CHAPTER TWO: "Sana hindi ko na lang ginawa.."

19 0 0
                                    

*Jazz' POV

Haay ang dame talagang gawain pag student assistant. Ayos dito, check dun. By the way, ako nga pala si Jazz Clef. Kulit ng pangalan ko no? Mahilig kasi sa music si mama, kaya ayan nung tinanong ni papa anu daw pangalan ko eh yan daw ang sinabi nya.

"Oh Jazz, 12 na. Maglunch ka na muna. Mamaya na yan."

Ang bait talaga netong si Sir Ravelo. Inalala pa talaga ko. Para ko na din siyang pangalawang tatay.

"Osige po sir. Labas po muna ko."

"Teka may kasabay ka ba kumain?"

Oo nga no. Ay teka, tapos na ata subject ni Jam.

"Opo sir."

"Sino yung second year? Si Ms. Tolentino?"

"Ah, opo sir."

"Hmm. Girlfriend mo ba yun?"

"Hindi po ah, friend lang po."

"Ahhh. Bakit di mo pa ligawan?"

"Hahaha! Palabiro talaga kayo sir."

"Suws. Pormahan mo na Jazz. Sa gwapo mong yan, sasagutin ka agad nun ni Ms. Tolentino."

"Hahaha! Di po sir. Saka wala yung gusto sakin, magkapatid turingan namin."

--

*Jam's POV

"Suws. Pormahan mo na Jazz. Sa gwapo mong yan, sasagutin ka agad nun ni Ms, Tolentino."

Ha? A-anong pormahan? Ako? Pormahan ni kuya Jazz? Naku--

"Hahaha! Di po sir. Saka wala yung gusto sakin, magkapatid turingan namin."

Magkapatid? Tama.. Magkapatid </3 Ayan, alam mo namang bawal makinig sa usapan ng iba. Nasaktan ka tuloy. Hays. Makaalis na nga lang. Kaso, syempre trip ako ng tadhana saktan..

"Jam!"

Juice ko pong orange flavor! Walk-out na nga ampeg ko eh. Saltik talaga tadhana!

Nagtuloy lang ako ng paglakad, para kunware di ko sya narinig. Hanggang sa naramdaman kong may magaspang na kamay na humawak sa kamay ko. Haays, okay lang kahit kasing gaspang pa ng liha yang kamay mo Jazz. Mahal naman kita eh.

"Oh Jazz. Bakit?"

"Pwede mo ba kong samahan?"

Sa habangbuhay? pwedeng pwede.

"Saan po?"

"Sa McDo. Di pa ko kumakain eh, tara na, libre kita."

Dahil sya si Jazz, pumayag akong magpahatak sakanya papunta sa kung saan kahit hindi pa ko pumapayag. Okay lang, holding hands naman kame. :")

Pagdating sa McDo, siya na ang umorder, at ako naman ang humanap ng upuan. Gusto ko sana yung pangdalawahan lang para kunwari magsyota kame, kaso araw ata ng mga naniniwala sa forever, kaya sa pang-apatang lamesa tuloy kame uupo -_-

"Oh andame mo namang inorder? Di ka naman gutom niyan?"

"Oy hati tayo dyan. Kelangan magpakabusog tayo. Kain na!"

Buti na lang madami siyang inorder, para matagal kaming magkasama. Waaah~ umaatake na naman pagkamalandi ko! ><

Mga isang oras bago kame natapos kumain. Pabalik na dapat kame ng school kaso nagtext si Sir Ravelo na may biglaang meeting daw sya kaya pwede nang umuwi si Jazz. Yes! Bati na tayo tadhana. :))

AkalazonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon