"Anong gusto mo Jam?" tanong ni Jazz. Andito kame ngayon sa Mang Inasal. Napagod kame kakaikot sa MOA kaya naisipan muna naming kumain.
"Parehas nalang tayo." sabi ko tapos ayun na nga umorder na siya.
Ang aga niya nga ko sinundo sa bahay juice colored, naghihilik pa ko andun na siya. E mabagal pa naman ako magbihis kaya ayun ang tagal niya pa nag-antay. Dito nalang kame sa MOA nagpunta since sabi niya dati gusto niya maglibot dito.
Nung naka-order na siya, kumain na kami. Sabi niya, paramihan daw kame ng extra rice. Aba, edi talo siya sakin. Naka-apat ako, siya tatlo lang. XD Pagtapos naming kainin yung dessert na halo-halo, umalis na kami sa Mang Inasal. Libre niya nga pala yung pagkain. Sabi ko, hanggat maari hati kami sa gastos. Nung una ayaw niya, kesyo siya daw yung lalaki. Sabi ko, kahit babae ako may pambayad din ako. Ayun, nagsettle kame na ang gastos ko lang e pamasahe ko, kung san man kame mapupunta.
"Sarap ng hangin!" sabi niya, andito kame sa may tabing dagat.
"Anong lasa?" sabi ko.
"Aba gumaganun ka ha? Alam ko kung san kiliti mo!"
"Ha? W-wahaha! W-wag!" sabi ko, tapos tumakbo na ko bago pa ko makiliti ulit.
Takbo lang ako ng takbo, hanggang sa mapansin kong wala na siya sa likod ko.
"Jazz?" sigaw ko, masyado pa namang madaming tao kaya hindi ko siya makita.
"Oy!"
"Ay buko ng kalabaw na puti! Peste ka, san ka ba nanggaling na lalaki ka?" sigaw ko. Pinagalala ko e. Malay ko ba kung kinuha siya ng dagat diba? Okaya kinidnap? Boploks pa naman to sa direksyon.
"Yii nag-alala siya. Sorry na po." sabi niya.
"Ang kulit nung couple no?" girl1
"Ay nako, magbebreak din yan." girl2
(A/N: Madalas kong litanya yung kay Girl2 XD)
Namula naman daw ako dun. Panira yung isang babae e. Bitter lang. -_-
"Uyy oh. Couple daw tayo." sabi ni Jazz.
"H-ha? Ahh. Narinig mo pala. Oo nga daw e." sabi ko.
"Mehehe. Kung alam lang nila."
"Alam ang alin?"
"Kung anong meron sating dalawa." sabi niya sabay lagay ng kamay niya sa bulsa.
"Ano nga bang meron saten?" ewan ko kung anong sumapi sakin bakit ko natanong yun at parang gusto kong maglabas ng magic remote mula sa bulsa ni Doraemon para irewind ang eksena bago ko magtanong.
"Ewan ko. Ano nga ba?" tanong niya.
Hindi naman ako makasagot. Oo nga. Ano nga bang meron samen, mutual understanding? One-sided understanding? O misunderstanding?
"Haynako" sabi niya tapos ginulo yung buhok ko, "masaya tayo yun ang mahalaga." sabi niya.
Masaya tayo. Siguro okay na din to, kesa wala diba? Malay ko naman ba kung may magandang resulta din to bandang huli. Diba ganun yung mga sa palabas, bandang huli yung dalawang bida yung nagkakatuluyan.
"Tara na, ikot pa tayo dito." sabi niya.
Naglakad lakad pa kame sa loob ng mall. Nung mapagod, nagpicture picture muna. Buti nalang dala ko yung monopod. Nung mga bandang magse-7, bumili kame ng dalawang BFF Fries Bundle tapos tumambay kame ulit sa seaside para antayin yung fireworks.
"Tagal naman." sabi ko. Pano, ubos na yung isang cokefloat ko, di pa din nagpa-fireworks.
"Lahat naman ng bagay nadadaan sa antay. Parang pag-ibig lang yan e. Kung marunong kang mag-antay, may makukuha ka sa huli." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Akalazoned
Fiksi RemajaMarami daw namamatay sa maling akala. Pero pano kung yung mga akalang yun ang nagpapasaya sayo? Tutuloy ka pa ba para patunayan ang akala mo, o dun ka nalang sa sigurado pero hindi mo gusto?