CHAPTER 19

731 16 0
                                    

JAX'S POV

Kinakabahan na ako simula pa kanina. Ngayon ay tapos na akong ayusan at inaantay na lang ang pagalis ko papunta sa simbahan.

"Kumalma ka nga, Agustus at ako'y nahihilo sa kalalakad mo." Pagrereklamo ni Nanay.

"Nay, ayos naman na itsura ko di ba?" Pagtatanong ko.

"Paulit ulit ka naman. Oo nga gwapo ka nga. Wag ka na makulit." Tila ba napupuna na si Nanay dahil sa paulit ulit kong pangungulit kanina pa.

"Tara na nandyan na ang maghahatid satin sa simbahan." Pumasok naman si Tatay na gwapong gwapo sa suot niyang maroon na suit.

Lumabas na kami ng kubo at nagsigawan naman ang mga kapitbahay namin.

"Ang gwapong binata talaga."

"Di na binata yan! Ikakasal na nga oh!"

"Napaka-swerte ng mapapangasawa niya sa kaniya, masipag ang magiging asawa niya."

"Papa Jax! Ang pogi mo!"

"Di na kita mai-ma-mine niyan!"

"Picturan mo dali ang pogi!"

"Mapapanood namin kasal mo sa TV jusko!"

Sari-saring sigawan ang naririnig ko kaya napapangiti ako.

Kanina pa nga rito may camera at bini-videohan ang pagaayos ko. Yun pala ay naka-live pala at diretso na sa TV.

Di ko kasi in-expect na kapag ikinasal pala ako sa heiress ng isang malaking clan sa Spain ay ganito ang kalalabasan.

Sumakay na kaming tatlo nina Nanay at Tatay sa sasakyan at umandar na ito paalis, papunta sa simbahan.

Pagdating sa simbahan ay mas rumami ang camera na nagiintay samin.

Pagbaba naming tatlo ay sunod-sunod na flash at click ng camera ang maririnig sa paligid.

"Here comes the groom." Nasa malayo pa lang rinig na rinig na yung boses ni Reem.

Lumapit na kami doon at napangiti naman yung mga kaklase namin.

Maya-maya lang ay dumating na si Cindy.

"Parating na siya. Start na in 20 minutes." Sabi niya kaya nag-ready na yung mga camera na magvivideo sa loob.

Ako naman ay nakaramdam na ng kaba. Simula pa kagabi ay hindi ko pa nakikita si Faye. Natawag siya para makausap ako pero hanggang tawag lang.

Hindi ako mapakali kaya nilapitan ako ni Mr. Elviro.

"Relax. Wag ka masyadong kabahan. Just enjoy your day and don't pressure yourself." Sabi nito.

"Yes sir, thank you so much." Sagot ko.

"Sir? Ikakasal ka na sa anak ko't lahat lahat, sir pa rin ang tawag mo sakin. I'm hurt." Natawa naman ito kaya ganun din ako. "Dad na lang ang itawag mo sakin. Mas okay na yun."

"Sige po... Dad." Sagot ko at napangiti naman siya.

We do a manly hugged and nagready na.

"She's coming." Sabi ng event organizer kaya pumwesto na kami para sa entourage.

HINDI KO ALAM kung anong mararamdaman ko habang iniintay ang pagbukas ng pinto ng simbahan.

Ramdam ko kasi na nasa likod nun ay ang bride ko.

Marrying My Obsession (MARRYING SERIES 01)Where stories live. Discover now