Chapter 49 Benjamin La Forte

366 14 4
                                    

{Benjamin La Forte fiction guy lang walang specific celebrity na gumaganap basta may abs siya at ang mga ngiti niya pamatay. Use your imaginations na lang guys! Medyo SPG konti lang naman, so Open Minded peeps only. As I promised daily update}

Shoutout to the girl who loved this fanfic so much kay Janella 😍😘

Enjoy reading x

ENRIQUE GIL POV

Sabi ni Liza sumama muna daw ako sa kanya sa bahay kasi sabay daw kaming mag-aral. Infernes ah first day na first day 5 homeworks agad. College is tiring for sure.

"Oh" Binigyan niya ako ng cupcake.

Tapos sabi ko "Aanhin ko yan?"

"Malamang kakainin ano?" Sungit grabe hmp

Sinubukan ko siyang subuan ng cupcake pero sabi niya binigay niya daw yun para kainin ko at hindi para isuno sa kanya. Ang sungit ni Hopia ngayon. Bumabaa kami ng bus at naglakad papunta sa bahay nila.

I pulled her arm tapos pinatong ko sa balikat ko "What's wrong baby?" Tinanong ko siya

"Ang dami kasing assignments" She frowned her face.

Hinawakan ko yung lips niya at finorm na happy face "Ano ka ba kaya andito ako eh"

She smiled tapos grabbed my hand at tumakbo papasok ng bahay nila.

Pagkagaling sa eskwela ay didiretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako

"Ahaha kailan ka naman naging fan ng Eraserheads?" Tinanong ko siya

"Ano ka ba" Binato niya ako ng throw pillow "Hindi ako fan nun alam mo naman si Daddy mahilig sa cheesy love songs"

Totoo yun kinuwento niya saakin yun. Sabagay mas dama naman ang mga tagalog love songs noon keysa sa ngayon. Tinawanan ko lang siya tapos sa may kusina nagsoslow dance ang Mommy at Daddy niya.

Sumigaw si Liza "Ma, Pa tigil niyo nga yan! Si Quen nandyan mahiya nga kayo" Tumawa ako kasi parang walang pakialam yung Mommy at Daddy niya sa sinabi niya.

Tumayo ako at lumapit sa magulang niya at nag-mano. Nakakatuwa lang na kahit pala hindi happy ending ang Mommy at Daddy ko eh at least ang kay Liza may pag-asa sa happy ending.

"Oh Quen kumain ka muna ng mango cheesecake" Inabutan ako ni Tita ng isang slice.

Pagtikim ko palang halos malaglag na ako sa upuan. Si Liza naman ikinalat lahat ng paperworks sa dining table.

"Ano ba ito! Ang gulo-gulo hindi ko maintindihan" Halos mapanot na si Liza sa kakasabunot niya sa sarili niya.

Binabaa ko yung tinidor ang tumabi sa kanya. "Oh alin ba ang hindi mo maintindihan?"

"Eto" Tinuro niya yung Periodic table. Tsaka yung assignment.

Mahirap nga tama siya. After ilang hours na pagtatype, research, revises eh natapos din kami. Medyo nabawasan ang sungit sa katawan ni Liza.

"Saan kayo nag-order nito?" Tinuro ko yung pang-lima kong slice ng Mango Cheesecake.

Tapos tumawa siya at binatukan ako "Ano ka ba ako nag-bake niyan"

Nabuhayan ang dugo ko "Talaga lang ah! Sarap" She smiled

Tapos medyo dumidilim na kaya I have to head back sa apartment. Kiniss ako ni Liza sa cheeks at nag-wave ng good bye.

Ginamit ko rin nga pala yung motorcycle na pinahiram saakin ng pinsan kong si Benjamin La Forte. Hinanapan ako ng roomate ni Papa eh sakto may pinsan pala ako dito kaya ayun napilitan akong makisama sa kanya. Hindi siya umuwi ng apartment kaya hindi ko pa siya nakikita.

Boy version of me - LizquenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon