Chapter 10

18 1 0
                                    


Key P.O.V

Lunes na ngayon at kahapon hindi ko talaga pina pansin si Gio. Pero di maiiwasan na may pupuntahan siya pero hindi ko talaga pinapansin siya at binibigyan ko lang siya ng malamog na tingin.

Humarap muna ako sa salamin at sinuot ko ang I.D ko. At sinuklay ko muna ang buhok ko at naglagay ng pulbo. Pagkatapos ay sinintasan ko ang sapatos ko at kinuha ko na ang libro at bag ko bago ako lumabas sa kwarto. Nangpag baba  ko ay naghanda na si Manang at Roxanne, ewan ko lang itong si Roxanne, ayaw niya mag aral.

" oi Jane! Kain ka muna habang si sir hindi pa kumakain. " sabi niya habang kitang kita ko siya na naglagay ng plato. Ngumiti lang ako ng pilit.

" wag na,busog pa naman ako, sa school lang ako kakain "

" you should eat breakfast key " sabi ng nasa likod ko at alam ko naman na sino itong nasa likod ko.

" sir good morning.. pero im going to take breakfast sa school nalang. Sige hihintayin nalang kita sa kotse. " sabi ko

Balak ko na sanang umalis dahil pag nakikita ko siya parang sirang plaka pabalik balik sa utak ko yung sinabi niya na hindi ako tinuruan ng manners ng parents ko.

Pero  na hawakan niya ang braso ko pero hindi siya nakatingin sa akin. Ano na naman bang problema?

" kakain ka kasama ko " seryosong sabi niya

" ang bodyguard ay hindi sumasama sa pagkain ng binabantayan nila. " at kinuha ko ang kamay niya sa braso ko.

" ang pagkain ay naghihintay na key kaya kumain na tayo."

" ikaw nalang ang kumain busog ako " i said with a cold tone at umalis na.

Ayoko makipagtalo sa kanya, kahit siya pa yung amo ko. Ayoko lang talaga na makita siya pero hindi maiiwasan ehh. Tumawag na ako kay chief para mag give up na ako sa trabaho ko pero ayaw niya eh kung gagawin ko daw yun, tatanggalin na daw ako bilang agent.

Oo nga, maliit lang yung kinagalit ko sa kanya pero masakit na binalik nanaman niya ang nakaraan. Na gusto ko ng kalimutan.

Nilagay ko ang gamit ko sa front seat dahil sa backseat naman umuupo si SIR...

Napahawak ako ng mahigpit sa manibela na bumalik nanaman ang  nangyari 6 years ago.

Pagkalabas ko sa cabinet dahil tumigil na ang putukan ay nakita ko sa pintuan si papa at sa kusina si mama, nakahandusay, naligo sa kanilang sariling dugo at hawak ang baril. Hindi pa nakakalayo ang pumatay sa parents ko kaya kahit bata pa ako ay kinuha ko ang baril na hawak ni papa at tinutok sa likuran nila.

Puputukan ko na sana pero may nagtakip ng bibig ko at yun pala si Alfred na kilala ko na bilang Chief. Nangmangyari yun ay si Chief na ang nagpalaki sa akin at siya rin ang tumatayo ko na bilang mama at papa. Pero galit padin ako, dahil anim na taon na nga nangyari pero kahit isang suspek ay walang nakita.

Doon lang ako bumalik sa reality nang pumasok na si Gio sa back seat at pinaandar ko na ang kotse. Habang nasa byahe kami ay tahimik lang walang nagsisimula ng convo hanggang umabot na kami sa campus. Una siya lumabas at ako naman ay lumabas na din at pumunta sana sa tambayan ko sa abandon room para magtambay pero hindi feel na pumunta doon kaya naghanap ako ng fit na area para makapagrelax at tadaaaa! May nahanap na ako.

Pero ang mga kinikilos ng mga estudyante ay parang wala lang sa kanila yung nangyaring insidente noong byernes at naudlot pa ang intrams. Umupo nalang ako sa bermuda at tinitingnan nalang ang field. Ayokong pumasok sa first class, cutting muna ako pero pag 3rd period dapat nandon ako para ipasa ang project ko sa research.. hay natapos din.

Nilanghap ko ang sariwang hangin dito. Ang peaceful ng place pero hindi niyo makikita yun sa mata ko.

Nakaramdam naman ako ng may umupo sa gilid ko at lumanghap naman ng hangin. " hayst halong pollution at fresh air " sabi ng katabi ko

" anong ginagawa mo dito samantha? Diba may klase ngayon first period? "

" halata Key kung ano ang ginagawa dito... edi samahan ka mag cutting! " masayang sabi niya

I take a heavy sigh.

" bumalik kana sa room " sabi ko

" at bumalik kana din sa room " pabalik niyang sabi

Ano ba talaga kailangan ng babaeng to?

" anong kailangan mo Samantha? Sapagkakaalam ko hindi ka mahilig mag cutting " sabi ko sa kanya.

" pagod na ako mag study, pero may napapansin ako sayo " sabi niya at nilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko, ako naman todo layo

" a-ano ba samantha! H-hindi tayo talo ! " sabi ko

" gago, yang mata mo... ang cold bakit ganyan yan? Anong ginawa ni Gio sayo? " nagulat naman ako sa sinabi niya. Anong sabi niya parang may halong ibang meaning yun ehh.

" huh? " pagmamaangan kong sabi, natataranta na ako pero hindi ko pinakita ito.

Lumayo na siya at doon lang ako nakahinga ng maluwag. " wag ka magmamaangan jan Key! Bago mong alaga siya diba? Tsk... parang hindi mo ako kaibigan! " sabi niya na may halong pagtatamapo.

" p-paano mo nalaman na alaga ko siya? "

" kasi sumasabay na kayo pumapasok, tsk kung tatanungin mo Key... kung hindi mo matatandaan ay ako ang future heir ng mafia namin. " oo, siya ang mafia heir.. ewan ko lang na naging kaibigan ko ito. Agent ako at siya mafia heir ... hindi kami talo nito.

Alam niya na Agent ako matagal na, kasi may raid at nakita ko siya na nag iinvest noong 2nd year kami. Hayst.

" grabe din pang amoy mo no? Diba may kuya ka? Bakit hindi siya ang mafia heir? "

lumungkot bigla ang mukha niya. " siya sana nga ehh but pinatay siya gamit ang lason. "

" condolence pala, " sabi ko

" teka nga! Bakit tayo napunta dun diba tinatanong kita bakit naging cold yang mata mo? "

" aba ewan ko lang sayo. Cold ba mata ko?" Sabi ko, kala ko humupa na ang galit ko

" oo! At last ko yan nakita noong grade 4 tayo nung pinatay ang parents mo. Bakit? "

Talagang ayokong makasama itong si Samantha, ang daldal pero pag sa room ay tahimik lang ito.

" may binanggit ba siya na nega about sa fam. Mo? " tumahimik lang ako. Ayoko siyang sagutin.

" aha! Tama nga ako don't worry Key baka hindi lang niya alam ang nangyari. Alam mo naman short temper yang si Gio. " sabi niya. Oo nga short temper yun sa tagal ba namin magkaklase.

At doon ay tumahimik na siya at ako naman ay nakatingin sa field. Pero siya nanaman ang nagbukas ng topic at doon ay kinabahan ako sa tanong niya.

" pano yan Keycell? What if mahulog ka kay Gio? "

" hindi mangyayari yun, ayoko ng masaktan " sabi ko at binigyan ko siya ng mapait na ngiti

" if lang naman, kasi nga nakita mo ang first love mo dahil sa pagiging bodyguard mo? Si Terrence? " sabi niya at naalala ko naman siya.

Terrence Chiu, unang minahal ko at Boyfriend... at siya nag bigay sa akin ng unang heartbreak...

To be continue

xoxo...'Excayessalyn'

A/N: Chapter 10 lang muna! Gagawa muna ako ng Chapter 11 to 15 and I'll publish that as soon as i finish writing! Enjoy!

My Bodyguard, My Lady [ SLOW-UPDATE ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon