JAX'S POV
Habang tulog si Faye sa balikat ko ay di ko mapigilang titigan siya.
Siguro masyadong mabilis pero gusto ko na talaga siya. Di ko alam kung paano, kailan at bakit. Basta ramdam kong gusto ko siya.
Gusto ko siyang makasama araw araw, gusto kong nasa tabi ko lang siya, gusto ko na nakikita siyang masaya dahil sakin at mas gusto ko yung nagiging totoo siya sa tuwing kasama ako.
Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang kuhang litrato ni Reem kanina gamit ang cellphone ko. May video pa siyang nakuha kaya napangiti ako nang mapanood yun.
Sobrang di ako makapaniwala ngayong kasal na nga talaga kami.
Isa na lang ang gusto ko, ang magkaroon kami ng sariling pamilya kaya gagawin ko ang lahat para sa ipapatayo naming sariling company.
Sumandal na muna ako sa ulo ni Faye na nakasandal rin sa balikat ko at umidlip.
NAGISING AKO NANG MARAMDAMAN na pababa ang chopper na sinasakyan namin. At ramdam ko na rin ang lamig.
"Faye, wake up." Marahang panggigising ko kay Faye na dahan dahan ring nagising. "Here, wear your jacket." Binigay ko sa kaniya ang jacket at isinuot naman niya iyon.
Nagsuot na rin ako ng jacket ko. Paglapag ng choppe ay bumaba kami at doon namin naramdaman ang lamig ng hangin dito sa Seoul.
"Ano oras na?" Tanong ko kay Faye.
Chineck niya ang oras niya sa phone at pinakita sakin. "9pm na?!" Gulat na tanong ko.
"Sa Pilipinas 8pm pa lang. Dito sa Korea 9pm na." Paliwanag niya kaya tumango ako.
Nang ibaba na ang dalawa naming maleta ay sinabihan kami nung pilot na babalikan nila kami ng January 2.
Tapos balik namin sa university ay January 3 naman. So may 8 days rin kami rito sa Korea.
"Let's go. Daan muna tayo sa lobby kung saab nandoon ang reception area para makuha natin yung susi." Sabi ni Faye kaya tumango ako at hinila na yung dalawang maleta papunta sa elavator.
"Ilang floor ang mayroon dito?" Tanong ko.
"Not sure. 0-9 lang numbers eh tapos RT at GF lang mayroon. Tignan natin pagbaba nito after ng rooftop yun ang last floor nandoon ang penthouse natin." Sagot niya kaya tumango ako at tinignan kung pang ilang floor ang penthouse namin.
Nanlaki ang mata ko nang makitang nasa 99th floor ang penthouse namin. Knowing na hindi rin pare-pareho ang laki ng mga kwarto dito.
Sinearch ko ang pangalan ng hotel– ay mali! Apartment pala tawag dito.
Kaya siguradong malalaki ang kada isang kwarto dito.
99th floor? Lagpas pa mga nasa 100 storey rin ang building na ito?
Anyways, dapat di tayo magmukhang ignorante nakakahiya kasi si Faye ay di naman nagulat, halatang nakakailanh punta na sa mga ganito kataas na building.
"Masanay ka na. Mas mataas pa dito yung Lotte Seoul Tower. Nasa Seoul tayo eh. Mas marami ring buildings na mataas sa Gangnam kaya di na ako naninibago." Sabi ni Faye kaya tumango ako.
Kumapit ulit siya sa braso ko at sumandal, kapagkuwan ay humikab siya.
"Inaantok ka pa?" I asked.
"Hindi na masyado. Nagugutom ako."
"O-order na lang ako ng makakain natin. Mayroon naman siguro sila nun dito." Sabi ko kaya tumango siya.
Ilang minuto lang ay bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami doon at dumiretso sa lobby sa may reception area.
YOU ARE READING
Marrying My Obsession (MARRYING SERIES 01)
Ficción GeneralWe all know that most of the men are obsessed with their partners or with someone they harbor feelings for. And most stereotypical women are obsessed with luxurious items. Fashion, cosmetics, shoes, bags, jewelry and many others come to this list. B...