Dahil may sakit si Liza at may pasok kinabukasan hindi siya pwedeng iwan ni Enrique. Kaya ang plano niya babalik siya sa bahay ng lola niya para kumuha ng uniform at ang school bag niya para sabay na sila pumasok bukas at para may kasama sa bahay si Liza.
"Liza anong gagawin ko isasama kita pauwi o sasamahan kita dito?"
Mumulat si Liza ng kaunti at mahina niyang sinabi "samahan mo na lang ako dito"
"Eh paano may pasok bukas kukuhanin ko ang uniform at school bag sa bahay"
"Sige isama mo ako"
Naisip ni Enrique na dapat nga niyang isama si Liza dahil baka kung anong mangyari sa kanya kapag wala siya doon. Kaya kinuha niya ang braso ng girlfriend niya at sinabit sa shoulders niya parang piggy back ride. Bumabaa sila ng hagdan palabas ng bahay at isinakay sa kotse si Liza.
"Liza kaya mo pa ha?"
"Oo kaya ko pa!"
Nakahiga sa back seater si Liza. Since magka-village lang naman sila ni Liza mga limang kanto lang ang layo sa bahay nila. Nakarating sila ng bahay ng Lola ni Enrique, iniwan niya si Liza sa kotse. Bumabaa siya bitbit ang susi ng gate at pintuan. Pagpasok niya ng bahay nila andun ang Lola niya sa kabilang kwarto sa may salas.
"Kailangan ng makaalis ni Enrique sa Pilipinas sa lalong madaling panahon" sabi ng Lola niya
"Gawan niyo naman ho kasi ng paraan para mas mapadali. Kausapin ang principal ang mga teachers ni Quen, diba maraming paraan?"
"Oo dapat makaisip na agad ako ng paraan bago niya malaman ang totoo"
Napakinig lahat lahat ni Enrique ang pinaguusapan ng Lola at Mommy niya.
"Totoo? Meron ho ba akong dapat malaman?"
Nabagsak sa sahig ng Lola ni Enrique ang cellphone na gamit gamit sa pantawag sa nanay niya sa abroad.
"Ijo andyan ka na pala hindi ka manlang nagsasabi"
"La! La" ang sabi ng mommy niya
Pinulot ito ni Enrique at inend call sinigawan niya ang Lola niya "La sagutin niyo ang tanong ko, may tinatago ba kayo saakin?"
Unti unting lumakad papalayo ang Lola niya "La" hinila niya ang braso ng Lola niya
"Ano bang tinatago niyo saakin? Na ano paghihiwalayin niyo kami ni Liza?"
Unti unting humagulhol ang Lola niya na tila ba'y hindi na makahinga ng normal "Hindi Ijo"
Lumuhod si Enrique "Eh ano La? Ano bang ginawa ko nanamang mali? At kaillangan niyo pa akong pagtaguan"
Pilit na pinipigil ni Enrique na maluha. Ang Lola naman niya walang tapos ang pagiyak at naspeechless sa huli niyang sinabi...
"Sabihin niyo manlang ho kung anong ginawa kong mali para hindi nabubulabog ang isip ko" maluha-luha niyang sinabi
Pero wala paring nasabi ang Lola niya... "Ijo hindi ko kayang sabihin"
Kinuha ni Quen ang cellphone ng Lola niya at tinawagan ang Mama niya, Nagring at sumagot na din "Ma!" Ang sigaw ni Quen pero iba ang sumagot, ang Tatay ni Enrique.
"Pa meron po ba kayong gusto saaking katotoohanan?" Paiyak ngunit nagagalit ng tono
"Oo Enrique" matigas na tono ng boses
Tahimik na nakinig si Enrique "Hindi kita anak"
And right in that moment her tears started to fall. Bumagsak ang cellphone at nabasag, umakyat si Enrique at kumuha ng mga damit at nilagay sa maleta niya. Ang Lola niya ay naiwan sa salas umiiyak ng tuloy-tuloy walang preno. Basta nalang niyang siniksik ang mga damit sa maleta. Pababaa siya ng hagdan ng lumapit ang Lola niya sa kanya
"Quen ako parin ang Lola mo" sinermonan niya ang apo "don't you dare to leave"
"Wala na tapos na nakalabas na ako ng gate" isinakay niya ang maleta sa likod ng trunk. Bitbit ang galit at lungkot sa pamilya.
Napansin naman agad ng girlfriend ang kalagayan ng boyfriend niya kaya bumaba siya ng kotse at lumipat sa tabi ng driver's seat.
Hinawakan ang mukha ni Enrique "Quen" at tumingin siya sa mga mata ni Liza
"Kaya mo yan naniniwala ako sayo"
Napakinig pala ni Liza lahat ng usapan nila dahil iniwan ni Enrique na bukas ang pintuan ng kotse at ang pintuan ng bahay nila.
"Alam mo na?"
"Na ano?"
Ang napakinig lang kasi ni Liza ang sigawan sa loob ng bahay, may nabasag pa nga daw na vase eh.
"Hindi ko Tatay si Maui" niyakap ni Liza si Enrique at kahit hinang hina na ito dahil sa mataas niyang lagnat. Doon bumuhos lalu ang mga luha na nakatago sa puso ni Enrique. Hindi niya matanggap ang nangyari. Hindi niya na rin alam kung sinong paniniwalaan at kung ang sinasabi nila ay katotohanan.
"17 years Liza, 17 years nila akong pinaniwala na Tatay ko si Maui"
Hinaplos ni Liza ang likod ng boyfriend niya at pinunasan ang mga luha nito.
"Kaya pala nila gustong gustong dalhin ka sa Italy"
Enrique wondered "bakit naman?"
"Baka ng tunay mong Tatay nandito sa Pilipinas"
Nahimasmasan si Enrique
———LOLA CONSOLACION AND ROSE GIL CONVERSATION———
"Rosa! Oh ayan na ang pinakahihintay mong pagkakataon. Lalong hindi mapapunta dyan si Enrique"
"Ma naman eh kayo naman kasi bakit hindi niyo inaalam kung nakauwi na si Enrique"
"Aba talagang isinisi mo pa saakin yang kalandian mo dyan sa Italia ha! May balak ka talagang wag sabihin sa anak mo ang katotohanan, ayan tuloy nilayasan tayo"
"Puputulin lahat ng credit at atm cards ni Enrique dyan sa Pinas"
Hinawakan si Rose sa balikat ng kasintahang si Maui "Hun hindi mo pwedeng gawin yun dahil lalu kang itatakwil at iiwasan ng anak mo"
Nagalit lalu ang nanay niya na si Lola Consolacion "Oh eh anong plano mo na ngayon?"
"Hindi ko rin ho alam eh"
BINABASA MO ANG
Boy version of me - Lizquen
RomanceWhat if the person you hate the most is the one you prioritize the most??? Hope Elizabeth Soberano is in search for her boy version. Not knowing that her hatest schoolmate/classmate/batchmate is the same exact position as she has. Iniwan ng mga magu...