future kuya ko?
future kuya ko?
future kuya ko?
future kuya ko?
future kuya ko?
future kuya ko?
Paulit ulit Jam? Hala, parang sirang plaka? HAAAAAAY! Nakakabaliw! Ikaw ba naman sabihan ng mahal mo pero di ka mahal na gusto daw niya makilala future kuya niya which is kuya mo, diba mawiwindang ka?!
"Manong, para po." shet andito na kame? teka. pano niya nalaman bahay namen?
"Pano mo nalaman bahay namen?" tanong ko. Siya naman eh sige sa paghatak sakin. Wooh~ Eottoke, eottoke? -_- (What to do, what to do?)
"I have my ways, Jam." sabi niya pero hindi lumilingon saken. "Tao po! Kuya!"
Aba, edi siya na! Makatawag ng kuya wagas! Pero aminin. Kinikilig ako. <3 Syempre, eto na. Gusto na niya magpakilala kala kuya. Baka.. gusto niya makipagclose para.. Waaaah! Hindi ko matuloy. Kinikilig ako! *>u<*
"Oy Marya!" ay, nakapasok na pala kame. Si kuya Japs yung sumigaw. Bute nagising diwa ko.
"Good afternoon po--"
"Sino ka?" kuya Jun.
"Ako po si--"
"Ikaw si Jazz Clef Soriano diba?" kuya Japs.
"Opo--"
"Bakit ka nandito?" kuya Jun.
"Kasi po--"
"Gusto mo ba si Jam?" kuya Japs.
"Ha?--"
"Mahal mo ba kapatid ko?" kuya Jun.
"Po--"
"Pakakasalan mo ba siya?" kuya Japs.
"Kasal--"
"Pananagutan mo ba yung magiging pamangkin namen?" kuya Jun.
"TEKA!!" ano bang ginagawa nitong dalawa kong kuya. -_-"
"Wag mo sya ipagtanggol Jam!" kuya Japs with matching tayo pa yan. Palakpakan.
"Ipagtanggol?--"
"Hep! Wag ka na magpaliwanag lalaki! Sa ayaw at sa gusto mo, pananagutan mo ang ginawa mo sa kapatid ko!" kuya Jun.
Napa'facepalm nalang ako sa kabaliwan ng mga kuya ko.
"TEKA NGA, Jun at Japs!" wala ng galang enoh. XD "Ano bang kasal at panagutan yang pinagsasabi nyo ha?!"
"Aba't! Bakit?! Diba kaya andito yang lalaking yan para panagutan ka sa kamunduhang ginawa nya sayo!" putragis! ka-kamunduhan?! Anong klaseng utak ba meron mga kuya ko?!
"Eh kung pinapagsalita nyo kaya si Jazz?!" bwiset tong mga to!
"Ehem. Ganun ba, osige. Jazz, umupo ka na't magpaliwanag este magsalita." YAN! kelangan pang sinisigawan eh.
"Hepp! Bakit ka uupo Marya? Ikaw ba si Jazz? sabi ko si Jazz lang ang uupo." kuya Jun.
"Eh pano ko?"
"Umakyat ka don at magbihis, tapos gawan mo kame ng meryenda." kuya Japs. Ge. :v
"Eh mamaya kung ano-ano na naman sabihin nyo--"
"Susundin mo ba yung sinasabi ko o ipapakita ko yung baby pictures mo kay Jazz?" Oh no. o_o
"Akyat na ko ah? Jazz kaya mo na yan! You da man! Annyeong saram!" sabay takbo. Piste, galing ng pantakot eh. Tsktsk.
BINABASA MO ANG
Akalazoned
Teen FictionMarami daw namamatay sa maling akala. Pero pano kung yung mga akalang yun ang nagpapasaya sayo? Tutuloy ka pa ba para patunayan ang akala mo, o dun ka nalang sa sigurado pero hindi mo gusto?