{Lizquens! Ihanda ang oxygen at tissue kasi kahit ako nadala sa sinusulat ko. Nakakaiyak at ang bigat sa damdamin. I advice na pakiggan ang Sayo by Silent Sanctuary habang binabasa ito. This is not the end of the story! Madami pa... Mukhang ending na pero hindi pa.}
Umuulan ng araw na ito. Eto lang yung panahong nakita ko muli ang pinakamamahal ko. Miss na miss ko na siya... Nakita ko siyang nasa may waiting shed. Naghihintay sigurong tumila ang ulan kasi walang payong tapos walang dumadating na tricycle. Nakatingin lang ako sa kanya... Hindi ko na siya malapitan. Natakot na akong mas masaktan ko siya lalo. Siguro kailangan na nga naming tanggapin na wala na ang lahat. Hindi na mababalik ang dating naging kami. Ang hirap niya i-let go lalo na't siya talaga ang gusto ko makasama sa journey ng buhay ko.
Napatingin siya saakin! Shet! Umiwas ako ng tingin at tumawid papunta sa mag fishball-an.
"Quenito!" Napatigil yung mundo ko... tanging Quenito lang ang napakinig ko. Nanginig ang tuhod ko at bumilis ang tibok ng aking puso.
Totoo ba ang lahat ng nangyayari "Quenito!!" Lumakas ang sigaw niya... Siya lang ang tumatawag saakin nun.
Parang panaginip lang ang lahat... Tumawid ako papabalik at tinabihan siya sa waiting shed. Nakapayong ako nun kahit may bubong. Nanginginig ang kamay ko nun kasi hindi ako makapaniwalang nakakausap ko siya ulit.
"Miss na kita" Bigla nalang lumabas sa bibig ko yun... "Ay wala.. Hays" napabuntong hininga ako.
"Miss na rin kita Quenito" Nakatingin siya saakin... Kaya kahit nahihiya ako tumingin narin ako. Nakita ko kung gaano kaganda ang babaeng sinaktan at winasak ko. Sising sisi ako.
"Pwede bang maging tayo na lang ulit?" Sa kanya yun nang galing. Ang mga salitang hindi ko naisip na masasabi niyang muli.
"Hindi na natin mababalik ang dati Liza" Lumapit ako sa kanya kasi naambunan ako...
"Hindi mo na ba ako mahal?"
Yan si Liza... Siya yung babaeng direkta at alam ang gusto. Ganyan siya ka-impulsive. Right at that moment gusto niya malaman ang lahat ng tanong na meron siya. Ganun siya kaprangka at katotoo sa sarili niya at sa mga taong mahal niya.
"Kung mahal pa nga kita may magagawa pa ba tayo?" Humarap ako sa kanya at pinayungan siya kahit na may bubong nga sa waitinf shed.
"Mahal na mahal parin kita Enrique" Halos nadurog ang puso ko dahil yung boses niya nagcrack na yung tipong paiyak na.
"Kung alam mo lang Liza... Ikaw parin talaga. Hindi kita mapapaltan pero kung hindi natin papakawalan ang isa't isa habang buhay tayong magkakasakitan. Gusto kitang sumaya... Mangarap, mag grow up ng wala ako sa tabi mo."
Ayun na nga umiyak na nga siya at tinaasan ang tono ng boses. "Ano bang sinasabi mo! Hindi kita maintindihan" Kitang kita ko yung kalungkutan sa mukha niya napayakap ako sa kanya. "Kasi mahal kita... Ayaw kitang nakikitang ganito. Gusto ko masaya ka! Hindi pwedeng malungkot ka dahil ko."
Ang hirap niyang pakawalan dahil ang humigpit ang yakap niya saakin. Ramdam ko ang pagbagsak ng puso ko... Ang pagbigat ng mga damdamin ko. "Ikaw lang ang magpapasaya saakin Quen. Hindi mo alam lahat ng dinanas ko nung nawala ka saakin"
Hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak... "Gusto na kitang pakawalan Liza... Sa pagbilang ko ng tatlo pakakawalan na kita at ipangako mo saaking mamahalin mo ang sarili mo at mangarap ka ng madami! Maging masaya ka ng wala ang Enrique Gil sa buhay mo. Mahal na mahal kita"
Siya ang nagbilang "Isa"
Tapos ako "Dalawa"
Parehas kaming huminga ng malalim "Tatlo"
Maikukumpara ko ang one true love kong si Liza sa lobo ko nung bata ako. Yun ang nagpapasaya saakin... Makita lang ang lobong yun! Pero kailangan ko itong pakawalan dahil ang higpit na masyado ng hawak ko dito. Kahit mahirap makitang nawala sa kamay ko ang lobong ito nakita ko naman itong mataas ang naabot. Parang si Hope Elizabeth Soberano... Ang one true love ko ang girl version ko na handa kong i let go para sumaya at madaming maabot. Mahal ko pero pinili ko ang ikabubuti niya. Masakit man pero sa huli magiging worth it ang lahat ng ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/32234028-288-k936560.jpg)
BINABASA MO ANG
Boy version of me - Lizquen
RomanceWhat if the person you hate the most is the one you prioritize the most??? Hope Elizabeth Soberano is in search for her boy version. Not knowing that her hatest schoolmate/classmate/batchmate is the same exact position as she has. Iniwan ng mga magu...