ka busy at makakauwi ka." Dugtong nito
Wala akong magawa kung hindi ang makinig at tumahimik lamang. Hindi man ako pabor sa gusto nila, pero naiintindihan ko namang para saakin din naman ang desisyon nila.
"Sa lunes, doon ka na uuwi sa dorm mo kaya mag-impake ka na ng mga damit mo at kakailanganin mo." utos nito saakin.
"Sige po." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at agad na umakyat patungo sa kwarto. Dumiretso agad ako sa balkonahe at nagpahangin
Mahirap saakin na malayo sa kanila, kaya nga kahit mahirap para saakin umuuwi ako dahil alam kong magiging mahirap ang buhay kung mag-isa lamang ako.
Sa malalim na pag-iisip tumunog na lamang ang cellphone ko na nasa bulsa ko
*Mellisa's Calling*
Mellisa is my very first bestfriend since first year high school kami. Siya lang ang ginusto kong maging kaibigan ever since.
Wala din naman ang nakakatiis sa ugali ko dahil nga sa pagiging maldita ko at mainitin ang ulo.
"Yes honey napatawag ka?" Ito agad ang bungad ko sa kanya nang sagutin ko ang tawag niya
"Yuck ka!" Sigaw nito sa kabilang linya. Ayaw na ayaw niya kasi ng kahit na anong endearment, or yung feeling sweet to each others.
"Anyways, bakit?" Tanong ko sa kanya
"It's about Sanchez." Maikli nitong tugon ngunit dama ko ang pagiging seryoso niya sa mga katagang binitiwan.
Liam Sanchez, is the one who is deeply in love with her. Sa totoo lang pareho kami ni Mellisa na ayaw ang any commitments sa kahit na sinong lalaki. Dahil mas gusto ni Mellisa ang kapatid niyang si Keith.
"What's about him?" Tanong ko muli rito. Dinig ko ang pag-buntong hininga nito bago muling magsalita.
"Pumunta siya sa bahay kanina mabuti na lang at ako lang kung nagkataon na nandito sila papa baka isipin na naman nila na may relasyon kami. At lasing siyang pumunta dito, amoy na amoy ko! And he keep insisting na papasukin ko siya!" Sigaw nito sa kabilang linya
BINABASA MO ANG
I'm Lost Without You
Teen FictionHow long can you wait for your love to comeback? Will you able to stay and wait for him, or you'll give up? If waiting for someone is love, then how long will you endure the pain of his goodbyes and memories that the only thing left for you? "Do yo...