Chapter 7

731 30 2
                                    

CHAPTER 7

"ADA, wag mong nilalaro ang pagkain," napa-angat ako ng tingin mula sa plato ko nang tawagin ako ni Mommy. Okay, for now mommy na ang muna ang itatawag ko sa kanya. Kahit papaano naman may galang ako, ata? Eh, basta! Nakakakonsensya kasi kapag may ginagawa ako na hindi maganda sa kanila, epekto 'to ni Mulawin e. Panigurado! 'Yong aura niya kasi nakaka... ugh! Hays.

"Okay," mahina kong sagot at binitawan ko na ang hawak kong tinidor at kutsara. Walang pasabing tumayo at aakyat na lang ako ng kwarto ko. Kaso tinawag na naman ako, hindi ko na napigilan ang mapairap.

"What?" walang gana kong tanong sa kanila at nakatungangang naghihintay ng sagot. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Daddy at tila nagpipigil ng galit or what. Samantalang nakahawak naman si Mommy sa kamay niya.

Akala ko kaya ko ng maging mabait sa kanila ulit kaso 'di pa pala. Kapag kinakausap nila ako bumabalik 'yong sakit or worst nadadagdagan pa.

"Kumain ka muna," pigil ang tono ni Daddy habang sinasabi 'yan sa akin.

Ngumisi ako. "Wala akong gana, just enjoy the food," hindi na ako nagpapigil na sa kanila mula sa pag-akyat ko. Nakasalubong ko pa nga si Martha pababa siya, ngumiti siya sa akin pero di ko na lang siya pinansin. I'm not in the mood. Hindi pa ba halata?

Tuloy tuloy lang ako pumasok sa loob ng kwarto ko at nilock ko 'yon. Pagkatapos mabilis kong ibinagsak ang katawan ko sa kama ko. Nagpagulong gulong ako na parang baliw. Nakakafrustrate kasi, ang dami kong gustong malaman pero kulang kulang naman ang nakukuha kong sagot. Kumusta naman kasi 'yon 'di ba? Pero 'di na muna siguro 'yon ang iisipin ko, dapat 'yong panaginip ko kagabi. Kahit do'n lang naging masaya ako na naman ako. Kaso nababahala rin ako, bakit nga ba ako umaasa? Ang imposible kasi, e. Nagpagulong gulong na lang akong muli.

"Ano'ng ginagawa mo?" napahinto ako sa pag-gulong gulong nang marinig ko ang boses ni Marty ang mulawin kong anghel. Pag-angat ko ng ulo ko nando'n na naman siya sa mini sofa ko.

Umupo ako sa kama matapos kong kunin ang isa kong unan at niyakap ko 'yon. Tumingin ako sa kanya, na para bang sinusuri siya. Magdadalawang buwan ko na siyang kasama pero hanggang ngayon 'di ko pa rin alam kung bakit siya nandito. Ang bilis ng araw kapag kasama ko siya sa totoo lang.

"Bakit ka ba talaga nandito?" tanong ko.

Umayos siya ng upo at tinignan ako. "Ano sa tingin mo?"

Pinipigilan ko lang ang sarili kong ibato 'tong unan na hawak ko dahil useless din naman e. 'Di naman siya matatamaan. "Marty, 'di ako manghuhula. Pwede bang sagutin mo na lang nang malinawan ako? Guardian angel kita 'di ba? Ibig sabihin binabatayan mo ako, 'yong safety ko. Ibig bang... ibang bang sabihin, mamatay na ako?" namimilog ang mga mata kong tanong sa kanya at nakaramdam ako nang kaba.

Nakita kong nag-iwas siya nang tingin kaya't kinahaban ako na talaga ako nang bongga. "Marty, answer me!"

Pagbalik niya ng tingin sa akin nakangiti siya. "All you have to do is to trust Him," makahulugan niyang sambit.

"Fine fine," halos umirap ako sa kanya. "Pero magtatanong ako, sagutin mo ah!"

Nakita kong nagkibit balikat siya. "I'll try," nakangiti niyang sagot.

"Please?" tinignan ko siya nang seryoso no'n.

Nakita kong naglaho 'yong ngiti sa labi niya at naging seryoso rin. "Okay,"

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko sa kama ko at naglakad palapit sa kanya. Umupo ako do'n sa tabi niya sa mini sofa pero may space pa rin sa pagitan namin. Nasa may gitna siya tapos ako nasa bandang kanan. Hawak hawak ko pa rin 'yong unan ko.

That Winged Immortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon