KABANATA 13- Her Worth, His Life

7 2 0
                                    

Nagising ako na masakit parin ang katawan ko. Kahit na nilagyan na nila ng foam ang hinihigaan ko ngayon ay hindi parin talaga magawang masanay ng katawan ko. But unlike yesterday, the pain today is bearable.

Nag-unat ako at agad na binuksan ang bintana. Pagkaraa'y nagtungo ako ng banyo para maglinis ng mukha at mag-toothbrush. Pagkalabas na pagkalabas ko ay nakasalubog ko si Juanna, na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Napatigil ako nang tawagin niya bigla ang pangalan ko kaya nilingon ko siya. Don’t tell me she wants to fight early this morning?

“K-kumusta ang tulog mo?” tanong nito bagamat nakatalikod parin sa akin.

Why would she ask that all of a sudden? Is she the one who prepared my bed? Didn’t she loathe me?

“My muscles are still sore… but better than yesterday,” I answered. Nagpatuloy na siya sa paglalakad at nang papasok na siya sa kuwarto niya na tinutulugan ko ay may hinabol pa akong sabi, “Thanks!”

I'm not sure what exactly I was thanking her for. It may be because of the bed, or because she lent me the room, or simply because she wanted to know if I slept well...

Dumiretso ako sa kusina kung saan agad ko ring nakita si Nanny Nenita. Nakangiti siyang sumalubong sa akin at iginiya ako paupo. Inihanda na niya sa tapat ko ang plato at mga kubyertos pagkaraa'y binigyan ako ng fried rice at egg with tomatoes. “The egg would be enough. I don't eat rice in the morning,”  bilin ko.

Hinintay ko muna siyang matapos na suklayan ang buhok ko bago ako nagsimulang kumain.

Dumating na rin si Juanna at siya na ang naghanda ng almusal para sa sarili niya. Mukhang may galit parin ito sa akin dahil hindi manlang ako magawang tingnan.

“Si Wren, Nanny?” Naalis sa pinakukuluan ni Nanny Nenita ang tingin niya at nailipat sa akin.

“Ah… Nanduon at kasama ni Ayo sa kabilang bayan para ibenta ang naani naming mga patatas. Aabutin siguro sila ng tanghali para makauwi dito sa Acuzar,” sabi nito at ibinalik na ang atensyon sa ginagawa.

“Aling Nenita, magandang umaga! Pandesal kayo diyan oh! Mas mainit pa sa ulo ko—Susmaryosep! Masikip na ba sa langit at pinayagan nilang bumaba ang isang anghel na kagaya mo?” Papasubo palang ako nang may sumulpot na isang binata na sakay ng bike. Nakadungaw ito sa bintana sa kusinang kinakainan namin.

“Tigil-tigilan mo ang alaga ko Doy ha! Hindi muna kami bibili... nakaluto na ako ng almusal!” banta ni Nanny Nenita.

“Saan niyo naman ho nakidnap ang isang ‘to, Aling Nenita?” tanong ng binata na tinawag ni Nanny Nenita na Doy. Dala ang sandok ay lumapit si Nanny dito para hampasin ang ulo nito.

“Pamangkin ko ‘yan sa malayong kamag-anak!” ani Nanny Nenita na ikinahagalpak nang tawa ni Doy.

“Pagiging komidyante lang ho ang nasa dugo niyo, Aling Nenita. Hindi ho ang pagkakaroon ng ganyaang kagandang kamag-anak.”

“Aba’t—” Muling hinampas ni Nanny Nenita si Doy. Napangiti ako.

“I like him,” sabi ko na ikinalaki ng mata ni Doy.

“Sabihin mo... gusto mong pinupuri ka...,” sabat ni Juanna habang patuloy sa pagsubo. Tinaasan ko siya ng kilay at nagkibit-balikat. She's right tho’.

“Huwag mo na lamang pansinin si Juanna, Miss na anghel sa lupa. Insekyur lang iyaan at dahil hindi siya kagandahan—” Natunaw ang ngiti ko at kunot-noo ko siyang tinitigan. Napatigil narin si Juanna sa pagkain ngunit nanatiling nakababa ang tingin sa plato.

“Take that back!” I commanded. “You must not use physical features to insult others because those are what they were born with, and it is especially not their fault if society has created unrealistic beauty standards. Kaya mag-sorry ka sa kanya,” sermon ko. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya dahil kahit na pagalitan ay kuminang lang lalo ang mga mata niya.

Maybe I'm Lying [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon