KABANATA 14- Eat Out

3 2 0
                                    

Nagising ako na pagod na pagod pa rin ang katawan. Anong oras narin kasi ako nakatulog para i-redecorate ang buong kuwarto ni Juanna. Hindi ako mapalagay na hindi eye-pleasing ang tinutulugan ko. Isa pa magmula nang manggaling kami sa orphanage pakiramdam ko ay fully charge ako at hindi makatulog kaya naisipan kong mag-ayos.

Tumayo na ako ng higaan at tinupi ang kumot ko. This is probably the first time I have fixed my bed, and the main reason is that I am in far too good of a mood to do so.

I let my eyes savor the tropical vibes look of the room. I used a blue curtain with a beach painted on it as a background of the wall. I even took some plants outside to place them beside the bed and the weaved basket I saw in the kitchen, which I utilized as a chandelier. Now, I can make-used of the beautiful sunlight streaming from the window. The place won't look depressing as it was before I did my magic.

I tapped the back of my shoulder, “You’re too good!” I said to myself.

“And everything would be even better if I'll open the window!” Nagmamadali kong binuksan ang bintana. Kagabi ko pa gustong makita ang ganda ng obra ko kapag nailawan ng araw sa umaga.

Pagkabukas ko ay ang saktong pagsulpot ng dalawang kamay mula sa ilalim ng bintana. Kunot-noong sinilip ko iyon at hindi makapaniwalang tiningnan ang nag-uunat na si Wren.

“Wren???” Halos mapatalon siya sa gulat nang tawagin ko ang pangalan niya. Hindi agad siya nakapagsalita kaya muli akong nagtanong, “What are you doing there?”

Tatlong beses siyang napakurap. “Ah, Charm!” bati niya at alanganing ngumiti. Itinaas ko ang dalawang kilay ko at naghintay ng paliwanag niya.

It seems like he just woke up. Don't tell me he slept outside? He must have lost his mind!

“Diyan ka ba natulog?!” tanong ko na agad niyang ikinatayo. May ilang tumakas na hibla ng buhok ang humarang sa kanyang mukha kaya inipit niya na muna ito sa likod ng tainga niya.

“No,” depensa nito.

“Then...?” pamimilit ko at nagpameywang na. Napalunok siya. Bigla ay yumuko siya para may kunin sa baba.

“Looking at the grass,” he said and showed me the grass he just plucked out from the ground.

What?! Napatitig ako sa mga mata niya. Is this the effect of him falling from the cliff and assuming all the impact? Did he get brain damage?!

“…And what did you find out?”

Oh! This poor man…

“Oh— that the grass here in Acuzar is greener than the ones in the city.” Inabot niya sa akin ang hawak na damo pero hindi ko iyon kinuha.

Paano’y paniguradong marumi iyon. I mean, soil-bourne diseases exist!

“No, thank you,” sabi ko at napakamot siya sa batok niya.

Itinungkod ko ang isang kamay ko sa bintana at inabot ang pisngi niyang may dahon. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya habang pinapagpagan ko gamit ang hinlalaki ang pisngi niya.

If it didn't bother me too much, I would have let that grass on his cheek stay for the whole day.

“May damo eh,” sabi ko rito. Nagulat ako nang bigla nalang siyang magwalk-out nang hindi manlang lumilingon pabalik para magpaalam.

What’s with that man?!

“Tss! This is why I don't like being kind! People aren't appreciative enough!” I shouted as I shoved my head out of the window and slammed it closed after, making a loud smashing sound that nearly collapsed the entire wooden wall.

Maybe I'm Lying [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon