JAX'S POV
Marami na silang naiinom pero di pa ako masyado lasing kasi kino-control ko ang paginom ko dahil baka mamaya ay may tumawag sakin at sabihing lasing si Faye.
"May surprise kami para sayo bro." Sabi ni Reem kaya nagtaka naman ako kung ano iyon.
"Pasok na kayo!" Sigaw ni Lancer.
Nagulat ako dahil bumukas ang pinto at may mga babaeng pumasok na hindi ko kilala. Mga halos wala na silang suot kaya umiwas ako ng tingin.
"Bro, come on! Enjoy your night!" Alam kong lasing na si Reem at hindi na niya alam ang sinasabi kaya hindi ko na lang siya pinansin.
Tumayo ako kaso may lumapit agad sakin at niyakap yakap pa ako pero pilit ko siya nilalayo.
"Aalis na ako." Paalam ko kina Reem at Lancer.
"Why? Di pa tapos ang saya!" Sigaw rin ni Lancer.
"Aalis na–ano ba bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa babaeng pilit na yumayakap sakin pero sadyang makulit ito.
Hindi ko na napigilan at naitulak siya papunta kina Reem at mabilis na kinuha ang susi ng sasakyan na pinahiram sakin ni Mr. Elviro kanina at yung cellphone ko. Kapaguwan ay mabilis na umalis doon.
Tumakbo ako palabas ng bar at nung nasa labas na ako ay doon lang ako nakahinga ng maayos.
Papunta na ako sa sasakyan ko nang tumawag si Cindy.
"Hello, Jax? Pwede ka ba pumunta dito sa bar? Send ko na lang sayo yung address. Si Elvira kasi lasing na. Nakatulog na nga eh." See? I knew it.
"Okay sige papunta na ako."
"Okay sala–oh shit! Jax pakibilisan nagsusuka na si Elvira sa sobrang kalasingan talaga. Bye na aayusin ko muna ang itsura ng babaeng ito. Sending na yung address. Bye!" Hindi na ako nakapag-salita nang ibaba na niya ang tawag.
Tinignan ko naman ang messages at nasend na yung address kaya agad ko na akong umalis at pinuntahan siya.
PAGDATING sa bar ay agad kong hinanap ang VIP room nila. Agad akong pumasok doon nang makita ko.
Nakahiga si Faye sa sofa at may jacket ng nakapatong sa kaniya.
May iba pang nagiinuman na kasama niya pero yung iba ay nakauwi na siguro at may mga nakatulog na rin.
"Jax, nandito ka na pala. Puntahan mo na siya." Sabi ni Cindy na kakapasok lang galing sa kung saan.
Lumapit ako doon at tinanggal yung jacket at ipinalit yung coat na suot ko.
Kakargahin ko na sana siya pero hinampas niya ang kamay ko.
"Leave me alone! I'm waiting for someone!" She said that made me confused pero sinawalang bahala ko na lang at kakargahin ulit sana siya pero sumigaw lang siya dahilan para mapatingin samin yung iba niyang kasama.
"Alis ka! You are not my Jax! Shoo!" Lasing na sabi nito.
Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
"Silly woman, I am Jax." Sabi ko kaya agad siyang dumilat at tinignan ako ng maigi.
Kapagkuwan ay ngumiti ito at itinaas ang dalawa niyang kamay.
"Daddy! I miss you so much! Do you want a ramyeon with me?!" She shouted kaya napatingin naman ako sa paligid.
Nagtataka ang mga itsura nila pero hindi si Cindy.
"Ramyeon, huh. Alam ko ibig sabihin nun ah." Rinig kong bulong niya pa kaya napalunok ako.
"Let's go. You will get your ramen later if behave ka." Bulong ko na sinigurado kong siya lang ang nakakarinig.
"Faye is behave lang." She whispered too.
Kinarga ko na siya na parang baby lang kaya agad naman siyang humawak ng maayos, pinalibot niya ang mga binti niya sa bewang ko at nagsumiksik sa leeg ko.
"Alis na kami. Ako na bahala." Paalam ko kay Cindy kaya tumango naman ito. "How about you?"
"I will sleep here together with this girls. I already told this to Elviro. May hotel malapit dito mag-stay na lang kayo doon, since gabi na rin and medyo malayo pa yung bahay." Bilin niya kaya tumango ako.
Lumabas na ako ng VIP room at ni-lock rin yun para walang makapasok na iba kasi marami pa ring tao and medyo malakas pa ang tugtog.
Paglabas ng bar ay agad kong isinakay ang nakatulog na ulit na babaeng naglasing. Hahaha.
ILANG minuto lang ay nasa hotel na kami kaya nag-check na agad kami for one night.
Naglalakad na ako ngayon habang karga pa rin ang malaking baby papunta sa room namin.
"Daddy..." Pagtawag niya habang pasakay na sa elevator.
"Hmmm?"
"Bakit ang unfair?" She asked randomly.
"Anong unfair?"
"Why are you so unfair to me? I love you but you did not. We are getting married but I feel like you still love your ex." Natahimik naman ako bigla dahil sa sinabi niya. "Why do I feel like you don't want to try to love me? I love you. I even did everything to make you mine. Your ex cheated on you but I still feel like she is still the one you love."
Lalo akong nasaktan nang marinig ko ang mga hikbi niya.
"Don't worry and think of anything else, because now I'm trying to love you. I'm starting to like your personality, so I feel like I just need a few days or weeks from now I'll love you more than I loved him before. "
YOU ARE READING
Marrying My Obsession (MARRYING SERIES 01)
Ficção GeralWe all know that most of the men are obsessed with their partners or with someone they harbor feelings for. And most stereotypical women are obsessed with luxurious items. Fashion, cosmetics, shoes, bags, jewelry and many others come to this list. B...