CHAPTER 03

1.2K 24 0
                                    

ELVIRA LA CUESTA'S POV

What a bad luck, the guy who bumped at me earlier is my block mate.

I wince when I hear him saying i love you to someone he was talking through his old phone.

"Bakit? May angal?" Mayabang na sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang corny niyo." Sabi ko na lang at nilabas ang latest model ng iPhone ko.

Napatingin pa ito sa cellphone ko at sa cellphone niya.

I smirked. Poor guy. Kawawa ka naman.

I don't have a boyfriend because my standards for men are so high. They can't even reach it kahit babaan ko pa for them.

Lalo na itong lalaking nasa tabi ko.

Bakit ba kasi katabi ko ito? Kung alam ko lang na pagbalik ko galing sa restroom ay uupo siya sa bakanteng upuan na katabi ko edi sana naglagay ako ng something doon para walang umupo.

Nag-selfie na lang ako at pinost sa IG ko ang pictures na may caption na; Back to school😴

Ilang minuto pa at dumating na rin sa wakas ang professor namin.

"I heard we have a new transferee student." He said at lahat naman ay napatingin sa direction kung nasaan ako.

They are not nakatingin sakin kundi dito sa lalaking ito.

No wonder halos kakilala ko lahat ng nandito at siya lang hindi, transferee pala.

Tumayo naman ito at tumikhim.

"Hello! Ako nga pala si Jax De Avila. 23 years old from Cebu City." Pagpapakilala nito.

I frowned when I heard his voice again. Di ko pa napansin kanina na malalim pala ang boses niya, idagdag mo pa yung ipit na boses niya kanina habang may kausap sa phone niya.

Mas matanda rin pala siya sakin. 21 pa lang ako turning 22 years old in just a few months.

"That's it?" Tanong ng prof kaya tumango ito.

"How about your parents?" Tanong ulit ng makulit na professor.

"Ahhh... Dati silang farmer sa probinsya. Lumipat kami dito sa Manila para magtrabaho at may malaking kita pero na-bankrupt ang pinagta-trabahuhan nila kaya kasalukuyang naghahanap sila ng pagkakakitaan at ganun din ako." Sabi nito kaya napatango naman ang mga kaklase ko ganun din ang professor na nasa harap.

"Grabe. Ang masipag pala siya."

"Imagine you are studying in the morning and working in the evening."

"He's a hard working man."

Ayun nanaman ang mga bubuyog sa paligid.

"Okay you may sit down now." Sabi nito kaya umupo na siya ulit. "For our first lesson for today is..."

Nagtuloy tuloy ang klase na bad trip pa rin ako dahil katabi ko ang bwesit na ito.

Paano ba naman kasi everytime na may isasagot ako umaangal siya kesyo hindi daw o mali daw.

Unang araw pa lang pero naiinis na ako sa kaniya. Ano pa kaya sa mga susunod na araw.

LUNCH TIME na kaya tumayo na ako at kakain ako sa cafeteria.

Pagdating doon ay may mahabang pila pero di na ako pumila at dumiretso lang sa unahan. Wala namang nagrereklamo kasi kilala naman nila ako. Ayoko sa lahat yung nagiintay.

Marrying My Obsession (MARRYING SERIES 01)Where stories live. Discover now