Chapter 11

13 1 0
                                    

A/N: short Chapter lang po ito....

Key P.O.V

Hapon na kaya naman nag uunahan nanaman ang mga estudyante na lumabas, hay nako dapat na nila yan baguhin! High School na sila hindi Elementary! Pero asa naman kayo na nakipag dutdutan ako doon eh nga naman may sasakyan si Gio at ako ang nagmamaneho tsk tsk.

But wait.... speaking of Gio, nawala ahh! Nandito lang yun sa classroom nililigpit ang gamit niya. Tsk! Baka lumabas na yun. Kaya naman dali dali na din akong lumabas at pumunta sa Parking lot... iniwan ko na ang libro ko sa locker ko, wala namang assignment ehhh... pinapaikot ikot ko naman sa daliri ko ang susi na tukaya ko at nag humming.

Pero may nakita akong dalawang lalaki na nakatalikod sa akin, kahit nakatalikod sila ay alam kong seryoso sila.

Pero hindi naman siguro bawal na makinig sa may usapan diba? Kasi nga naman sabi ng utak at puso ko na dapat ako makinig. Kaya mas lumapit ako, yung maririnig ko ang mga sinasabi nila...

Nagtago ako sa hindi nila ako makikita.

" Alam mo naman kong anong kaya kong gawin diba? " sabi nung may headset sa ulo.

" oo, alam kong ano kaya mong gawin, pinatay mo nga siya diba ? " sabi ng naka hans in a pocket

Ano daw? Pinatay? Sino? Parang kinutuban naman ako sa sinabi ng hand in a pocket na to.

Halata naman na estudyante sila sito dahil naka uniform sila, pero bakit ganun? Totoo ba talaga na may pinatay itong si headset.

" bakit mo nalaman agad?  "

" pano ko di malalaman na dito mo siya sa Campus pintay at sa Intrams pa! At wala naman may ibang may galit dun kay Giondale! " sabi ni hand in a pocket.

Si Headset ang pumatay kay Giondale, napa atras ako. Ayoko na, di ko naman ito pwedeng isabi kay Chief dahil wala akong ebedensiya.

" good Falcon, pero pano ba yan? Tatakas kananaman? Dahil alam ko na nandito ka? "

" hindi, hindi mo ako pwede mapatay dahil nasa akin ang susi na makokompleto niyo ang kailan niyo pero kahit anong gawin niyo ay hindi ko sasabihin kong sino ang may dala ng dalawa. " sabi ni hand in a pocket at umalis na siya. Si headset naman ay nakatayo lang at inayos niya ang headset niya.

" malalaman ko lang din kung sino ang dalawang yun at alam kong nandito lang sila sa Campus na ito. Pero okay na din malapit ko na din makuha ang ikalawa. " at umalis na din siya.

Parang nanigas ang mga paa ko dahil sa narinig ko, pero ayokong magpadalos dalos dahil wala akong dalang panlaban nasa kotse at pag may panlaban din ako ay hindi ko alam kong kaya ko siya dahil kaya niyang sabihin na yun ay suicide.

Nang makarecover na ako pumunta nalang ako sa kotse at pumasok, hindi pa naman nakarating si Gio baka may gagawin lang siya.

Maya maya naman ay dumating na siya at nakabihis. San nanaman siguro ang lakad namin nito. Pero hindi pa din   kami  nagkakabati nito. Humupa nadin ang galit ko sa kanya pero pano ako mag sosorry? Like duh! Magkakabati rin kami alam ko yun.

Pumasok na siya at sinabi niya na pupunta muna daw kami sa Alca Restaurant nila. Alam ko naman kong saan yun eh, pinuntahan nanamin yun last time.

Nang marating nanamin ay bumaba na siya at ako naman ay nanatili lang sa loob ano naman ang gagawin ko sa loob? Pero nakaramdam naman ako ng gutom kaya lumabas nalang ako sa kotse para kumain nalang dahil gutom na ako. Sa restaurant naman ay madami din ang nandito, mga estudyante at chu chu.

Naghanap na ako ng mauupuan ko at may nakita naman ako malapit lang naman din kina Gio kaya okay lang naman. Para kahit kumakain ako ay binabantayan ko siya. Mahirap na din kasi kahit sakanila baka sumugod ang papatay sa kanya.

May kausap siyang seksing babae, halata dahil fit na fit sa kanya ang sinuot niya. Dumating na din ang order ko kaya kinain ko na, baka matapos na sila mag usap at hindi ko mauubos ito. Sayang naman ang inorder ko at mahal mahal pa naman.

Sakto naman na pagkatapos ng usapan nila ay natapos na din sila. Dahil nag handshake na kasi, business siguro ang pinag usapan nila. Hay  nako talaga kahit high school graduated palang ay lolong na sa trabaho.

Nauna na akong umalis hihintayin ko nalang siya sa loob.

" uuwi na tayo. " sabi niya ng pagkapasok niya sa kotse. Inistart ko nalang at tahimik nanaman kami sa byahe.

Pero binasag niya ang katahimikan dahil siya ang nag salita. " sorry " nakayuko niyang sabi.

" ako ba ang sinasabihan mo Gio? " sabi ko habang nakatingin pa din sa daan.

" sino pa ba ang nandito sa loob diba tayo lang?  " sabi niya

" aba malay kong may kausap ka jan sa telepono mo o baka naman ay may isa pa tayong kasama dito sa loob. "

" what do you mean m-may kasama pa tayo sa loob? " mautal utal niyang sabi

" yung alam mo na, di natin makikita, hahahaha "

" tumahimik kana nga jan! Just focus on driving " mautoridad niyang sabi

" opo sir. Pero oo na, pinapatawad na kita, humupa naman din kasi ang galit ko sayo. " sabi ko


To be continue

xoxo..' Excayessalyn '

My Bodyguard, My Lady [ SLOW-UPDATE ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon