[ Keycell P.O.V ]
" nako! Hindi ka naman siguro papatayin sa mataong lugar kay pumunta kana doon. Shooo~ " taboy ko sa kanya
Bumuntong ng hinga muna siya at umalis na.
Gusto ko namang pumunta sa cafeteria at samahan si Gio para hindi na pingutin ang tainga ko ni Chief at makita ni Gio tapos pagtatawanan nanaman ako.
Gusto ko lang mapag-isa dahil hindi ko talaga maunawaan ang sinabi ni John Paul kanina.
Hindi nga niya alam na agent ako at bodyguard ni Gio, pero bakit ganon siya pumayo? Parang may mangyayaring masama at hindi ngayon ito.
Fortune-teller ba si John Paul?
Iniingatan ko naman talaga si Gio kahit hindi ko siya parating kasama.
May iba nang bumalik sa loob ng classroom. At una kong nakita ay si Xian, nagbabasa siya ng libro habang iniinom niya ang binili niyang ininom.
At kita kong may papasok na nadalawang babae, hindi ko matandaan ano ang name nila ehh. " oi! Lala, alam mo ba na nag drop out na si John Paul? " sabi ng isa
" huh? Sinong John Paul? Yung section B na nakalaban ni Giondale noon? " girl #2
" oo siya nga, bakit kaya umalis siya? " girl #1
Si John Paul Vasquez ay umalis na? Kani-kanila lang ay sinabihan niya ako na mag ingat sa iba. Nang tinignan ko si Xian, kinuyom niya ang kamay niya. Anong nangyari sa kanya?
Tumayo nalang siya at lumabas sa room, baka naman naiihi lang siguro siya. Lalabas na sana ako para sundan si John Paul, alam ko na hindi pa siya nakakalayo kaya dapat kong madalaliin. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na din.
[ Gio P.O.V ]
" oi dre! Bakit may isa ka pang dalang burger? Hindi kapa ba nabubusog nang kumain tayo doon? " sabi sa akin ni Art
Pabalik na kami sa room at ang isang burger nato ay ibibigay ko kay Keycell. Alam kong gutom yun at tamad lang talagang lumabas sa room.
" hindi, ibibigay ko lang kay Key itong burger hindi nag recess eh " sagot ko kay Art pero ito naman siya ay todo ngiti, anong nangyari sa kanya?
" ayiee! Concern siya ni Key! Hahaha! " sabi niya
" bakit? Bawal ba? " prangka kong sabi
Inakbayan lang niya ako.
" Gio, tapatin mo nga ako.... Gusto mo naba si Key? " tiningnan ko naman si Art sa sinabi niya.
Gusto ko na ba talaga si Key?
Pare-pareho lang sila ni papa mag isip eh!
Kagabi gusto ko nang manuntok ng tao ng malaman kong hindi pala ako ang una naging alaga ni Key! Si Terrence Chiu na kalaban ko talaga noong Elementary ako.
At si Terrence din ang una niyang naging boyfriend? Puta siya!
" pag concern naba may gusto na? Tsk! Ikaw Art,diba concern ka talaga sa akin? So it means may gusto ka sa akin. " kinidhatan ko siya at napangiwi naman siya.
" Hoy Gio! Hindi tayo talo ha! Lalaki talaga ako! " sabi niya
" oo na " pagpasok ko ay todo ngiti ako, parang ewan lang pero
Wala si Key sa upuan niya, nilibot ko din ang sulok ng room dahil hindi ko talaga siya nakita. Bigla naman akong kinabahan dahil wala siya, wala ang bodyguard ko.
" samantha! Nakita mo si Key? " bigla kong tanong sa kanya
" umalis yun eh, dala ang bag niya" sabi niya
BINABASA MO ANG
My Bodyguard, My Lady [ SLOW-UPDATE ]
RomanceMagiging SUD po ito dahil busy ako pero sana magustuhan niyo po itong istoryang ito!