CHAPTER THREE: "The damage has been done."

6 0 0
                                    

"Edi may kaagaw ka na kay Fafa Jazz?" sabi nitong babaeng bakla na si Seia. Andito kame sa bahay niya, nagmumovie marathon habang nagkekwentuhan.

"Grabe ka Seia. Kaagaw kaagad? Eh hindi naman siya aken."

"Kahit na girl! Kayo naman yung unang nagkakilala, claim him."

"Luh?! Ano yan upuan sa premiere night? First come, first serve?" sabay inom ko ng Coke.

"Oo Jasmarie! Pano maiinlab sayo niyan si Fafa Jazz kung may sisingit?"

Haaays. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Mag-crush lang naman sila diba? XD Pero nakakainggit eh, ako nagsimula din sa pagka-crush sakanya pero bakit hindi naging mutual?

(Flashback)

Peste namang Seia yan oh! Ngayon pa nagkameeting sa club, wala tuloy ako kasabay kumain. >< Bwisit pa tong isang prof, papadala padala ng project hindi naman pala ipapapasa! Dagdag bitbitin--

*boogsh

"Aray ko! Utang naman ng nanay oh!"

Pag minamalas ka nga naman talaga sa lahat ng malas na badtrip! Mababangga ka pa't kakalat gamit mo, piste!

"Miss sorry--"

Sa sobrang badtrip ko, pinulot ko ng mabilisan yung mga nagkalat kong gamit tapos umalis. Ganto talaga ko pag gutom o kaya kulang sa tulog, sobra kung mabadtrip.

Matapos ang sampung araw.. deee.. dalawang oras na pag-aantay, sa wakas natapos din ang pago-orasyon este meeting nila Seia.

"Lukareeeeet!"

"Wag mo kong nilu-Lukaret lukaret dyan ha." peste tong babae na to. Nakakakulot ng bangs. ><

"To naman, nagtampo na agad. Daig mo pa boyfriend ah."

"Hoy! Hindi ako nagtatampo! Nababadtrip ako! Matapos mo kong gutumin--"

"Sabi ko na eh! Tara na, tara na. Ililibre na lang kita, para mabawasan yang pagkabadtrip mo."

"Dapat lang aba!"

At dahil libre, sinulit ko na ang pagkakataon para umorder ng madame. Okay lang, mayaman namang tong si Seiang lukaret XD

Pagkatapos namen kumain, umuwi na agad ako para maitago sa baul tong pesteng project na nagpahirap sa maghapon ko. Nagbihis, kumaen, at nag-FB lang ako pampalipas oras. Nung naurat na ko kakatingin sa News Feed ko, nag-out na ko tapos pinatay ko na yung laptop ko.

Haaays. Anong oras na pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Teka! May cellphone nga pala ko. XD Mai-check nga muna.

Oh, sino kaya to? Makapagtext wagas.

From: 090917×××35

Hi?

Mga limang beses na ganyan. May ari siguro to ng loading station, biruing other network sya pero halos nam'flood. Hmp, pasensya sya, hindi ako nagrereply sa mga unknown senders. Si-net ko na yung alarm clock ko dahil maaga klase ko bukas tapos natulog.

--

Ilang araw ang lumipas, parang myembro ata ng mga malakas magpower trip tong mga prof namen at nagtambak ng sangkatutak na gawain. Isa pa tong hunyetang number na text ng text saken, peste. Sarap pumatay ng asong julol amputek. Bwisit na life!

"Wala ba kayong plantsa sa bahay nyo?" out of nowhere na tanong ni Seia.

"Meron, baket?" sagot ko.

"Di ka ata marunong magplantsa eh." ano bang problema netong babaeng to?

"Bakit ba kase?" singhal ko.

AkalazonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon