CHAPTER FOURTEEN - "Masasaktan ka lang."

4 0 0
                                    

Yung tulog ko parang tawag sa cellphone. Choppy. Yearight. Choppy, as in. Yung feeling na makakatulog ako. Tapos bigla nalang akong magigising. Tapos maiisip ko na naman yung mga pinagsasabi nila Emman at Jazz.

Literal akong parang tanga. Hindi naman ako pasmado pero namamawis kamay ko. Pati kanina sa hapag-kainan. (-_____-)

(Flashback)

'Wag ka mawawala bukas. Please. May kelangan lang akong aminin.'

'Kaya sweet ang isang lalaki sa isang babae pwedeng, una, may gusto siya dun sa babae. Kaya nagpapa-impress'

"Oh Maryang, kumain ka na." kuya Japs.

'Wag ka mawawala bukas. Please. May kelangan lang akong aminin.'

'Kaya sweet ang isang lalaki sa isang babae pwedeng, una, may gusto siya dun sa babae. Kaya nagpapa-impress'


"Lutang na naman yan, bro. Tignan mo. Nagsasalita mag-isa." kuya Jun.

'Wag ka mawawala bukas. Please. May kelangan lang akong aminin.'

'Kaya sweet ang isang lalaki sa isang babae pwedeng, una, may gusto siya dun sa babae. Kaya nagpapa-impress'

'Kaya sweet ang isang lalaki sa isang babae pwedeng, una, may gusto siya dun sa babae. Kaya nagpapa-impress'

'Kaya sweet ang isang lalaki sa isang babae pwedeng, una, may gusto siya dun sa babae. Kaya nagpapa-impress'

"Ano bang gusto mo?" kuya Japs

"Ay baka-gusto-ako-ni-Jazz! Ano ba kuya, bakit ka nanggugulat!" bosett!

"Ano, ano? Baka gusto ka nino? Ni Jazz?" kuya Jun.

"W-wala!" sabi ko. Bosett naman kasi! Nanggugulat pa e!

"Di ka aamin?" sabi ni kuya Japs, tapos nagkatinginan sila ni kuya Jun, "Kuya, igapos na yan!"

(End)

Bosett! Pagnaaalala ko yon, nabubwiset ako e. Pwede na sila sa NBI, ang galing nila mangtorture.

"May CR naman siguro kayo no?" Emman

"H-ha? Oo naman bakit?" tanong ko.

"Para ka kasing natatae e!" sabi ni Sei.

Binatukan ko nga ng tig-isa. Peste talaga tong magkaibigang to e. Varsity sa pang-aasar. ><

"Eh bakit ba kasi para kang constipated dyan ha?" tanong ni lukaret.

"Wala. Ewan ko ba. Alam mo yun Sei, yung parang may nararamdaman kang kakaibang mangyayari?" sabi ko.

"Ano ka? Manghuhula? O baka naman mutant ka, at yan ang powers mo?" sabi ni Sei.

"SEIA! Para kang tanga. Ang tino ko kausap e!" tawa naman ng tawa si Emman. Mabulunan ka sana.

"Hahahaha! Seryoso na," tapos nag straight pa ng upo si Sei, "baka naman wizard ka? Ano, baka naman biglang lilitaw si Hagrid dito ha?"

Tapos tumawa silang dalawa.

"ARAY!" sabay nilang sabi. Pano, binato ko ng bag sa mukha.

"Wag niyo na kong kakausapin a. Letse!" sabi ko.

Tatayo na sana ko nung pinigilan naman ako ni Emman. Saktong sa kamay ko siya napahawak.

"Ehem. May paghawak naman sa kamay." sabi ni Jazz. Nagulat naman ako kasi katabi ko na siya.

AkalazonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon