Key P.O.VIsang linggo ko na binabantayan si Gio pero wala namang nagtangka na patayin siya. Kaya nag desidido na ako na talikuran ko na ang pagiging bodyguard ko sa kanya, hindi dahil lang walsng death threat na bigay ang mga mamatay tao kundi punong puno na ako sa kanya! Sabi ni Chief, babantayan ko lang siya pero hindi na yon ang trabaho ko kundi ako na ang P.A niya, gusto niya ako magluluto dahil daw baka may lason daw pag iba ang gumawa, langya naman siya! Grrrr... pag sabihan ko na si Roxanne muna ang magdala ng meryenda niya sa kwarto ay ayaw niya kahit nilinisan ko ang swimming pool nila dahil maliligo daw siya. Pero nagbago lahat ito dahil sa tatlong araw ay may nagtransfer at section B unang kita ko palang sa kanya ay misteryoso na siya tao, sabi nila si John Paul Vasquez daw. Pero sa tatlong araw din niya dito ay parating matalim ang tingin niya kay Gio at nakakuyom ang mga kamay. Pero ng tinanong ko si Gio kung kilala niya ang transferee pero hindi daw. Nagtaka na talaga ako kaya kahapon, nagcutting class ako para pumunta sa headquarters namin at ipinasearch ko ang tungkol ni John Paul Vasquez pero ni isang letra na tungkol sa kanya ay wala talaga, kaya mas nagtaka ako sa kanya.
Kaya ngayong araw ay dapat ko siyang kausapin para itanong kong sino talaga siya. Bumaba na ako sa puno na inakyat ko at pumunta muna sa CR dahil call of nature ehhh.
Nang lumabas na ako at naghugas ng kamay ay hindi ko sinasadya na makinig sa mga sinasabi ng mga babae.
" yung transferee raw ng 4thyear section B nasa Principal's office " girl1 habang naglalagay ng pulbo
" huh? Yung gwapo pero killer eyes naman kong makatingin? " girl2
" oo nga! Siya lang ang transferee ngayon pero mamaya daw may dadating nanaman na transferee.. " kilig na sabi ni girl 1
" ah sige back to our topic, so bakit nandoon ang transferee? " girl2
" dahil daw nag suntukan sa likod yung si Giondale nakita ko nga ehh kala ko matatalo ni Giondale si transferee dahil nga blackbelter sa martial arts pero hindi naman magpapatalo si transferee ang patas nga nanglaban ehh " girl1
" nakita mo? " girl2
" syempre naman, dahil hahabulin ko na sana si Cindy pero nakita ko ang kumpulan. "
" pero sa tingin mo, ano kaya ang pinag aawayan nila? Alam kong hindi girlfriend yan dahil nga si Gio wala pang gf " girl2
" oo nga, pero parang nagkakilala na sila noon eh kasi the way na magsuntukan sila ay alam na nila ang tecnic... " girl1
At doon ay umalis naman sila, tinignan ko ang mukha ko sa salamin at binalik balikan ko sa isip ko yung sinabi ng mga chismosa.
" the way they fight, " sabi ko sa sarili ko kaya tinawagan ko agad si Arjhay, isa sa mga co-agent ko.
" oh? Napatawag ka? Long time no call ka " sabi niya sa kabilang linya.
" may ipapahanap ako, si Giondale Sumana, ngayon na. " tigas kong sabi
" okay tatawagan nalang kita pag may nahanap na ako sige " at siya na nag off ng call -_-
Ilalagay ko na sana ang cellphone ko sa saya ko ay nag vibrate kaya tinignan ko naman ito at si Samantha lang pala.
Samantha:
Keycell Jane? San kana? Galit na si Sharline dahil magmemeeting na tayo sa booth natin...hurry up.
Nakalimutan ko pala, next week na pala ang Intrams at busy na din si Gio dahil MVP din siya sa basketball. Ako? Hmmm hindi naman sa nagmamayabang, volleyball player din ako pero I stop dahil hindi naman challenge parati nalang kami panalo dahil mga lampa lang ang kalaban namin, kung baril lang talaga okay lang sa akin. Si Sharline volleyball din ehh at siya yung leader, siya din ang president namin at sa SSG ( Supreme Student Organization ) si Samantha naman ang V-Pres. Sa room pero hindi nanalo sa SSG
Pumunta na ako sa classroom dahil nga sa sinabi ni Samantha, pero si Sharline ang nasa pintuan at para namang mayordoma...
" 13 minutes late, san kaba galing? " taray na sabi ni Sharline sa akin kaya naman tinaasan ko din siya ng kilay.
" paki mo ms. Pres.? Pwede niyo naman simulan ang meeting ehh. " at naglakad ako papunta sa upuan ko, wala si Gio dahil may practice sila, mga 10 student din dito ang wala dahil nga athlete....
" But I need all of your decision what will be our booth...ayoko na ako lang mag decide " sabi niya
" kahit na mag bigay kami ng desisyon ay hindi mo din gusto " at nakita ko na nagalit na siya kaya naman pumunta na siya sa harap at diniscuss ang booth.
Ako naman ay natulog nalang dahil hindi naman ako marunong sa ganyan ehhh di naman nila pinipili ang desisyon ko.
Mahigit isang oras na din ang meeting at lumayas na yung namamagaling na babae at pumunta sa office niya, walang teacher dahil busy ma din sa paghahanda aalis na sana ako nang mah pumasok na nakayuko na lalaki.
" diba siya yung bago nanaman na transferee bukod sa transferee ng section 4B? "Girl1
" ang name nga niya ay Xian Villanueva? " dugtong ni girl1
" oo nga ang cute noh? Pero silent type yan alam ko " girl2
Binabaliwala niya ang mga sabi sabi ng mga babae at umupo na sa bakanteng upuan na malapit lang din sa upuan ko, tinignan ko naman siya pero nakayuko lang siya at nagbabasa, halata sa aura niya na gusto niya mapag isa kaya umalis nalang ako para puntahan si Gio.
Hapon na kaya pauwi na kami ni Gio sa bahay nila, tinignan ko naman siya halatang pagod na siya kakapractice. Hindi ko nalang siya ginising.
" Gio! *yug yug ko sa kanya* nandito na tayo " sabi ko sa kanya kaya minulat na niya ang mata niya at lumabas na siya. Pero langya!!! Ako nanaman magdadala ng bag, puta siya! Oo nga! Araw araw ko na ito ginagawa sa kanya! Body guard lang ako at hindi taga bitbit ng gamit.
" arrrrgggghhh!!!! " padabog ko namang punta sa mansion nila
To be continue
xoxo...'Excayessalyn'
BINABASA MO ANG
My Bodyguard, My Lady [ SLOW-UPDATE ]
RomanceMagiging SUD po ito dahil busy ako pero sana magustuhan niyo po itong istoryang ito!