CHAPTER ELEVEN: "Mahal kita, pero di mo lang alam."

5 0 0
                                    

Patuloy pa din yung paglabas labas namen ni Jazz. Daig pa nga namen mag-jowa e. Pero minsan, kasama namin si Seia. Nung pumunta nga kameng tatlo sa circle, sinagot niya yung pagkain namin. Habang kami ni Sei, pangrenta ng bike saka pamasahe lang ginastos.

"Anong balita?" sabi ni Emman.

"Bigla bigla ka talagang sumusulpot ano." sabi ko.

Ayon nga, si Emman. Minsan nakikita ko siya sa may clubhouse. Pagtinatanong ko siya kung bakit siya napapadpad dun, sabi niya namimiss niya lang si Sachi.

"Ganun talaga. Pogi ako e." sabi niya.

Hindi na din ako ganong nami-misteryosohan sa kanya, siguro dahil madalas na din kami magkausap.

"Hala. Sino may sabi? Tara sasapakin ko. Pinapaasa kaibigan ko. Tsk." sabi ko.

Binatukan naman ako. Ganto kami kaclose, nagbabatukan.

"Oh ano na ngang balita?" sabi niya.

"Wala naman. Anong balita ba gusto mo?" tanong ko.

"Sa inyo ni Jazz."

"Meron bang kami?"

"Sinabi ko ba?"

"Suuus. Naga-assume ka din naman e."

"Di rin." sabi ko.

"Di nga. Di nagsisinungaling ang ilong mo." sabi niya sabay tusok sa ilong ko.

"Ano ba! Kaltukan kita e. Ang ano mo!" sabi ko.

"Oh bakit mo naman inaaway to ha, Emman?" sabi ng kadarating lang na si Jazz.

"Inaaway ba kita?" tanong ni Emman.

"Ewan ko sainyong dalawa." sabi ko.

Nagbuklat nalang ako ng libro kase yung dalawa nagsimula nang magkwentuhan ng tungkol sa LOL.

"Pwede maki-upo?"

"H-huh? Ah. Oo, sige. Upo ka Gracie." sabi ni Jazz.

Nagulat nalang ako nung umupo na sa tabi ko si Gracie. Si Jazz naman parang di matae na ewan.

"Problema mo pre?" tanong ni Emman kay Jazz.

"Wala. Hahaha." sabi naman ni Jazz.

"Aaaay, siya siguro yung sinasabi mong crush mo noh?" sabi naman ni Emman.

Napatingin naman ako kay Emman. Gusto ko nang gilitan siya ng leeg. Ene beng geste meng pelebesen. -_-

"Hehehe." sabi ni Jazz.

Nyeta naman oh. Sige sa harap ko pa magtanungan ng ganyan.

"Oh Gracie, crush ka pala ni Jazz e!" pang-aasar ni Emman.

Sinisipa ko na siya sa ilalim ng mesa pero manhimanhidan si g*go.

"Ha? Suus. Nagbibiro lang yan. Tigilan niyo nga ko." sabi ni Gracie.

Si Jazz naman natahimik nalang. Kami ni Emman, nagkatinginan. Like what?!

"Malay mo totoo." sabi ko. Napatitig naman si Emman.

"Oo nga." segunda ni Seia. Kadarating lang pero nakialam agad sa usapan.

"Alam mo yung topic, Se?" tanong ni Emman. Se tawag niya kay Seia, Em tawag ni Seia kay Emman.

"Oo naman. Magaling ako e. Ano ba sabi ni Gracie?" sabi ni Sei. Natawa nalang kaming apat.

"Wala. Sabi kasi ni Emman, crush daw ako ni Jazz. Di ba hindi naman, Jazz?" tanong ni Gracie kay Jazz.

AkalazonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon