Chapter 59 Limang araw na hindi lumabas sa kwarto

289 11 2
                                    

Limang araw na akong hindi umamaalis sa loob ng kwarto. Tinangkaan ko pang patayin ang aking sarili kapag binuksan nila ang pintuan ng aking kwarto. At tuwing 10 ng gabi nalabas ako ng kwarto.. Specifically sa bintana nito at bumibili ng pagkain sa 7 11 or supermarkets. Malaki ang tampo ko sa aking magulang. Hindi siya handang magpatawa eh hindi naman siya ang nagmahal at nasaktan. Nagkakamali sadya ang tao at naniniwala akong may paraan para ito ay maitama. Hindi ko alam kung gaano kasakit maghintay sa isang bagay na alam mong hindi ka papayagan ng magulang mo. Katulad na katulad ito ng Batch party namin... Pool party kumabaga ngunit hindi ako pinayagan sapagkat may mga magiinuman daw, mag-dadrugs, magninigarilyo at yun makikipaglampungan pagkatapos malasing. Ayaw ng magulang kong mapadamay ako at mapariwara ang buhay ko. Pero iba na ito... Tanggap ko na hindi ako pwede sa mga bagay na yun pero bakit pati ang pagpili ng kung sinong mamahalin ko hindi ako pinapayagan?

"Anak!!! Kumain ka na! Eto nasa labas ang plato na may sisig at itlog... Diba favorite mo to? Labas ka na anak.." Napapakinig ko na ang luha ng aking Ina at pagkatok ng malakas ng aking ama.

Takot sila sa aking pinagtangkang gawin na patayin ang aking sarili. Humarap ako sa tripod na may camera.

"Enrique Mari Bacay Gil... Ang lalaking minahal ko ng ilang taon pati hanggang ngayon. Hindi ko alam kung nasaan ka na. Simula nung incidente na pinaalis at sinaktan ka ng aking ama natakot na akong mahalin ka muli. Pero eto ako ngayon... Stuck na stuck sa pagdadaydream sayo. Miss na miss na kita! Nararamdaman ko magiging tayo pa din! Kapit lang... Maghintay ka lang. Kung hindi ayaw ko na sa mundong ito at handa akong magpakamatay para sayo. Nagmamahal ang iyong irog, Liza"

Inilipat ko ang video sa laptop at inilagay ito sa CD. Nilusot ko ito sa ilalim ng pintuan.

"Mama! Ibigay mo ito kay Enrique... Lalabas na ako ng kwarto. Patunayan niyong maibibigay niyo ito sa kanya. Kapag hindi lalayas na ako at titira sa aking Lola" Aking tugon.

Humiga ako sa kama at nahihirapan ng huminga. Wala na akong mailabas ng luha. Palagi nalang malungkot... Hindi na ako sumaya. Sabi nila ang pag ibig hindi ang umiikot sa mundo. Pero saaking panig ito ang umiikot sa aking mundo. Ano pang silbi ko dito sa mundo kung hindi ko makakapiling ang pinili kong mahalin?

"Sige! Ibibigay ko... Kapag naibigay ko na lalabas ka ng kwarto"

"Opo!" Aking sigaw...

Akap akap ko ang malaking Baymax na binigay saakin ni Quen noon. Ramdam ko ang presence niya habang ito'y yakap yakap ko. Ang aking mundo ay tumitigil... Nahihirapan akong mabuhay dahil sa aking mga iniisip. Para ba akong bomba na pigil na pigil sa pagsabog. Dahil ayaw ko na! Gusto ko ng maging malaya sa aking nararamdaman.

"Quen!!! Quen!!!" Binubulong ko saaking sarili.

Nakapakinig ako ng busina ng kotse... At may nagdodoorbell.

"Mr. And Mrs. Soberano!!! Nahingi po ako ng paumanhin! Pero gusto ko na po talagang mahalin muli ang inyong anak"

"Liza!!!! Nasaan ka?" Lumingon ako sa bintana at pinilit na kuhanin ang kanyang atensyon. Ngunit masyadong madilim ang aking kwarto. At hindi ko na mabuksan ang bintana... Nilock na siguro ng aking ama. Pinilit kong basagin ang bintana pero wala akong magawa. Muli naramdaman ko ang pagiging mahina at walang kwenta.

BAKIT HINDI KO MAIPAGLABAN ANG AKING NARARAMDAMAN?

Bumagsak sa pagkahawak ko sa aking baymax bear nung nakapakinig ako ng tunog ng baril..............

Boy version of me - LizquenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon