ELVIRA'S POV
WEEKS had passed ay okay na si Fate. Umuwi na kami sa bahay ni Dad at masigla siyang nakipag-laro kay Eli.
"Hazel always looked at her make sure that the food she'll eat is not made of pork." Paalala ko kay Hazel kaya tumango ito at pinuntahan na si Fate.
Ako naman ay umupo na muna sa sofa sa sala.
I sighed.
"Are you okay?" Cindy asked.
I nodded. "Medyo na-stress ako this past few days. And nag-alala lang din ako masyado kay Fate. And ngayon medyo nakakahinga na ako ng maluwag." Sabi ko.
"Wanna hangout later? It's gonna be our first time in 5 years, ay hindi pala, first time talaga nating dalawa lang na pupunta sa club para uminom." She said kaya napaisip naman ako.
"Sige. Mamaya na ba?"
"Oo around midnight. Subukan nating tumakas." Sabi nito at natawa pa.
"Wala ba kayong ginagawa ni Dad niyan." I teased kaya pabiro tuloy ako nitong hinampas.
"Wala ah. Minsan na lang yun. Ayaw rin namin dagdagan pa si Lovi. Stress na nga ako sa batang yun, dadagdagan ko pa ba." Sabi niya kaya natawa ako.
"Sige mamaya. Mga around 12am?"
"Yeah. Nasa library pa siguro si Elviro nun nagta-trabaho pa rin pero mas exciting kasi tatakas tayo." Sabi niya kaya natawa ako.
Para kaming timang na nagbubulungan.
Pero parang tanga kaming napatalon sa gulat nang may mag-doorbell mula sa labas.
Maya-maya lang ay pumasok na ito sa pinto.
Napataas ang kilay ko nang makita si Jax.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked.
"Gusto ko sana tanungin kung pwede ko ba hiramin mamayang gabi si Fate. Iuuwi ko siya sa bahay ko. Ibabalik ko rin kinabukasan." Sabi nito.
Napaisip naman ako.
Kung hihiramin niya ay di ako mahihirapan sa pagtakas mamaya.
"Sige." Sagot ko na bahagya niya pang kinagulat.
"A-ah, okay. Kukunin ko na lang mamaya after dinner."
"Pwede naman ngayon. Nasa likod siya naglalaro with her dog." Sabi ko na bahagya nanaman niyang kinagulat.
Problema nito? Yan kape pa.
"Ah sige." Sagot niya at umalis papunta sa backyard. May mini playground kasi doon, kaya naglalaro si Fate panigurado.
Maya-maya lang ay bumalik sila sa loob.
"Mommy, Daddy said you allowed me to go with him." Sabi nito.
"Yes. Just be careful okay?" Sabi ko kaya natuwa ito at tumakbo sakin.
Sumampa siya sa upuan at pinupog ng halik ang mukha ko kaya tatawa tawa naman ako.
"Thank you, Mommy!" She said at hinalikan nanaman ako.
"Ma'am..." Lumapit si Hazel kaya nilingon ko siya.
"Since I'm here in the Philippines already. Can I visit my grandparents who's living here?" She asked.
"Ohh? You didn't tell me about this. Sure you can go. You can stay there while we are here. I'll text you if will go back to Australia soon." Sabi ko kaya natuwa siya.
YOU ARE READING
Marrying My Obsession (MARRYING SERIES 01)
General FictionWe all know that most of the men are obsessed with their partners or with someone they harbor feelings for. And most stereotypical women are obsessed with luxurious items. Fashion, cosmetics, shoes, bags, jewelry and many others come to this list. B...