KABANATA 06- Playing With Fire

14 3 0
                                    

I jumped out of the car as soon as we arrived in front of Gracia’s house. Nakita ko siyang nag-aantay sa’kin sa nakabukas nilang gate kasama si Bessie. I messaged her bago ako magpunta rito. Ayoko kasi nang naghihintay.

“Hello!” bati ni Bessie na may kasama pang pagkaway. Tutugunin ko na sana siya ng tango nang makitang hindi pala para sa akin iyon kundi sa lalaking kasunod ko.

“Hands off, Bessie!” I said. Lumobo ang dalawa niyang pisngi at pigil na napatawa.

“Possesive,” tukso niya na kinainit ng ulo ko.

“Heh. Does your mind only works that way?” Bumaling ako kay Gracia na makahulugang nakatingin sakin.

“I told my parents we will be making research paper. Behave yourselves!” bulong niya na ikinatango ko lang pagkaraa'y sumunod na kami papasok sa bahay nila. Ganoon din si Wren.

Pagkapasok ay hinubad ko ang cardigan na suot ko at inabot iyon kay Wren. Kahit di ko siya tingnan alam kong iniirapan na niya ako.

“Are they your groupmates, anak?” Lumapit sa amin ang nakasalamin na may katandaang babae. Nakasuot ng mahabang palda katulad ni Gracia. Now I know where Gracia inherit her fashion sense.

“Si Charm at si Bessie po Ma,” pakilala sa amin ni Gracia. Humahangos na lumabas mula sa kusina ang isang matandang lalaki. Nakasuot ito ng apron at puro harina ang mukha.

“Nandyan na pala kayo!” Buong ngiting ani nito at lumapit sa amin. Pinunasan ng Mama ni Gracia ang pisngi ng asawa niya na may harina. I fought hard not to raise my brow at them, and swallowed the bitter taste in my mouth. I’m not used to seeing couples doing those kinds of things.

“Akala ko ba all girls kayo? Sino ‘yan?” tanong ng papa ni Gracia. For a moment, I forgot how conservative they are.

“Ah! He's ano po… bodyguard ni Charm. Si…,”

“Wren po,” sagot ko na ikinatango nila.

“Okay, but he has to say here in the living room,” bilin ng Papa ni Gracia na ikinangiti ko. Sa ngayon, nagugustuhan ko na ang pagiging conservative nila.

“I can't—”

“No problem!” sagot ko na ikinaputol ng sasabihin sana ni Wren. Dali-dali na kaming umakyat ng hagdan pero agad din akong napabalik.

“Actually you can leave for a while….” Nakita ko ang pag-arko ng kilay niya at ang lalong panliliit ng mga mata niya habang nakatingin sa akin, “…or you can stay. Enjoy!” Pagkatapos ay umakyat na ako papuntang kuwarto ni Gracia.

Pagkasarado ng pinto ay idinikit ko ang tainga ko rito para pakinggan kung may sumunod sa amin.

“What was that, Gracia? Your people are insane! I only wanted them to act!” My vein in my neck was possibly visible by now from restraining myself from shouting.

Iniling ni Gracia ang ulo niya. “I’ve been calling them multiple times, but they were out of reach.”

“Buti nalang walang nasaktan sa nangyari kundi kargo deq konsensya pa natin iyon. I even sold some of my jewelries to help with the damages,” sabi ko.

“Woah! Ang cool mo talaga Charm!” ani ni Bessie bago pahigang magpatihulog sa kulay pink na kama ni Gracia.

“Tss…,” iyon lang ang naisagot ko sa kanya bago ibaling ang tingin kay Gracia na nakaupo na pala sa upuan sa tapat ng computer niya.

“No, no! Alam mong hindi iyon ang intensyon ko Charm. I told them to make sure no one will be hurt, including you…,” malumanay na sabi niya na ikinatango ko.

Maybe I'm Lying [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon