JAX'S POV
PAGDATING SA BAHAY ay nagtaka ako dahil nandoon si Elena.
"Oh? Nandito ka pa pala?" I asked.
"Magpapa-alam lang ako kasi uuwi na ako sa Cebu. And may sasabihin rin sana ako." Sabi niya na ikinataka ko.
"Ahhh. Paano ka nga pala nakauwi?'" tanong ko.
"Pinahatid ako ni Elvira sa driver niya. And safe naman akong nakauwi." Sagot niya.
"That's good. Nasaan sina Nanay?"
"Si Nanay Jemma nasa palengke mamimili daw ng paninda at uulamin niyo. Si Tatay Agustin ay nasa trabaho na." Sagot niya.
"Ano nga palang sasabihin mo?" I asked sweetly.
Medyo nagi-guilty rin ako dahil may nagawa akong hindi dapat.
"Ahmm... Upo ka muna." Sabi niya kaya umupo naman ako sa tabi niya. "Jax, sorry. Pasensya na pero kailangan na natin mag-hiwalay." Sabi nito kaya nagsalubong agad ang mga kilay ko at kinabahan.
"Bakit? Anong ginawa ko? Ibig kong sabihin, bakit naman?" Kinakabahang tanong ko.
"Buntis ako Jax." Sabi niya na mas lalo kong ikinataka.
"Ha? Pero wala namang nangyari sa ati–" natigilan ako nang maalala ang narinig kong usapan nina Elvira at Cindy kanina.
Akala ko panaginip lang yun. Totoo pala.
"Buntis ako at hindi ikaw ang ama. Pasensya na nagawa kong magloko." Naiyak na sabi niya habang nakayuko.
"Sinong ama?" Tanong ko kahit alam ko naman na kung sino.
"Si Caloy. Yung bunso ni Mayor sa Cebu." Sagot nito kaya lalo akong nakaramdam ng galit.
Yung guilt na nararamdaman ko kanina ay nawala at napalitan ng poot at galit.
"Umalis ka na, Elena. Baka kung ano pa ang magawa ko. 4 years eh. Sinayang mo yun. Umalis ka na at wag ka ng babalik at magpapakita pa sakin." Mahinahon pero galit na sabi ko.
"Sorry. Sorry talag–"
"ALIS NA! WAG KA NA BUMALIK PA!" Sigaw ko dahil di ko na napigilan pa ang galit ko.
Umiiyak na tumakbo siya paalis at sakto namang pumasok si Nanay at Tatay. Lumapit sila sakin at pinakalma ako.
"Hayaan mo na. Nakakapang-hinayang ang nangyari sa relasyon niyo pero hayaan mo na. Hindi mo dapat siya kaawaan dahil siya ang may kasalanan at siya ang sumira ng lahat." Sabi ni Nanay kaya tumango ako.
Nagluto na sila ni Tatay ng pagkain pero wala pa rin ako sa mood.
Kumakain kami nang may dumating na di inaasahang bisita.
"ANO?! NASISIRAAN KA NA BA NG ULO?!" sigaw ko.
Akala ko kasi pumunta sila dito para pilitin akong pakasalan si Elvira dahil nay nangyari samin at ako ang nakauna sa kaniya at siya rin ang una ko. Pero di ko akalain na pumunta sila dito para pilitin akong magpakasal sa kaniya para mabayaran ang utang namin sa Dad niya.
"S-sir. Sabi ho namin, b-babayaran ho namin kayo." Utal na sabi ni Nanay pero yumuko lang si Mr. La Cuesta.
"Hindi si Dad ang may gusto nito. Ako po ang may gusto, pinilit ko lang siya." Pagtanggol ni Elvira na diretsong nakatayo at confident na nakatingin sa magulang ko.
"Sorry po." Dinig kong sabi ni Mr. La Cuesta.
"P-pero, i-ibang usapan na ho kung si Agustus na ang madadawit." Sabi ni Nanay.
"I'm not actually telling you this because of your debt but because..." Huminto siya sa pagsasalita.
Huminga ako ng malalim at napaisip.
May nangyari samin. Hindi ko alam kung anong pwede mangyari pagkatapos nun o gaya ni Elena ay may mabuo rin pero kailangan. Siya na rin naman ang nandito mukhang kailangan ko na harapin ang katumbas ng nagawa namin kagabi. At alang-alang rin sa ikagaganda ng buhay ng magulang ko.
"Papayag na ako." Sagot ko kaya napatingin naman sina Tatay at Nanay sakin.
"Anak hindi na kailangan. Babayaran na lang natin–"
"Nay, may sasabihin po ako." Pagputol ko sa sasabihin niya. "Naalala niyo po na nag-text ako kagabi na baka di ako makauwi. Kasi po pumunta kami sa kanila at nagkayayaan mo ng inuman at nalasing po ako. Mr. La Cuesta pasensya na kung may nangyari samin ng anak mo." Pagpaumanhin ko sa kanila.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mr. La Cuesta. Tinignan ko naman sina Nanay at Tatay na nagulat sa narinig.
"Mr. La Cuesta pasensya na ho sa nagawa ng anak ko." Pagsosorry pa rin ni Nanay.
Nakapag-usap usap na kami at next month Christmas mismo ay ang kasal namin.
May 24 days pa before the wedding and we can literally let it happen within 24 days.
"Wala na po yun tapos na eh nangyari na. Ako nga po dapat mag-sorry kasi namimilit po itong anak ko na makasal agad. Sana wala pa rin pong magbago lalo na po sa pagkakaibigan natin Mang Agustin." Sabi ni Mr. Elviro.
"Nako Elviro, bakit naman naging Agustin na? Akala ko ba August ang tawag mo sakin?" Pagbibiro ni Tatay kaya napakamot sa batok si Mr. Elviro.
"Talaga? Wala talagang magbabago ah." Paninigurado pa ni Mr. Elviro.
"Oo naman. Malapit na rin kitang maging kumpare. Biglaan man, excited naman ako kasi sa wakas ikakasal na ang unico-hijo namin." Sabi naman ni Tatay.
"Kaya nga po eh. Parang kailan lang ini-i-spoil ko pa yang si Elvira. Kaya pala nito lang ay nawalan siya ng interest sa mga expensive things na gusto niya yun pala may iba ng gusto." Natatawang sabi ni Mr. Elviro kaya natawa si Tatay at Nanay.
"Oh siya sige na at marami pang aasikasuhin sa biglaang kasalang magaganap. Agustus sumama ka na doon at tumulong ka." Sabi ni Tatay kaya tumango na lang ako.
Sumakay na sa isang sasakyan si Mr. Elviro matapos magpaalam.
Pinagbuksan ko naman ng pinto sa backseat si Elvira at sumakay naman siya, sumunod naman ako sa kaniya.
Tinignan ko siya and she was smiling ear to ear. I can see that she's genuinely happy.
Pero ako ay hindi ko alam ang mararamdaman ko.
Aaminin kong excited rin naman ako pero lamang yung pakiramdam na nag-cheat yung taong mahal mo at ikakasal na sa iba tapos bigla ay ikaw naman ang ikakasal.
Naramdaman kong pinalibot ni Elvira ang kamay niya sa braso at tumingin sakin. Nang lingunin ko siya ay nagpa-cute ito kaya natawa ako bigla sa hindi malamang rason.
"You are laughing at me." Nakangusong sabi niya.
Wala sa sariling mahina kong kinurot ang pisngi niya kaya natawa siya at ganun din ako.
Siguro nga ito na ang simula ng pagbabago ng buhay namin ni Elvira. Nagsimula kami sa pagiging magka-away pero ito at ikakasal na kami.
I can't tell that I love her agad pero maybe soon.
Sana lang di siya mapagod kakaintay sakin.
YOU ARE READING
Marrying My Obsession (MARRYING SERIES 01)
General FictionWe all know that most of the men are obsessed with their partners or with someone they harbor feelings for. And most stereotypical women are obsessed with luxurious items. Fashion, cosmetics, shoes, bags, jewelry and many others come to this list. B...