"Ewan ko, pero hindi ko napigilan e." kwento ni Gracie.
Bawat salitang binibitawan niya, hinihiling ko na sana hindi pangalan ni Jazz yung lumabas.
"Actually, nagtapat na ako ng feelings ko sakanya."
...
"Nung una, akala ko mutual, kase pagmagkasama kame, ang saya. Alam mo yun, dama mo na meron din siyang nararamdaman para sayo."
...
"Sabi niya pa nga, gusto niya din ako."
Shit.
"Pero nung nagtapat ako sakanya, sabi niya 'sorry pero, hindi ko kayang ibalik kung ano man yang nararamdaman mo. Saka hindi kita kayang hintayin. Masyadong matagal yung hanggang makatapos ka.' sabi niya. Know what I did? Sinampal ko siya, then I walked-out."
Huh?
"Sino ba yan girl?" tanong ni Sei.
"Childhood friend ko, Kyle Reyes." tapos nun umiyak siya.
Somehow, I felt happy. Hindi dahil sa binasted siya nung g*go niyang kababata, kundi dahil sa hindi si Jazz yung tinutukoy niya. Hindi si Jazz. :)
"Nako, walang kwenta yun. Wag mo pag-aksayahan ng luha yun. Hindi siya worth it." sabi ni Sei.
"Alam ko naman. It's just that, masakit kasing mareject." sabi niya.
"Di ko pa man nararamdaman yan, alam kong masakit. Ikaw ba naman, mahal mo yung tao e. Akala mo mutual kayo, tapos biglang, hindi pala. Tapos nung nagtapat ka, nabasted ka pa. Haha." sabi ko.
"Hugot, lukaret a." sabi ni Sei.
"Bakit, nareject ka na rin ba?" tanong ni Gracie sakin.
"Nako! Hindi pa. At sana hindi." sabi ko.
"May nagugustuhan ka ba sa ngayon?" tanong niya ulit.
"Nagugustuhan, baka mahal na." sabat ni Sei.
"Daldal mo, Sei. Actually, o-oo. Hehe." sabi ko.
"Gosh! Sino?" tanong ni Gracie.
Tinignan naman ako ni Sei na parang inaantay kung sasabihin ko ba.
"Aynako. Secret muna! Si Sei nga, hindi pa alam e. Diba Sei?" tapos tinignan ko si Sei ng 'pag-hindi-ka-umoo-alam-mo-na-mangyayare' look.
"Oo. Madaya yan e. Pero malalaman din natin yun Gracie. Sa tamang panahon." sabi ni Sei. Bute nakisama.
"Hayy. Basta ako, sana makilala ko na yung lalaking kaya akong mahalin. Yung kaya akong hintayin." sabi ni Gracie.
"Mahahanap din natin yung taong para satin. Sa ngayon, mag-aral muna tayo ano po. At kumain. Gutom na ko. Tama na ang kadramahang ito." sabi ni Seia.
Natawa nalang kami ni Gracie. Nung una akala ko, hindi kami magkakasundo. Pero napanatag ako dahil mukha namang hindi niya magugustuhan si Jazz, dahil diba nga, may mahal siyang iba. Bute nalang talaga.
--
Mga bandang hapon nung makauwe kame matapos ang klase, naisipan kong tumambay sa clubhouse ng subdivision namin. Sobrang bored ko sa bahay kaya naisipan kong ilabas yung aso kong si Sachi.
"Yan, upo muna tayo. Pagod na ko e." sabi ko sa aso kong golden retriever.
Ewan ko kung anong trip ko pero nagkwento ko ng nagkwento kay Sachi ng tungkol sa napag-usapan namin nila Gracie kanina sa school.
"Yun na nga. Shunga ko no, Sachi? Akala ko si Jazz na yung tinutukoy niya e." sabi ko.
"Madaming namamatay sa maling akala."
BINABASA MO ANG
Akalazoned
Genç KurguMarami daw namamatay sa maling akala. Pero pano kung yung mga akalang yun ang nagpapasaya sayo? Tutuloy ka pa ba para patunayan ang akala mo, o dun ka nalang sa sigurado pero hindi mo gusto?