Author's Note!
I'm sho glad na may nagtyatyaga sa story kong ito! Lalong lalo na si @solon13 na nag vote sa story ko!
k.payn.tama na ang dal-dal
[ Key P.O.V ]
Nakita na namin na paparating na si Gio sa dining pero nung lumingon na siya sa akin, bigla siyang huminto at hinawakan niya yung dibdib niya.
Hala! Anong nangyari sa kanya?
" oh son? Halika na " masayang sabi ni Sir
Pumunta naman si Gio at tinignan niya ako pero bigla naman siyang lumingon.
Bakit ba? Anong ba nangyari sa kanya? Naging weird na siya ngayon! Lunar eclipse ba ngayon?
Nagsimula na kaming kumain, tahimik lang pero si Sir Michael binasag niya ito.
" so Keycell Jane S. Coquilla right? "
" uhm, yes sir.. "
" yung Middle Initial mo, ano yun? "
" Salorres po "
" yung mama mo, ano ang pangalan niya? "
" Sandra Salorres Coquilla po "
Wew! Grabe naman ang mga tanong niya, parang liligawan ko itong si Gio dahil sa mga tanong niya, di gaya nung pamilya ni Terrence walang paki.
Pero, bakit ko ba sila kinokompare? Iba lang naman talaga sila, si Terrence at pamilya niya walang time sa kanya...
" iha? " doon lang ako bumalik sa mundo nang nagsalita si Sir
" po? "
" diba may naging alaga kana before my son diba? "
Bigla namang naging interesado ang mukha ni Gio.
" ah, opo hehe " nahiya naman ako
Gusto ko mang sabihin kung sino pero hindi ko sinabi dahil hindi naman niya tinatanong kung sino siya at kong ano ako sa kanya...baka proud pa ako kay Terrence.
" sino siya at ka ano ano mo siya except siya ang alaga mo. "
Na shock naman ako. Bakit ganun? Bakit ganito itong papa ni Gio? Artista ba ako para i hotseat ng ganito?
" Key, alam ko naman kung sino pero gusto ko marinig yan sa bibig mo " nakangiti niyang sabi
Peste itong si Arjhay! Sinali ba niya yung lovelife ko? Pag magkikita talaga kami Uupaksn ko talaga yun.
" s-si Te-terrence Chiu po, ex boyfriend ko " sabi ko.
" ah si Mr. Rence Chiu ba ang papa niya? " nakangiti na sabi ni Sir
" opo sir. "
" talaga?.....Oi Gio? Diba Close Friend kayo nung Terrence nayun? " at tumingin siya kay Gio
Ano? Ang mag kaibigan ay naging alaga ko? Ano ba naman ito!
" correction dad, ex close friend. Excuse me " at umalis na si Gio
Ito namang papa niya ay tumatawa lang, ano ba ang problema ni Sir Michael?
" Sir, excuse me po " sabi ko at umalis na pero nung umalis na ako ay mas lumakas ang tawa niya.
Napailing nalang ako baliw din pala ang papa ni Gio. Pasalamat ako na hindi nag mana si Gio sa papa niya.
Pumasok na ako at umupo sa study table ko. Hindi ko alam kong ano ang sinasabi ni Sir Michael kanina. Bakit ganon si Sir?
BINABASA MO ANG
My Bodyguard, My Lady [ SLOW-UPDATE ]
RomanceMagiging SUD po ito dahil busy ako pero sana magustuhan niyo po itong istoryang ito!