The helicopter was waiting outside, and we'd be on our way back to Ishioka's Mansion as soon as I finished dressing up. I sighed. My mind was urging me to move, but my body appeared to have depleted all of my energy, leaving me with no choice but to stare at the jewelry and outfit in front of me.Three knocks came from the door. Niluwa no’n ang nakasimangot na si Juanna.
“Ang tagal mo raw kaya pinapunta na nila ako para tulungan ka.” Lumapit siya sa akin at dinampot ang kulay silver na dress. “Kung ayaw mong suotin. Ako na ang magsu-suot nito,” banta niya na ikina-ngisi ko lang.
As if she'll wear something from me. Based on how she treats me, I bet she wouldn't even like wearing the same clothesa as me.
“Go ahead, if you can,” hamon ko na ikinairap lang niya. Tumayo na ako at kinuha na ang dress mula sa kamay niya pagkaraa'y nagsimula nang magbihis. Tinulungan niya akong i-zipper ang likod ng dress.
“Ngayon ko lang na-realize na sobrang payat mo pala… baka sabihin ng mga magulang mo kinakawawa ka namin dito,” pang-uuyam niya. Tinitigan ko siya nang diretso sa mata.
I smirked and added, "Trust me, she wouldn't think that." That was exactly the case. Mom's eyes were like a weighing scale, designed to make me appear overweight no matter what I did.
“Aba! Masyado ka na atang nawiwili dito sa amin. Umuwi ka na,” tulak niya sakin sabay humalukipkip. I smiled at her.
“Hindi kita masisisi. Kahit ako man… mas pipiliin kong tumira dito.” Kinuha niya ang mga jewelries para iabot sa akin pero kinuha ko lang iyon at ibinalot ng panyo.
“Take this as my payment for taking care of us.” Hindi agad siya nakapagsalita pero nang ilapag ko sa kamay niya iyon ay agad niya ring ibinalik sa akin.
“Nahihibang ka na ba?!” pabulong na sigaw nito. Umiling ako sa kanya at inilapag ulit sa kamay niya ang nakabalot na jewelries.
“Ikaw na ang bahalang magbudget niyan…,” pilit ko. Hindi makapaniwalang nasapo niya ang noo niya.
“Hindi mo ko mabibili gamit ang mga alahas na ‘to.” Tumaas ang kanang kilay ko at humalukipkip dahil sa sinabi niya.
“Hindi naman para sa’yo ang mga ‘yan kundi kay Nanny Nenita, Manong Ayo at mga bata sa ampunan,” katuwiran ko at nagsuot na ng silver color heels ko.
“Also... tell the kids, I'm going home. Hindi na ko makapagpapaalam.”
Hindi na ako nag-makeup. Kung magtatagal pa lalo ako rito… baka lalong hindi ko na gustuhing bumalik sa mansion.
“Charm.” Natigil ako at hinarap si Juanna. Nilingon ko siya at kinunotan ng noo kunwari ay naiinis sa pagpigil niya sa akin.
“H-hindi pa ako nakahihingi ng tawad sa nasabi ko sa‘yo. S-sorry… patawad kung… nahusgahan man kita.” Nanatiling naka-yuko ang ulo niya habang sinasabi yon. I tried to keep my lips from smiling by pursing them, but I couldn't seem to stop myself. Something is tickling me in my stomach. I sighed.
“Would you let me be your sister then?” pigil ngiting tanong ko sa kanya. Inangat niya ang tingin sa akin at salubong na ang mga kilay
“Pag-iisipan ko…,” ani nito. I gave her a big smile. My heart was on the verge of bursting, and I could feel a warm liquid building in my eyes. She smiled at me as well, the second and possibly final time I'll ever see her smile.
Tumalikod na ako sa kanya at nagdiretso palabas. Nakita ko si Wren na nasa gilid na ng helicopter at hinihintay ako. Bago tuluyang lumapit sa kanya ay nilingon kong muli ang bahay ni Nanny Nenita. Nakita ko ang mag-asawa na magkayakap sa tapat ng bahay nila katabi si Juanna.
BINABASA MO ANG
Maybe I'm Lying [COMPLETED]
RomanceSUITMAN SERIES 2 Charm Tempest Veridad, according to her, is the living Goddes of Perfection on earth. She's living an idyllic life anyone could wish for, and yet she is despised by many for her forthrightness and fierce personality. But no one know...