CHAPTER THIRTEEN - "Kanino siya aamin?"

3 0 0
                                    

Kinabukasan, pumasok ako sa school ng masama ang mood. Ewan ko ba. Siguro nabadtrip lang ako ng sobra sa nangyari kahapon.

Nung matapos yung unang klase ko, naisipan kong tumambay muna sa may mini garden. Si Sei saka si Emman may klase pa.

Nagulat naman ako ng may tumabi sakin tapos nag-abot ng isang box ng donut.

"Sorry kahapon." sabi niya. Sino pa ba?

"Bakit?" sabi ko.

Alam niyo yung feeling na marinig mo lang yung sorry ng taong mahal mo, okay na, pero gusto mo pa rin magtampo?

"Kase hindi kita nasabayan pauwi. Si Gracie kasi--"

"Okay na." sabi ko.

Ayoko lang marinig pa yung paliwanag niya. Puro Gracie lang namang maririnig ko.

Di naman na siya nagsalita pagtapos nun. Naglaro nalang ako sa cellphone ko ng Fieldrunners.

"Diba 2:30 klase mo?" tanong niya.

"Oo, bakit?"

"2:15 na, hatid kita sa room niyo." sabi niya tapos tumayo.

Nagulat naman ako nung kinuha niya yung mga libro kong dala.

"Ako na magdadala nito." sabi niya.

Alam niyo yung kinikilig ka na ewan na ewan talaga? Alamin niyo. XD

"Sabay tayo pag-uwe a. Di ka daw masasabayan nila Sei, nakasalubong ko kanina."

Um-oo nalang ako tapos pumasok na. Pagpasok ko, tumunog naman yung ringtone niya. Nagtext siya ng "Aral mabuti ha. See you later. :)"

Alam niyo yung kinikilig ka pero nagdadoubt ka? Naguguluhan kasi ako bakit bigla bigla nalang siyang nagiging sweet sakin. Di naman sa ayaw ko, pero kase, mas lalo kaya akong napo-fall. Letse lang.

At ayun nga, ilang beses pang naulit yung paghahatid-hatid sakin ni Jazz sa bahay. Lagi nga kong inaasar nila kuya e. Lagi din siyang sweet. Halimbawa, makikita ko siya sa labas ng room namen may dalang pagkain. Minsan naman nag-aaya siya bigla mamasyal.

Sino ba naman hindi kikiligin diba? Lalo na ko. Dakilang assumera. Di ko mapigilang di mag-assume. Lagi niya kong hinahatid sa bahay, lagi siyang may kasweetang ginagawa. Simula yun nung nag-SM kame e.

"So feeling mo, may gusto na siya sayo?" sabi ni Seia.

Andito kameng tatlo nila Emman sa lagi nameng tinatambayan.

"Mer-- wala-- ewan ko! Ang gulo niya kase. Ayaw ko mag-assume pero napapa-assume ako." sabi ko.

"Ediba kay Gracie siya may gusto?" tanong ni Sei.

"Alam ko. Pero ewan ko sakanya e. Teka bakit ba ako tinatanong mo? Yan si Emman tanungin mo, lalaki naman yan. Alam niya yung mga kinikilos ni Jazz."

"Bakit ako?" tanong ni Emman.

Tinignan lang namen siya ni Sei.

"Haays. Dalawa lang kasi yan. Kaya sweet ang isang lalaki sa isang babae pwedeng, una, may gusto siya dun sa babae. Kaya nagpapa-impress," sabi niya, "pangalawa, sweet lang talaga siya at assumera lang talaga yung babae."

"Ang sakit naman nun." sabi ko.

"Bakit, ikaw ba yung nasa pangalawa?" tanong ni Sei.

"Feeling ko." natawa nalang si Emman.

"Madami pa kasing lalaki dyan, bakit si Jazz pa nagustuhan mo." bulong ni Emman na rinig ko naman.

"Eh sino namang lalaki aber?" tanong ko.

"Pwede ko bang mahiram si Jam?" singit ng biglang dumating na si Jazz.

"Sige lang, paki-ingatan ha." sabi ni Sei.

---

"Ano na?" tanong ko kay Jazz.

Andito kami sa office, at sa maniwala kayo't sa hindi, 30 minutes na kaming nakatanga dito. Pano, sabi niya may sasabihin daw siya pero hindi naman niya masabi-sabi. Para siyang tanga na ewan.

"Kase.."

"Mga pang-sampung beses ko na yan narinig Jazz. Anong 'kasi' ba yan?" tanong ko.

Mga dalawang minuto bago siya nagsalita ulit na sana hindi nalang niya ginawa..

"Wag ka mawawala bukas. Please. May kelangan lang akong aminin."

KASI HINDI AKO MAKATULOG.

Letse. Nasa bahay na ko't lahat, hindi pa din ako makatulog. Boseettt ka Jazz! Bakit ba lahat ng 'pa-' nasayo na? Paasa, pa-fall, pa-assume, pabitin, pangarap ko? Charot, may kasamang landi. XD

Pero kasi nga! Nakakainis yung pabitin! Anong aaminin niya? Kanino siya aamin? Bakit siya aamin?

'Kaya sweet ang isang lalaki sa isang babae pwedeng, una, may gusto siya dun sa babae. Kaya nagpapa-impress'

H-hindi kaya..? (O//////O#)

--

Otor'Nowt~

Haluuu. Iknow lame ang chap na this. Kasi ang dami kong naiisip. XD Hohoho. At kagigising ko lang. I'll make bawi nalang sa mga susunod na chaps. XD

Comments please? (•﹏•) (π_π)

AkalazonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon