"Nakakainis isipin na ngayon ko lang narealize na yung taong hinahanap ko eh matagal ko na palang nahanap."
"Huh? Anong sinasabe mo dyan?"
"Wala naman, natatangaha lang ako sa sarili ko. Bakit kase tingin pa ko ng tingin sa malayo eh nasa tabi ko na pala siya.."
"S-sino ba yang tinutukoy mo ha?"
Phew. Ang tagal niya magsalita. Nakakakabag mag-antay. -_-
"Jam, sorry kung tanga ko. Mahal--"
*It's time to get up the time is 6:00*
Puuuuuuuuuto't kutsinta! Magkikiss este magtatapat na si Jazz eh! Hutek naudlot pa!
"Aaaaaaaargh! Kainis!!"
*boogsh
"Hoy Marya akala ko naman kung napano ka!"
Takte to si kuya Japs, ang bastos naka-boxer lang tapos bigla-biglang pumapasok sa kwarto. -_- Bute nalang sanay na kong nagpa'fashion show sila ng isa ko pang kuya na si kuya Jun. Only girl in the family eh, bukod kay mama syempre.
By the way, ako nga pala si Jasmarie Say Tolentino, currently 2nd year Psychology student. At yung papabols sa panaginip ko.. haaays. Si Jazz Clef Soriano. Yung lalaking mahal ko. Na unfortunately may mahal nang iba. Saklap no? Wala ko magagawa eh.
"Hoy tulala ka dyan? Alam kong gwapo ako, pero hindi mo na kelangang ipahalata."
"Wag no sirain umaga ko Jan Peter ha."
"Anong Jan Peter? Aba wala ka ng galang sa gwapo mong kuya ha! Yare ka saken, alam ko nasaan kiliti mo!"
"Joke lang kuyaaaaaaa--hahaha-- ampanget mo bwisi-- hahahahah-- tama na!!"
"Hoy sali ako!"
At pinagtulungan na nga po ko ng dalawa kong isip-batang kuya. -_-
Matapos ang World War 3 sa kwarto ko eh sinipa ko na sila palabas para makapag-ayos na ko. Bute na lang at 1PM ang klase ko 'pag Monday kundi late ako neto.
"Kuya Japs hatid mo na ko!"
"Bayad bente?"
"Che! Magji-jeep na lang ako, otso pa babayaran ko."
"Joke lang tara na! Kuya Jun, hatid ko lang tong punggok nateng kapatid!"
"Sige wag kayong mag-ingat!"
Baliw talaga tong dalawa kong kuya. Wag na kayo magtaka kung bakiy tatlo lang kame aa bahay, yung parents namen, parehas asa ibang bansa. May bussiness kase kame dun, sila nagmamanage. Kaya de-padala kameng tatlo. Spoiled nga kame eh, pero marunong naman kameng lumugar.
"Oh tama nang pagyakap sa abs ko, andito na tayo sa school mo."
"Abs abs, baka TABS!"
"Hoy abs yan, tignan mo pa--"
"Oh tama na, ayoko ko maumay. Hahaha."
"Tsk, pumasok ka na nga dun. Tigilan mo na yang pagtingin sa salamin walang magbabago sa mukha mo, pangit ka pa rin. Wahahaha-- aray!"
Ayan, binatukan ko nga. Panget pala ha. Eh magkakamukha nga kameng magkakapatid -______-#
"Pumasok ka na dun, inaantay ka na nung.. sino nga ba yun? Jazz? Yiiie!"
"C-che! Lumayas ka na nga! Wag ka mag-ingat!" at tumakbo na ko palayo bago pa kung ano masabi nun. Dame pa namang estudyante -__- Pero dahil nga siya si kuya Japs, syempre may pahabol siya:
BINABASA MO ANG
Akalazoned
Teen FictionMarami daw namamatay sa maling akala. Pero pano kung yung mga akalang yun ang nagpapasaya sayo? Tutuloy ka pa ba para patunayan ang akala mo, o dun ka nalang sa sigurado pero hindi mo gusto?