Binilhan ko si Jazz ng ice cream para naman kalamayin yung loob niya. Isinantabi ko na yung kung ano mang nararamdaman ko. Kaya ko naman e. Kaya ko pa. Lalo na nung kinewento niya pa na sabi niya kay Gracie na aantayin niya to. Aantayin niya kung kelan mahal na din siya ni Gracie. Bute pa siya.
Pag-uwi ko, binagsak ko yung mga gamit ko sa tabi tapos ako naman yung bumagsak sa kama. Yung luha ko, babagsak din ata. Hayyy. Ang sakit.
Nasasaktan ako tapos ako pa yung nag-comfort sa taong may dahilan kung bakit ako nasasaktan. EDI WOW.
Kung wag ko nalang kaya siya mahalin? Turuan ko nalang yung sarili kong pigilan yung nararamdaman ko. Tsk. Sana ganun kadali e.
Naalala ko naman bigla yung paperbag na binigay niya. Nung sakto namang bubuksan ko na biglang tumawag si Emman, na sabi lang naman e "clubhouse", which means na pumunta daw ako sa clubhouse. Dadalhin ko nalang tong paperbag.
"Problema mo?" tanong ko kay Emman nung makarating ako sa clubhouse.
Hindi naman siya sumagot. Tumabi nalang ako sakanya. Nakaupo kase siya sa ilalim ng puno.
"Anong nangyari kanina?" tanong niya.
Ayoko na sana magkwento, pero ayun kinwento ko pa rin. Naiiyak ako habang kinukwento ko yung part na pangalan ni Gracie yung sinabi niya, at dun sa part na umiiyak siya.
"Ayun." pagtatapos ko.
"Masakit?" tanong niya.
"Malamang." sagot ko sabay pahid ng luha.
"Edi tumigil ka na. Masakit pala e." sabi niya.
"Mahal ko kaya," sabi ko, "saka hindi ganon kadali na pagsinabeng 'tigil na' eh para ka lang pumara sa jeep, hihinto agad."
"Anong balak mo?" tanong niya.
"Ewan." sagot ko.
Nung wala nang nagsasalita samin, saka ko naman naisipan na buksan yung paperbag na hawak ko. Na nakakabadtrip pala yung laman.
Yung teddybear na may nakalagay na "Don't give me up, ever". Tanda niyo? Yung gusto kong teddybear nung nagSM kami.
"Ano yan, nagpapahiwatig?" tanong ni Emman.
"E-ewan ko." sagot ko.
Parang kanina lang iniisip ko ng gi-give up ako, heto ngayon. Parang si Jazz yung teddybear. Parang nagpapahiwatig siyang wag. Arrrrrgh! Kainis.
Siguro sa iba, OA ako. Kasi hindi naman nila alam kung anong feeling e. Yung tipong umasa ko e, tapos di pala ako. Akala ko kasi finally, napansin na din niya ko. Potek. Gracie pa din pala.
Ano bang meron siya na wala ako? Madame. Edi siya na. Bakit, ako naman yung laging nasa tabi ni Jazz a? Nauna ko. Bakit ganon. Parang nasa pila lang pala. Kahit ikaw yung nauna, may tsansang masisingitan ka.
--
Days went by. We remained friends-- ako, si Jazz, si Gracie-- na parang walang nangyari. Hindi ko alam kung Jazz is moving on, or he's just waiting for the right time para gumawa ulit ng move. Sana yung nauna na lang.
Naguusap kaming magkakaibigan na para bang walang nangyari. Walang nagoopen nung topic, kahit sila Sei.
"Jazz, anong balak sa teambuilding?" tanong ni Sei.
Every year kasi nagkoconduct ng teambuilding para magwelcome sa mga bagong students. Higher years-- 3rd year and 4th year-- yung in-charge sa mga activities at sa mga kekelanganin dun sa teambuilding.
"Inaayos na yung activities. Muntik na nga kameng maging busy e." sabi niya.
"Bute pa kame walang ganyan." sabi ni Emman.
"Boring naman." sagot ko. Binato nalang niya ko ng papel. Loko to a
"Sweet naman." sabi ni Gracie.
"Kung alam mo lang-- aray!" Sei.
"O bakit Sei?" painosenteng tanong ko. Pano sinipa ko lang naman siya.
"May lamok kase, sinipa ako." sabi ni Sei.
"Huh?" tanong ni Gracie. Napatawa nalang yung dalawang lalaki.
Nagpunta na kame sa kanya-kanya nameng klase matapos ang madamdamin naming kwentuhan. Nainterrupt lang yung last na klase gawa ng may magaannounce ng para sa upcoming teambuilding.
"Kayong second years ang nakaassign para sa pag-aayos ng venue, which is dyan sa gym. It is big enough to accomodate students from our department. I just need to know kung sino yung mga pwedeng maging in-charge para sa mga certain na gagawin." announce ni ate Sammie, yung council president.
"Since sa sabado na yung teambuilding at 5 days nalang ang natitira, yung mga certain na mga taong kelangan ko are required to attend the meetings. Pagnagset ng meeting, dapat na nandun kayo para maging clear lahat ng gagawin, okay ba yon?"
Sumang-ayon naman kame lahat ng sophomores. Nagstart na sila magelect ng mga taong kelangan nga daw. Kami ni Sei e, abangers lang. Meaning, abang lang kung ano ipapagawa. XD
"Oh sino pwedeng maging in-charge para sa pag-ayos ng stage?" tanong ni ate Sammie.
"Si Jam po!" sigaw ni Sei.
"Wha--"
"Oh, sino pa pwede? Wala na? So, si Jam na nga." sabi ni ate Sammie tapos naglista na siya sa dala niyang notebook.
"Ano ba Sei! Pantanga to!" sabi ko sabay hampas sa napakabait kong besprend. Take note of my sarcasm.
"Ayaw mo nun. Lage mo makakasama si Jazz? S.A yun! Kaya malamang laging andun yun sa mga meetings." sabi ni Sei.
"Edi wow." sabi ko nalang, to end the conversation.
"So, I'm expecting this people tommorrow, 10am, at the Psych Council office. Thank you sophomores!" with that, umalis na sila, tapos kame naman e nagready na para umuwe.
"Ay syete! Lukaret, pinapapunta nga pala ako sa club!" sabi ni Sei.
"O edi pumunta ka." sabi ko.
"Sino kasabay mo pauwe?" tanong niya.
"Di na ko bata--"
"Hahatid ko nalang siya." sabi ni Jazz.
Literal akong napanganga sa sinabe niya. Bumalik lang ako sa katawang lupa ko nung nagbabye na si Sei.
"Tara?"
Hindi ako nagsasalita habang naglalakad kame palabas ng university. Siguro wala lang ako sa mood.
"Teka." sabi niya tapos bigla nalang tumakbo.
Mga 10 minutes siguro yung lumipas bago siya nakabalik.
"Oh." abot niya saken ng donuts.
"Ano to?" tanong ko.
"Bato. May butas sa gitna." sabi niya.
"Ge." sabi ko.
"Joke lang. Donuts yan. Peace offering."
"Para san? Di naman ako galit." yea. Kinikilig lang.
"Akala ko galit ka e. Di ka nagsasalita."
Hindi na ulit ako sumagot pagtapos nun. Pero nagkaron naman kame ng conversation nung nasa jeep. Talagang pinanindigan niyang ihahatid niya ko sa bahay.
Balik kame sa normal. Magkatext gabi-gabi, though minsan nakakatext ko din naman si Emman. Si Sei kase more on tawag. Tamad yun magtext.
Well, paminsan minsan naiisip ko pa din yung 'confession' niya, yung lahat lahat ng nangyari nung araw na yon. Sabay namang napalingon ako dun sa teddybear. Yung may nakalagay na 'don't give me up ever'?
What if kung huminto akong mahalin siya, would it be worth it? Pero hindi pa nga ko nagsisimula e. Pano kung mahalin niya rin ako bandang huli?
Ipapaglaban ko tong nararamdaman ko. Tama. Hindi naman naten alam ang pwedeng mangyari, either masaktan ako, or he'll love me back. Magte-take ako ng risk.
I won't give up, ever.
BINABASA MO ANG
Akalazoned
JugendliteraturMarami daw namamatay sa maling akala. Pero pano kung yung mga akalang yun ang nagpapasaya sayo? Tutuloy ka pa ba para patunayan ang akala mo, o dun ka nalang sa sigurado pero hindi mo gusto?