JAX'S POV
December 27 na ngayon at in-enjoy namin ang honeymoon vacation namin sa Korea.
Ngayong araw ay nasa Jeju Island pa rin kami.
Grabe kasi yung pinuntahan namin kahapon eh. Halos saan may mga statwa na hugis may ginagawang kung ano na tanging mga may partner lang ang gumagawa.
Anyways, pabalik na kami bukas sa Seoul pero ngayon ay pupunta muna kami sa strawberry farm.
Pupunta rin kami sa isang traditional spa. And of course bibili kami ng mga souvenirs for remembrance and para sa mga naiwan namin sa Pilipinas.
Marami-rami na rin kaming nakuhang litrato ni Faye. To the point na bumili na kami ng makapal na photo album at naipa-develope na rin namin ang mga pictures.
"Let's go." Paglabas ni Faye sa kwarto na tinuluyan namin dito sa hotel ay lumabas na kami.
ILANG ORAS lang na byahe gamit ang taxi ay nakarating rin kami sa farm.
Fun fact about Faye, kahapon ay ang first time niyang pagsakay ng train. And pagsakay ng taxi.
I mean di ko naman siya masisi, anak mayaman siya and may driver sila.
So maybe bukas kapag babalik na kami sa Seoul ay magba-bus na lang siguro kami. Kaso malayo kapag bus, so no choice, magt-train na lang ulit kami.
Binigyan kami ng basket at nag-umpisa ng mamitas.
Habang namimitas ay lagi kong nakikita si Faye na pasimpleng kumumuha sa basket ko para kainin yun.
"Wag ka basta basta kumakain lalo na kapag di pa nahuhugasan." Sabi ko kaya tumango siya at namitas na lang.
"DONE!" masayang sigaw niya nang mapuno na yung basket niya.
"Let's go. Bayaran na natin ito." Sabi ko.
"Let's go!" Excited na sabi niya kaya napangiti ako.
DAYS HAD PASSED and malapit na kaming umuwi sa Pilipinas.
December 31 na and papunta kami sa N Seoul Tower dahil may fireworks display na magaganap doon para mamayang bagong taon.
Sa paglipas ng araw ay marami na rin kaming napuntahan.
Gaya ng, Bukchon Hanok Village at Gyeongbokgung Palace na nakasuot na traditional na hanbok. Nakapunta na kami sa Lotte World para mag-skates doon.
Nakapaglaro na kami sa labas nung umuulan ng snow na sobrang inenjoy ng todo ni Faye.
And ngayon ay sa N Seoul Tower na ang punta namin.
We also brought a padlock kasi nandoon daw da lugar na iyon ay may mga locks doon na nilagay ng mga nagpuntang couples.
"Excited na ako!" Dinig kong sabi ni Faye habang paakyat kami.
"Ako rin. This is our first new year together." Nakangiting sabi ko.
"Oo nga eh! Tatawagan ko sina Dad, 12 na dito nun pero doon 11 pa lang." Sabi niya kaya tumango ako.
Kanina ay marami akong ginawang handa para sa new year. Sa penthouse namin icecelebrate ang new year na eksakto sa oras ng Pilipinas at dito naman sa tower namin sasalubungin ang new year ng Korea.
11pm na dito sa Korea and umaakyat na kami doon sa malapit sa N Seoul Tower. May dala rin kaming pagkain at inumin in case na magutom kami.
Malapit na kami sa tuktok and sobrang pagod na rin kami kasi kanina pa kaming 10pm nung nagsimula kaming umakyat.
"Woah! Finally!" Sigaw ni Faye nang sa wakas ay nasa tuktok na kami.
"Ang ganda." Tanging nasabi ko nang makita ang ganda ng paligid.
![](https://img.wattpad.com/cover/301792816-288-k581736.jpg)
YOU ARE READING
Marrying My Obsession (MARRYING SERIES 01)
General FictionWe all know that most of the men are obsessed with their partners or with someone they harbor feelings for. And most stereotypical women are obsessed with luxurious items. Fashion, cosmetics, shoes, bags, jewelry and many others come to this list. B...