Author's Note:
Thanks po mga readers ng MB,ML kahit medyo matagal maka update kasi Cellphone lang ako nag pupublish ehh. Thanks din sa patuloy na pagbabasa nito!
Happy reading guysss......
Key P.O.V
Nasa bahay ako ni Gio. Halata naman dahil dito ako nagtatrabaho. Nagbihis na ako at bumaba, pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig, nakita ko naman si Roxanne na naghanda na din sa pagkain ni Gio.
" oi Key? Aga ng gising mo ahh! "
" di na kasi ako makatulong nung nag CR ako at 4 kaya naligo nalang ako at nagbabad sa net. "
Pero sa totoo lang hindi talaga ako makatulog ng maayos dahil sa mga narinig ko sa pinag usapan nila hand in a pocket at headset.
" ahh talaga? Sige kumain kana muna, hindi maaga pa kasi kaya maya maya pa din gigiaing si sir Gio. " nung pagkasabi niya ay kumain na ako, malapit ng maubos ang pera ko dahil doon sa Restaurant nina Gio!
Pagkatapos ay nilagay ko na ang pinagkainan ko sa lababo dahil sabi ni manang siya nalang daw ang manghuhugas. Lalabas na ako ng nakita ko si Gio na bumaba.
" good morning! " masaya kong sabi sa kanya at pumunta na sa kotse para hintayin siya.
Tinignan ko naman kong sino ang natext dahil nag vibrate ehh.
From Arjhay:
Hoy tinatanong ni papa kung kailan daw yung homeroom PTA niyo daw.. para ma reschedule niya ang mga schedule niya sa date na yun
Ay tama pala! Ngayong week na pala irelease ang first grading card namin, I hope that nasa top 2 pa din ako. Nakalimutan ko pala anong araw ang meeting. Pumasok naman si Gio.
" Gio kailan ang meeting pala? " sabay istart ko sa engine
" thursday @ 1 pm " sabi niya at nagbasa na ng florante at laura
" gusto mo pala ng lovestory Gio? " pang aasar na sabi ko sa kanya, nakita ko naman siya na nawala ang focus sa pagbabasa siya at biglang namula ang pisngi niya.
" Ano ang pinagsasabi mo jan Key! I'm just reading this book kasi alam kong magkakaroon tayo na lesson nito sa Filipino! " sigaw niya sa akin
" ang advance mo talaga Gio no? " sabi ko at tinuon ko nalang ang tingin ko sa kalsada.
-----------------
" oi? Sino ang dadalo sa meeting mo pala Key? " Tanong na sabi ni Samantha sa akin.
Nandito lang naman kami sa Cafeteria dahil recess na at kasama ko ito g Samantha na ito.
" ai! Pasalamat pinaalala mo sa akin. " sabi ko at kinuha ko ang cellphone ko dahil itetext ko pala kay Arjhay ang meeting.
" nga pala Key, ang mag memeeting ba sayo yung gwapong lalaki? " napatigil naman ako sa pag type sa cellphone ko.
Alam ko naman na si Arjhay yung tinutukoy niya dahil last year siya yung nag meeting sa akin dahil busy daw papa niya. Kaya nung rumampa na siya papunta sa room ay tumili agad sila. Hay nako.
Bumalik nalang ako sa pag type " bakit gusto mo siya? "
Bigla namang namula ang mukha nitong Samantha " H-Hindi ah! Bawal ba mag tanong? "
" hay, nako Samantha sabihin mo na kasi ang totoo may gusto ka dun...di ko naman sasabihin sa kanya. " sabay lagay ko sa cellphone ko sa bag at ininom ko ang juice.
![](https://img.wattpad.com/cover/37185976-288-k337159.jpg)
BINABASA MO ANG
My Bodyguard, My Lady [ SLOW-UPDATE ]
RomanceMagiging SUD po ito dahil busy ako pero sana magustuhan niyo po itong istoryang ito!