Matapos naming magsawa sa videoke, naisipan naming maglibot-libot muna ulit bago kami umuwi.
"Mukha tayong chaperone nung dalawa." sabi ni Emman. Nasa gitna namen siya ni Sei. Yung dalawa nasa harapan namen.
"Yaan mo na. Cute nga nilang tignan o." sabi ko.
"Ehem, plastik. Ehem. Plas-ehem-tik." sabi ni Sei.
"Tss."
"Tara na nga." sabi ni Emman.
Tinawag niya si Jazz para sabihing mauna na yung dalawa, siya nalang maghahatid samin ni Sei pauwe. Um-oo nalang si Jazz. Narinig ko pa ngang sabi niya na "gusto mo lang kami i-set up ni Gracie e. Loko. Salamat.", tapos ayun nauna na sila.
"Tara." yaya niya samin ni Sei.
Tahimik lang ako habang yung dalawa nagkekwentuhan lang. Sobrang wala ako sa mood.
Oo na. Nagseselos kasi ako. Inaamin ko na. Alam ko namang wala akong karapatan e. Pero wala e. Mahal ko kaya yung tao. Ewan ko ba. Tsk.
"Anong order niyo?" tanong ni Emman.
Sa sobrang lutang ko, hindi ko na namalayang nasa KFC na pala kami.
"Kahit ano." sabi ko nalang, tapos umalis na si Emman para umorder.
"Selos ka no." sabi ni Sei.
Hindi ako sumagot.
"Haaays. Kahit ako naman yung nasa kalagayan mo, siguro magseselos din ako e." sabi niya.
"Di ko alam Sei. Wala akong karapatan e. Pero shet. Mahal ko siya. Hindi lang basta gusto. Simula pa first year tayo. Alam ko namang kapatid, close friend, o whatsoever lang naman turing niya sakin e." sabi ko.
"Alam mo naman pala e. Ano ba gusto mo?"
Hindi na naman ako sumagot.
"Umaasa ka lang e. Umaasa ka na baka sakaling maging mutual, since dalawang taon naman na kayong magkasama."
Sapul. Sa dalawang sentences lang, nasabi niya yung di ko masabi.
"Tama na yang panggigisa mo, Se. Kain na muna tayo." sabi ni Emman.
Kumain nalang ako. Binuhos ko nalang sa kain ko yung nararamdaman kong frustration kay Jazz. At sa sarili ko.
Ang hirap magmahal. Nakaka-selfish.
---
"Ang init sheeeeet!" reklamo ni Sei sa tabi ko. Andito kami sa cafeteria, inaantay si Emman na bumibili ng ice cream.
"Di ka kase naliligo." sabi ko. Tuloy lang ako sa pagpaypay kahit ngalay na ko. Bosett. Ang inet.
"Hoy, FYI, lagi ako naliligo. Ikaw nga dyan ang tamad. Tss." sabi niya.
"Talaga tol? Kwento mo." sabi ko. Binelatan ko nalang siya.
"Oh, ice cream niyo mga prinsesa." sabi ni Emman.
Agad naman nameng nilantakan yung ice cream. Hoo, shet. Ang sarap.
"Mind if we join?"
Napatingin naman ako sa nagsalita sa may likod ko. Si Gracie pala. Kasama si Jazz.
"Oh, bat magkasama kayo?" tanong ni Emman nung makaupo yung dalawa.
"Nagpaturo lang siya ng konti sa Trigo." sabi ni Jazz.
Napatingin naman yung dalawa sakin. Seriously? Kelangan titingin sakin?
"Ayy Jam, may gagawin ka ba mamaya?" tanong ni Jazz.
BINABASA MO ANG
Akalazoned
Teen FictionMarami daw namamatay sa maling akala. Pero pano kung yung mga akalang yun ang nagpapasaya sayo? Tutuloy ka pa ba para patunayan ang akala mo, o dun ka nalang sa sigurado pero hindi mo gusto?