Chapter 26 Si bestfriend

555 17 0
                                    

Nagsimula ang araw ni Liza sa isang missed call galing kay Enrique. Tatawagan niya na sana ang boyfriend pero hindi kaya ng load niya

"Your load is below 20 pesos, please reload your prepaid account. Thank you"

"Ahhh fuck!"

Palabas na ng bahay si Liza ng tinawag siya ng Lola niya.

"Oy oy oy Hope Elizabeth Soberano saan ka nanaman pupunta?"

"Magpapaload lang po"

Sa paglalakad niya papunta kay Ka-Nilo ang napakabait na tinderong kalbo sa village nila nagkita sila doon ni Enrique. Nung nagkatitigan sila tatakbo si Enrique at tatakbo din si Liza. Nagyakapan sila at muntik ng mapaluha.

"Sorry ang taas ng pride ko alam mo naman na sayo lang ako at ikaw lang ang mamahalin ko---"

"Ssssh okay lang naiintindihan ko na"

Niyakap siya ng mahigpit ng syota niya at napaluha na si Liza.

"Alam mo narealize ko na sobrang hirap ng wala ka"

"Ako nga din eh, basta ako ang boyfriend mo at siya ang bestfriend mo"

"Oo" nagyakapan ulit sila habang eto namang si Riley na papunta sana sa bestfriend niyang si Liza ay naabutang nagyayakapan si Quen at Liza.

"Mahal niya talaga siya" ang sabi niya sa sarili at bumalik na papunta sa bahay nila. Leaving his one and only bestfriend alone with him. He knew he made the right choice.

"Hindi pa tayo nakakapagaudition" nagulat si Liza sa sinabi ni Quen

"Ha? Ano!" Napasigaw siya "kailangan pang magaudition?"

"Oo don't worry sa wednesday pa ang start nun"

"Sayang yung practices natin paano kapag hindi tayo natanggap?"

Binelatan ni Enrique si Liza "ikaw naman walang kaconfi-confidence"

"Hindi naman nakakahiya lang sa tita mo kung sa auditions pa lang hindi na tayo makasali"

"Oh edi bakit hindi tayo magpractice para sa audition"

Tinaasan ng kilay ni Liza si Enrique at nagpout "Ngayon? Mapapahiya talaga tayo sa tita mo"

"You know what we can make moves on our own"

"Oo nga naman"

Nagkayayaan silang pumuntang central park sa village nila para magpractice para sa auditions.

"So anong kanta?"

Nagscroll si Liza sa music ng phone niya.

"Wanna be ng Spice girls?"

"Nah"

Nagscroll ulit siya "isang song lang ba pwede?"

"Demo lang naman eh"

"Ayaw mo bang maging maganda yung audition natin? Para siguradong tanggap

"Oo naman siyempre"

Nagscroll pa ulit siya sa playlist "Alam mo mas okay siguro kung 2 kanta lang" suggest ni Enrique

"Oo mas okay yun"

"Teka nga sa phone ko"

Binuksan niya ang spotify niya at pinindot ang dance playlist.

"How about tig-isa tayo ng song para mabuo ang dalawang song remix"

"Sige"

Umupo sila sa isang bench at nagtingin ng songs, nagearphones pa nga silang dalawa.

Boy version of me - LizquenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon