Chapter 40 Hugot pa more

433 12 0
                                    

LIZA POV


This is it! The day na makikilala ni Enrique ang Daddy niya pero wait.. Is he even ready for this? ipapaalam na kaya ng mommy niya na si Chef Antonio ang Daddy niya?

Kaya pala gusto kami kuhanin na Dj nung nasa Baguio kami ahaha sinabihan pa kami ng good looking couple eh ang pakay lang naman pala eh makilala ang anak.

"Anak ngayon ba yung music festival na sinasabi mo?" Mama.

"Opo Ma kaso po eh mamaya pang gabi ang preparations"

Inabutan ako ni Mama ng 3k... Well okay that seems great!


"Para saan po ito Ma?"

"You can buy anything you want, pwedeng damit din since mag-Ddj ka edi ang daming tao doon nakakahiya naman kung luma yung suotin mo"

Nilagay ko sa purse ko yung pera... Grabe naman para namang mukhang basahan na yung mga sinusuot ko eh kabibili ko lang nun last month. Hay mommy!

Lumapit saakin si Lola Natividad "Ija anong oras ka makakauwi?"

"Nako Lola hindi ko din po alam eh 10PM-3AM yung party eh"

Inabutan ako ni Daddy ng 5k okay did I just win a lotto? because I have 8k on my hand already... dayuuum I should DJ more often.

"Oh eto yan ha pang hotel malapit sa tinutuluyan niyo, I trust you and Enrique kahit na nasa same room kayo... Malaki ang tiwala namin sayo ng mommy mo ah" Inakbayan ng Daddy niya ang Mommy niya "Kaya wag mong sisirain ha!"

"Thank you Daddy" sabay kiss siyempre palambing din ng konti "Yes I will be careful! hindi naman po ganun si Enrique eh"

"Good to know that you chose the right guy" I smiled hearing this from my Dad kasi nung una hindi niya masyadong gusto si Enrique dahil bad boy daw tapos mukhang iresponsable


Instant message from Lillian

"Oy Anong oras ng after grad?"

"Sino ito?"

"Grabe kapatid mo hindi mo alam kung sino, grabe ka Liz tampo na ako sayo"

KAPATID--May tatay-tatayan kasi kami si Tatay Heero teacher siya dati sa Eastwood High, Super close namin tsaka halos kami lang yung nagkakaintindihan kahit na mature na bagay. At parehas kaming mahilig sa How I Met Your Mother. Most of the time nagkukwentuhan kami on how hard and fun life is... He's truly one of the most unforgettable person in my life, madaming siyang naitulong kahit na minsan sa internet lang kami nagkakausap.

"Sorry naman Lil! at saan mo naman nakuha ang number ko?"

"Siyempre edi sa lovey doves mo"

"Ala ang jeje mo naman anong lovey doves ahaha!"

"Teka nga back to the main topic anong oras ng after grad?"

"10PM-3AM sa Bonifacio High Street dun sa may grass area"

"Yan! sige salamat see you!"

"See you too"


Nagaayos ako ng gamit tapos naisipan kong tawagan si Joy kasi siya yung makakasama ko kapag magshoshopping, mayaman din kasi yun eh tsaka pwede siya anytime... Akalain mo yun?

Tinawagan ko siya

Calling Joy Jemarie

"Hello"

Boy version of me - LizquenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon