Chapter 3

43 2 0
                                    

Third P.O V

Sa ilalim ng liwanag ng buwan, ngayon ay tinatahak na ni Key gamit ang kanyang motorbike ang daan ng mansion nina Gio. Dahil ngayong gabing ito ay ang unang trabaho niya bilang isang bodyguard nito. Nang marating na niya ay tinanggal na niya ang helmet niya at tinignan niya ang mansion. Hindi gaanong mailaw ito ngayon, at may dahilan din siya bakit siya ngayon magtatrabaho dahil day off ang mga kasambahay nito, at di muna makakabalik si manang dahil may emergency sa kanilang bahay. Sa mansion ay parang walang tao kaya kinakabahan nanaman si Key para kay Gio.

" alam kong wala nanaman siya sa bahay dahil sa atmosphere na dala dito, mabuti nalang at binigyan ako ng susi. " kaya inopen na niya at totoo talaga, walang Gio ang nakita niya.

Tinignan niya ang kabuohan ng sala, puti lahat ang makikita mo sa gilid naman ay makikita mo ang hagdanan na lahat doon ay kwarto na, simple lang pero elegante tignan. Agad naman siyang pumunta sa kwarto niya, alam niya ito dahil sinabi ni chief ang location ng kwarto niya at inayos na niya ang gamit niya bago palang dumating si Gio.

Si Gio ay nasa kina Art kumukopya ng mga na miss niyang discussion sa paaralan. Hindi niya din namalayan na dumidilim na pala kaya niligpit na niya ang gamit niya at nilagay ito sa bag na dala niya at lumabas na siya sa kwarto ni Art at hinanap niya ito sa baba.

" Art? "

" yes? " ssgot ni art habang kumakain ng junk foods.

" pwede ko na lang ba dalhin itong notebook mo na di ko pa natapos? Gabi na kasi dapat umuwi na ako. " sabay baba niya sa hagdanan.

Kumain muna si Art habang magsasalita nanaman siya at tumayo. " dito ka nalang matulog Gio baka, may nangyari nanaman sayo "

" hindi pwede dahil babalik na si manang galing sa day off "

" ahh naalala ko pala, tumawag si manang sabi niya di daw siya uuwi dahil may emergency. "

" talaga? Sige, kaya ko naman sa bahay ehh mag isa sige una na ako " pero nang lalabas na si Gio ay sumabay ito si Art.

" I'll drive you home Gio " hindi na nag umangal si Gio dahil alam niyang di siya tatantanan ng kaibigan, ang kaibigan niya ang nasa driver seat at siya naman ay nasa front seat. Ito din ang ayaw ng kaibigan niya na umupo siya sa likod dahil daw parang personal driver daw tingnan. Pinaandar na ni Art ang kotse .

" Gio, yung kotse mo ako na mag drive papunta sa school. " nag nod lamang si Gio at tinignan niya ang labas.

20 minutes ang nakalipas....

" are you sure dude na okay kalang mag isa jan? " Tanong ni Art habang si Gio ay lumabas na sa kotse

" oo, im okay may security guard naman sa subdivision namin "

" ikaw bahala, I have to go " at umalis na si Art at inopen na ni Gio ang gate.

Gio P.O.V

May kakaiba sa bahay, open halos ang light. Hindi ko naman ito binuksan lahat, baka naman niloloko ako ni Art na di uuwi si Manang.

When I open the door at pumasok ako, dahan dahan ko naman sinarado ang pintuan.

" san ka galing? " Para naman ang kaluluwa aalis na sa katawang lupa ko ng may narinig akong boses sa likod. Di ko pa siya nililingon at hindi naman ito si Manang, dalaga ang boses nito. Dahan-dahan ko nilingon kung sino ang nagsalita at Mas nagulat ako na isang babae na kulay puti ang t-shirt at naka short, naka ponytail at nakapamewang sa harap ko. At si Keycell ito. Ano naman ang ginagawa niya dito?

" Keycell? "

"Yes?" Sabi niya, talagang siya ito alam na alam ko dahil siya ang pinakamahigpit ko ding kakumpetensya sa ranking.

My Bodyguard, My Lady [ SLOW-UPDATE ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon