Dedicated to Mayora bleuerheyn
Isinulat ko to the same day ng screenshot sa baba. Thank you for believing in me!💛💛💛***
I'm an attention seeker…
I used to think that the term attention meant being cared for and loved, two feelings I've craved my entire life. I know... I loved myself too much, but that wasn't enough. I need my mother's gentle hands to comb my hair and pat my back... I need my father's word of validation and acceptance. I need my parent's love… even just for a minute. I need someone who'd care for me the same I cared for them...
The attention I got from people back on campus wasn't the one I'm used to. Their eyes don't reflect admiration or envy. Hate was even an understatement to describe those.
Even inside this dark cell, I can still feel their eyes lurking behind the four corners of this prison. Telling me that I’m guilty until proven innocent… and their eyes were dragging me down to my execution.
I am sitting on a cold bench made of steel which sends shivers to my whole body and a cold fang of fear in my heart.
I tried to busy myself by fixing the tie of my hair and wiping dry my cheeks from crying. I don't remember when my tears started to fall, but it will surely mess up my makeup. I probably looked ugly now!
Tumayo ako at sumilip sa paggitan ng rehas. Isiniksik ko ang mukha ko para makita kung may police na malapit. Mabuti nalang at maliit lang ang mukha ko kaya natanaw ko agad ang anino ng police na dumaan.
Kinalampag ko ang rehas. “Heeyyy! You! Hey! Police Officer!” sigaw ko. Tumigil ito sa paglalakad at kunot noong lumapit sa‘kin. Batid ko ang pagkairita sa bahagyang naka-ngiwi niyang labi.
“Can I call my parents?” tanong ko. Hinugot niya ang baton niya at sinampay ito sa balikat habang kakamot-kamot sa bilugan niyang tiyan. “I need to call my lawyer,” dagdag ko pa. Umaasang sa dahilang iyon ay payagan na niya ako.
Narinig ko ang pagtakla niya pero binuksan niya parin ang selda ko. Sinuotan muna niya ako nang posas bago tuluyang palabasin. “Sumunod ka lang Ganda,” utos niya.
Huminto kami sa tapat ng isang Police Officer na nakapatong ang mga paa sa lamesa, kung nasaan din ang landline phone.
“Tatawag daw sa lawyer niya,” sabi ng Police na naghatid sa’kin dito. Ngumisi ang kaharap naming Police at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Narinig ko pa na pabulong niya sinabi ang salitang ‘sayang’. Iniiwas ko nalang ang tingin ko sa kanya.
Tinulak ako ng Police Officer na naghatid sa akin papalapit sa telepono para gawin na ang pakay ko rito. Kaya gamit ang kamay na nakaposas ay tinipa ko ang numero na gamit namin sa mansion. Pero nakailang ring na ay wala pa ring sumasagot. Nahihiyang napatingin ako sa nakaupong pulis sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Maybe I'm Lying [COMPLETED]
RomanceSUITMAN SERIES 2 Charm Tempest Veridad, according to her, is the living Goddes of Perfection on earth. She's living an idyllic life anyone could wish for, and yet she is despised by many for her forthrightness and fierce personality. But no one know...