KABANATA 11- Everyone Hates Me

7 2 0
                                    

I sat on a tree stump in front of the shabby-looking house of Nanny Nenita. It has been hours since I started watching the kids playing in the mud, but somehow I couldn't get enough of it.

I'm astounded as to how the kids can make Wren talked so much, while he flashes his brightest smile at them.

"Haachoo!" I crinkled my nose and hugged myself after the fresh breeze of the province hugged my body.

"Anak, uminom ka muna ng salabat." Inabot sa akin ni Nanny Nenita ang isang brown na tasa at bumalik na sa loob. Humigop ako ng salabat at ibinalik ang tingin kay Wren.

Pinagmasdan kong malaglag ang ilang hibla ng buhok niya mula sa pagkakatali nito habang nakikipaglaro sa mga bata. What is it about dirt that makes him look so good? Pinalobo ko ang pisngi ko.

And what is it about this place that makes me feel at ease? It felt as though someone had taken a rock off my shoulders. I curled my toes and exaggeratedly blew air, fighting the tingling sensation in my stomach.

Nag-iwas ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Ngayon ko lang napansin na kanina ko pa pala siya tinititigan.

How shameless have I been?!

Patakbo siyang lumapit sa akin. Ang puting longsleeve na suot niya ay puros talsik na ng putik ganoon din ang lumang pantalon niya.

"Care to join us?" tanong niya. I made face at him and mouthed the word, 'never'.

Ngumisi siya bago umupo sa lupa sa tabi ko at mula rito ay pinanood rin ang mga bata. If I'll base it on his skin, he doesn't appear to be like one who was raised under the sun. Yet he seems at home while playing with the kids.

"Do you love kids?" Wala sa sariling tanong ko.

Napakurap-kurap ako nang ngumiti siya na naging sanhi para makita ang magaganda niyang ngipin. I am starting to feel my heartbeats in my throat.

"It was Laraline who loves children. Nahawa lang ako kakasama sa mga charity missions niya...," aniya. Nawala na ang ngiti sa labi nito at nanumbalik ang kawalan ng emosyon sa mukha niya. Napalunok ako.

Laraline? Just how important that person is, that by merely mentioning her name made him look emotionless like a lifeless body?

"Girlfriend mo?" I'm not sure where the courage to ask that question came from. And why the hell do I feel embarrassed? I was just asking! They say curiosity kills the cat, and I don't want to be dead just yet!

"Uh-"

"Kuya! Halika na po!" Hindi na natapos ang sasabihin niya nang hilain siya ng isang bata. Napangiwi ako nang makita ang putik na nakasuksok sa mga kuko nito.

But I have this odd feeling on the inside and I bet it was from talking to Wren. It's as though lovely teeny electric currents were crawling under my skin.

Nangalumbaba ako.

Bahagya akong napaurong nang isang batang lalaki ang nasa harap ko na. Kelan pa siya nandito? Nakipagtitigan ako rito. Wala ni isa sa amin ang may balak kumurap.

What is he planning?

Ilang segundo na ang nakalilipas at pigil-pigil ko rin ang paghinga ko. Naghahandang- tumakbo sa oras na hawakan ako ng maputik niyang mga kamay.

"H-hey! You have no idea how many germs there are in the mud! Tsk! Never, ever, ever touch me with it!" babala ko sa kanya. Tumabingi lang ang ulo niya at patuloy paring nakatingin sa akin.

Lalong tumambok ang mataba niyang pisngi nang bigla siyang ngumiti. Tapos ay hinugot niya ang kamay na nakatago sa likuran niya at pinakita sa akin ang hawak niya.

Maybe I'm Lying [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon