[ Gio P.O.V ]
" Who are you? " sabi ko sa kanya.
Tinignan niya naman ako ng diretso at nilagay niya ang kamay niya sa bulsa niya.
Base sa pagmumukha niya ay hindi naman niya ako papatayin dahil pormal na pormal ang dating ng lalaking ito.
" tsk, Giovanne Mikael Alcantara alaga ni Keycell Jane Coquilla. Aish naman kasi yung babaeng yun! " sabi niya at nagsasalita mag isa
May tupak ba din itong lalaking ito? Bigla naman siya lumapit sa akin at nilahad niya ang kamay niya.
" agent arellano, anak ni Chief Arellano." Sabi niya
So siya pala dapat ang pupuntahan ni Key noong gusto niyang tumakas sa akin. Gwapo siya sa totoo lang pero hindi kami talo niyan!
" Gio " tipid kong sabi at nilahad ko din ang kamay ko sa kanya
Matagal-tagal ko dun naming kinuha ang kamay namin. Tinignan niya ako ng diretso.
" bakit sumusunod ka sa akin? " bigla kong tanong sa kanya
Siya naman ay napakamot lang sa noo niya.
" kanina mga 9am tinawagan niya ako at sabi niya bantayan ka daw...hindi naman niya naman sinabi sa akin na kung saan nanaman siya pupunta. Hayst talaga. Inoff din niya ang cellphone niya kaya hindi ko ma trace kung saan na siya. But don't worry to her, babalik yun na buo at walang kulang...hmm baka may labis pa. " sabi niya
Ano naman ang sinasabi ng gong gong nato sa akin ah! Hindi ko maintindihan yung sinabu niya sa akin na may labis daw pagbalik ni Key.
Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya.
Inakbayan niya ako at binuksan niya ang driver seat.
" Umuwi kana sa bahay mo! Wag na tayong mag tagal baka hindi ako makapagreview dahil sa iyo.... "
Pumasok nalang ako at nagmaneho na. Tinignan ko naman sa side mirror kung nandyan pa ba yung Arellano na yun.
Naalala ko naman si Key na nag dadrive ako, ano kaya ang nangyari sa kanya?
Tinigil ko na ang sasakyan, dali dali akong lumabas kagaya din ni Arellano.
" pasok ka muna sa bahay. " offer ko
" wag na dre, baka di na ako makapag review " sabi niya at umalis na
Tinignan ko lang siya habang pabalik sa kotse niya pero dapat niya sanang buksan ang pinto ng may dukutin siya sa bulsa niya.
Hinagis niya naman ito sa kahit at pasalamat din ako na nasalo ko ito.
" dre! Ibigay mo yan kay Key " sabi niya at pumasok na.
Tinignan ko naman kung ano ang ibibigay ko kay Key,
" concealer at band-aid? " taka kong sabi.
Bakit niya naman bibigyan ng ganito si Key? Alam niya ba kung saan yung babaeng yun?
Pumasok nalang ako sa loob at agad-agad akong pumunta sa kwarto dahil maliligo na ako at pagkatapos ay gagawin ko nalang ang assignment ko kahit walang klase bukas para sa meeting.
Nang nakabihis na ako ay dapat uupo na ako sa study table ko ng
" jusko! Anong nangyari sa iyo iha!.....Carlo! Ilagay mo si Key sa kwarto niya! Roxanne! Kunin mo yung fist aid kit! " sigaw ni manang
Hindi ko namalayan na lumabas na ako at akay-akay siya ni manong Carlo papunta sa Kwarto niya.
" manong! A-anong nangyari k-kay Key? " gulat kong tanong kay manong
Si Key...duguan...nanghihina...
Bigla namang lumakas ang kabog ng dibdib ko sa nakiya ko. Nawala siya sa klase pero nakita ko siya na nasa harap ko na duguan?
" Manong! W-wag mo siyang ilagay sa kwarto! Ipahanda mo yung kotse dahil ipupunta natin siya sa hospital! " madiin kong sabi
Nakita kong inangat ni Key ang mukha niya habang akay-akay pa siya ni manong Carlo.
" H-hindi na k-kailangan Gio, K-kunti lang naman ito eh. " may gana pa siyang ngumiti sa nangyari sa kanya? Ano to sa kanya? Lokohan lang?
" NAKITA MO BA YANG KALAGAYAN MO KEYCELL! HALOS MAWALAN KANA NG DUGO! DAHIL SA NATAMO MONG MGA SUGAT! MANONG IHANDA MO NA! PUPUNTA TAYO...." galit kong sabi
narinig ko pa siyang nag mura...she's so unbelievable! Halatang nasasaktan na siya dahil sa nangyari sa kanya, nagsisinungaling pa siya na okay lang siya? Lokohin niya lolo niya!
Dahan-dahan naman siyang nilagay ni Manong sa backseat, at nang malagay niya siya agad naman akong pumasok sa backseat.
Nakasandal siya ngayon.
" G-gio naman....okay lang ako, malayo ito sa bituka... " mahinang sabi niya
" nakita mo ba yang sarili mo Keycell? God! Kung sayo okay lang yan dahil sanay ka jan noon pa, but for me hindi yan okay sa akin! Gusto mo na bang mamatay ha? " sabi ko
Hindi na siya umimik kaya naman ako tumahimik nalang. Galit ako sa kanya, galit na galit! Ganito niya ba pinapabayaan ang katawan niya? Kung okay lang yan sa kanya, pwes hindi okay sa akin yan!
Pero, naawa din ako sa nangyari sa kanya. Naging ganito ba siya dahil sa kaligtasan ko?
-------
1 am na pero nandito parin ako sa tabi ni Key. Hindi ako makatulog dahil sa pag alala. At ayoko din matulog dahil nga gusto ko makita ang pag gising niya. Nang marating kasi namin ang Hospital, tulog na siya...Madaming nilagay sa mukha niya na band-aid. Ang dami din niyang pasa sa katawan....
Tinawagan ko na din si Chief at pinaalam ko sa kanya kung anong nangyari kay Keycell. Hindi din daw siya makakapunta dahil pupunta din siya sa meeting namin sa school.
Si Arjhay lang daw ang pupunta dito.
Bigla namang bumukas ang pinto at nakita ko si Arjhay Arellano na may dalang prutas.
" nakabili kapa ng prutas? " sabi ko sa kanya
1 am na kasi, san naman siya bibili ng ganyan. Nilagay niya ito sa tabi at umupo sa sofa.
" kanina ko pa yan binili, noong paghatid ko sa iyo. Alam ko naman na mangyayari ito sa kanya kasi last call niya sa akin may narinig na akong may naghahamon ng away. Kaya naman binigyan kita ng concealer at band-aid, pero mas malala pala ang mangyayari sa kanya. " sabi niya
" kung alam mo naman na nasa bingit ng kapahamakan si Key, bakiy hindi mo siya tinulungan? " sabi ko sa kanya
Iniba niya ang posisyon niya sa pag-upo at tinignan ako.
" di mo siguro ako pinapakinggan kanina no?.....Diba sabi ko, hindi ko ma trace ang location niya dahil naka off ang cellphone niya... teka nga! Bakit ba parang galit ka sa akin? "
" Kasi bodyguard ko siya kaya ganito ako! " diin kong sabi
" wee? Parang may iba eh...bukod sa bodyguard mo siya. Hmmm, gusto mo siya no? "
Napalingon naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya, ano naba ang nangyayari? Kahapon, si papa tinatanong ako sa question na yan tapos kanina si Art at ngayon naman si Arjhay?
Ganito naba kahalata na gusto ko na siya?
" hindi no! Pareho lang kayo! Pag concern ka sa isang tao gusto na agad? " sabi ko
" iba na kasi yan dre, hayst nako! Ano ba itong pinagsasabi ko sa iyo Gio? Baka inaantok na ako, sige matulog muna ako. Ayaw mo pa kasing matulog. " sabi niya at humiga na sa sofa
Tinignan ko naman si Key....hindi pa din siya nagigising...pwede naman siguro akong matulog nalang para baka mamaya gigising na siya.
To be continued....
Excayessalyn
BINABASA MO ANG
My Bodyguard, My Lady [ SLOW-UPDATE ]
RomanceMagiging SUD po ito dahil busy ako pero sana magustuhan niyo po itong istoryang ito!