CHAPTER FIFTEEN - "Masaya ko. Halata nga sa mukha ko oh."

7 0 0
                                    

Nakatayo siya. Di mapakali. Natigil naman siya nung may kaklase kaming nagturo sa may pwesto ko. Nasa gitna kase sila, nasa may gilid naman ako ng hall entrance, mga ilang hakbang lang naman ang layo sakanila.

Nakita kong ngumiti siya. Para bang nabuhayan kasi dumating yung matagal na niyang inaantay. Nagsilinya naman yung mga kaklase ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Eto na. Pagkatapos ng dalawang taon. Eto na. Napansin na din niya ko.

"Nung una kitang makilala, di ko aakalain na aabot sa ganito.. Yung magiging close tayo." panimulang litanya niya.

"Akala ko, hanggang dun lang sa text, sa minsang paglabas labas. Di ko ineexpect na mahuhulog ang loob ko sayo." sabi niya sabay kamot ng batok niya na parang hiyang-hiya.

Pinipigilan ko yung luha ko. Gusto kong matapos yung speech niya bago ko umiyak. Kasi pag umiyak ako, tuloy tuloy. Literal na walang tigil.

"Nung una nagaalangan pa ko kung aamin ako o hahayaan ko nalang. Baka sakaling lumipas. Ayoko kasing masira yung kung anong friendship meron tayo. Pero di pala kayang pigilan." sabi niya.

Narinig ko pa nga siyang bumulong ng "ang cheesy ko na ata masyado."

"Ahm.. Gusto ko lang ipagtapat na.."

Na ano Jazz? Sabihin mo na.

"Mahal na kita matagal na.."

Posa tutulo na luha ko. Overjoyed!

"Gusto ko sana patunayan sarili ko sayo.. Kaya.. Pwede ba kitang ligawan.." tanong niya, sabay buntonghininga.

"O---"

"GRACIE?"

As if on cue, binaligtad nung mga kaklase ko yung hawak nilang folders na bumubuo ng mga salitang, "Allow me to court you, GRACIE."

Saka ko lang narealize na hindi lang pala ako yung tao na nakatayo sa hall entrance.

Yung feeling na sasagot na ko. Isang letter nalang, OO na. Yun pala, hindi pala para sakin yun.

Nakitang kong lumapit si Gracie. Bumagsak na ng tuluyan yung mundo ko nung makita ko yung mga bagay na binigay niya kay Gracie.

Ferrero. Boquet. At teddy bear--- na ako mismo yung pumili.

ANG SAKIT. BADTRIP.

Gusto kong magmura. Gusto kong magwala. Gusto kong sampalin si Jazz. Gusto ko siyang suntukin para kahit sa pisikal na pamamaraan, masaktan ko siya.

Pero sino ba ko para magreklamo? Di naman niya sinabeng mag-assume ako. Di naman niya sinabing bigyan ko ng meaning yung ginagawa niya. Wala naman talagang taong paasa. Umaasa meron. Kasi kahit anong gawin ng isang tao sayo, choice mo kung bibigyan mo ng meaning.

Di naman ako ganun kamartyr para panuorin kung pano pa magpo-proceed yung kaganapan sa loob. Naglakad ako ng mabilis hanggang sa mapadpad ako sa mini garden.

"Di ako iiyak." paulit-ulit kong sinasabi, pero nung huminga ko ng malalim, napaiyak na lang ako.

Alam kong kasalanan ko naman bakit ako umiiyak. Kung bakit ako nasasaktan. Wala naman nagsabing may gusto siya sakin e. Ako lang tong nagbigay-kahulugan sa mga bagay na ginagawa niya. Ako lang tong timang na naniniwalang pagsweet sayo, baka maygusto na din. Ako lang tong tanga.

Kaya ayokong umiiyak e. Walang tigil. Para kong tanga dito na nakayukyok tapos umiiyak. Mga 30 minutes siguro nung maramdaman kong may taong tumabi sakin. Kakausapin ko sana para umalis kaso pag-angat ng ulo ko,

mukha ni Jazz yung nakita ko. Imbes na masayang mukha, malungkot na Jazz yung nakikita ko.

"Pwede bang makiupo?" sabi niya. Tumango nalang ako.

Pinunasan ko nalang yung mukha ko. Habang nag-iisip ako ng palusot kung sakaling tatanungin niya bakit ako umiiyak, bigla naman niyang inabot sakin yung isang paper bag.

"Ano to?" tanong ko.

Hindi siya nagsalita, dumukdok lang siya sa tuhod niya.

"Problema mo?" tanong ko.

Hinahanda ko na yung sarili ko na baka niloloko lang ako neto. Baka kunware malungkot siya, tapos bigla niyang sasabihin na masaya siya kasi.. pumayag na si Gracie.

"Uy." di kasi siya nagsasalita kaya tinulak ko siya ng mahina.

"Wag ka magpanggap dyan." sabi ko.

"Nakita mo ba yung sa social hall kanina?" tanong niya habang nakayukyok pa rin.

Malaking ARAY naman yon. Halos magkatabi lang kami ni Gracie pero hindi niya pala nakita na nandun ako.

"Oo." sabi ko, trying to sound jolly.

"Anong nakita mo?"

"Yung p-proposal mo," sabi ko, "u-uy siguro p-pumayag si Gracie na ligawan mo siya no?"

"Masaya ka ba kung sakali?" tanong niya.

"Masaya ko. Halata nga sa mukha ko oh." sabi ko. Kahit deep inside masakit.

"Ako hindi e."

"Ha? Bakit naman?" trying to sound concerned.

"Di kasi siya pumayag." sabi niya, tapos napansin kong nagshake ng konti yung balikat niya.

Gosh umiiyak siya.Umiiyak siya. Dahil kay Gracie. Dahil hindi siya pumayag. Samantalang ako..

Gusto kong sampalin si Gracie. Antanga niya! Bakit hindi siya pumayag? Ang swerte na nga niya! Naiinis ako! Naiinis ako kase hindi ko alam bakit siya humindi. Naiinis ako kasi, bakit siya tong bagong kilala siya tong nagustuhan. Naiinis ako kasi ako yung andito. Naiinis ako kasi umiiyak siya.


Naiinis ako kasi ganun lang, binasura niya lang naman yung taong mahal ko.

--

Epal na Otor's nowt ulit:

Mehehehe. Joke lang di pa to tapos! Mahaba pa to. Mahaba pa ang story. :D Comment. Pasinsiya naman kung di niyo magustuhan, pers stori ko kaya to diba. Pag di nagustuhan, edi wag basahin. Charr. :D Baboosh. ♥

AkalazonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon