3 days nalang at Teambuilding na. Grabe yung preparations namen. Perfectionist kase si ate Sammie. Gusto niya kase na masigurado na smooth, at mageenjoy lahat sa activities.
Speaking of ate Sammie, sa lahat ng higher na kilala ko, siya talaga yung mapapansin mo, kase bukod sa matalino siya, she's really bubbly and friendly. Pero grabe pagnagseryoso sa isang bagay. Gaya ngayon, makikita mo yung pagiging leader niya samen.
"Mag-MU ba sila kuya Jazz saka ate Sammie?"
Di ko ugali mag-eavesdrop pero nung narinig ko yung 'Jazz', automatic na nag-on ang radar ko. Dalawang sophomores kagaya ko yung naguusap, more or like nagchichismisan.
"Parang oo e. Kase balita ko, crush daw ni kuya Jazz si ate Sammie since first year sila. Ewan ko lang kung hanggang ngayon."
"Eh ang sweet kaya nila. Palagi ko nga sila nakikita magkasama. Minsan nga sabay sila kumain, silang dalawa lang."
"Sabi pa nga, minsan sinusundo din ni kuya Jazz si ate Sammie, bago sila pumasok. Di naman imposible na maging sila, may feelings na date e."
"Sabagay. Edi ba nagmumove on pa raw si kuya Jazz? Kakaheartbreak niya palang dun kay Gracie diba?"
"Ediba nga, ang taong malungkot, madaling mapo-fall sa taong nagkocomfort. Oh, baka si ate Sammie tagacomfort niya."
"Sabagay. Bagay naman sila e."
"Tama--aray!"
"Ayy sorry, automatic kaseng nambabato tong kamay ko ng mga taong nagchichismisan e." sabi ko. Pano, binato ko sila ng styro. Napatawa lang sila. Siguro akala nagjojoke ako. Pasalamat sila, hindi tong kahon ang natripan kong ibato sakanila.
Saka ko naman napansin na pumasok yong dalawa. Parang gusto ko maniwala sa dalawang to. Pano ba naman, nagtatawanan pa yung dalawa. Si Jazz, pinapaypayan pa si ate Sammie. With matching punas pa ng pawis. Like duuuuh? Open area po kaya tong gym! Mahangin!
"Odiba ang sweet. Di pa ba MU yan."
"Ehem, ang ingay. Gusto niyo ulit mabato?" sabi ko.
Tumawa nalang sila tapos nanahimik. Bute nalang tinuloy na nila gawain nila imbes na tsismisan kung ayaw nila mabalingan ng selos este inis. Tama, inis. (-_____-)
--
"OH? Porke lageng magkasama, MU na agad?" sabi ni Sei.
"Malay mo." sabi ko.
Andito kame sa tambayan. Nangyare kanina? Nawala ako sa mood kaya nagpaalam akong mauuna na umalis. Panong di ako mawawala sa mood, yung dalawa akala siguro sila lang tao. Kung makapagharutan. Hello! May nagseselos here! Pssss.
"Totoo ba yun, Ems? Crush ni Jazz si ate Sammie since first year sila?" tanong ni Sei.
"Alam ko oo," tapos tumingin siya saken, "alam ko niligawan niya yun nung first year pa kame, pero ayaw ni Sammie. Tapos nung nagtry ulit siya nung second year kame, naging magMU sila. Kaso etong si Sammie, nafall sa iba. Pero nung nagbreak si Sammie saka yung naging boyfriend niya, si Jazz yung nagcomfort sakanya. Pag tinatanong ko si Jazz ang lage niyang sinasabe magbestfriends na lang daw sila e. Siguro kase sila yung nagkocomfort sa isa't isa. Siguro kinomfort siya ni Sammie nung nabroken siya kay.." tapos tumingin siya kay Gracie.
Napangiti nalang ng alanganin si Gracie. Ako? Eto. Malay. Malay ko kung anong iisipin at mararamdaman ko.
"Sabi ko naman sayo, Jam. Playboy yang bestfriend ko e." sabi ni Emman.
Binelatan ko nalang siya. Magbestfriend na nga lang daw naman. Binibigyan naman ng ibang meaning. Bakit lagi din naman kaming magkasama ni Jazz, bakit di kami naiissue? Ano yun, namimili sila ng iissue-han?
BINABASA MO ANG
Akalazoned
Teen FictionMarami daw namamatay sa maling akala. Pero pano kung yung mga akalang yun ang nagpapasaya sayo? Tutuloy ka pa ba para patunayan ang akala mo, o dun ka nalang sa sigurado pero hindi mo gusto?