Chapter 2

1.5K 41 8
                                    

CHAPTER 2.

GUSTO mo bang malaman kung anong anong ginawa ko matapos siyang bumulong sa tainga ko? Edi ano pa, tumakbo! Oo, tumakbo ako palayo do'n sa taong Mulawin na 'yon! Nakakaloko kaya siya, 'no. Grabe lang talaga as in! Pero hindi naman ako natatakot sa kanya o ano tumakbo lang ako para kunwari effective. Yeah, I'm getting weider too, huh? Seryoso, hindi talaga ako natakot medyo naloka lang ako kaunti.

Huminto lang ako do'n sa may corridor ng building ko. Hinihingal pa nga pero 'wag ka, may poise pa rin naman 'no. I'm fab kasi, e. With my super duper long and smooth hair na medyo kulot with matching highlights, mala-porcelana kong balat, chinita eyes and sexy lips. Imagine? Mukha nga raw akong koreana but hell, Filipino ako!

"Ada, bakit ka tumakbo?" napalingon kay ako Jona nang bigla siyang sumulpot sa likod ko. Hinahabol ang hininga. Sinundan pala ako ng babaeng 'to. Nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga sa katawan ko tapos umayos ng tayo.

"Late na kasi ako , e." I'm not going to tell her about that Mulawin guy over there. Hindi naman niya nakita kaya 'di na ako mag-aabala pa. Mapagkamalan pa akong baliw 'no! Gosh, I won't let that happen. Kung sino man 'yong impaktong pogi na 'yon. Bahala na siya sa buhay niya. 'Wag na 'wag lang talaga siyang lumapit sa akin o magpakita sa akin ulit, ibubudbud ko siya sa asin tapos ipiprito ko. Omo! What a nice plan Febb.

"Late ka na talaga, hindi ka man lang nakapasok sa first subject natin 'no! Tapos na nga e," ningitian ko lang siya sabay tapik sa balikat niya.

"Jona babes, math is sooo easy. Papasa ako do'n wag kang mag-alala. Hindi ko naman siguro ikababagsak ang isang absent!" buong pagmamalaki kong sabi ko sa kanya habang nakataas ang noo. Math is my favorite subject. Numbers are my stress relievers honey. Oh by the way, I'm a third year college student. Taking up, civil engineering. Cool right? I know. And I want to graduate with flying colors. Para makahanap ng magandang trabaho without the help of the Abrahams'. Para naman mabayaran ko na 'yong pagpapalaki nila sa akin. Hindi ko naman maitatanggi na naging magara ang buhay ko simula no'ng ampunin nila ako no'ng baby pa lang ako. Nagkaro'n sila instant anak matapos mamatay 'yong totoong Ada, 'yong totoong anak nila. Okay, hindi ako hipokrito kapag sinabi kong hindi ako nakinabang.

Hindi ako galit dahil sa ampon lang ako. Ang ikinagagalit ko at ipinuputok ng butsi kong cute ay 'yong ipangalan ba naman ako sa anak nilang namatay? I mean hey, buti sana kung binago nila 'yong Ada 'di ba? Kaso hindi! Ikaw ba naman makakita ng death certificate mo hindi ka mawiwindang? Aryt, may birth certificate ako na ang nakalagay Ada Febb Abraham at mayro'n ding death certificate na ang nakalagay naman Ada Abraham. Like seriously, ang una kong maiisip no'n kung patay na ba ako o ano. Tapos bigla na lang pumasok sa isip ko ginagamit lang nila ako dahil hindi sila makamove on sa anak nilang si Ada. I don't need their explanations, though. Sinubukan nila pero ayoko ng makita. Para saan pa 'di ba? The damage has been done. Kaya pala never as in never nila akong tinawag sa Febb. Kasi ang nakikita pa rin nila sa akin, ay 'yong Ada. 'Yong totoo nilang anak na namatay.

As if naman papayag ako ng gano'n lang. I need justice dude! Kaya naman napag-isipan ko na imbes na sa MMK ko ipadala ang kwento ng buhay ko sa Ipaglaban mo nalang para cool. Gosh! Wala na akong nasabing matino.

"Ada, tara na nga!" naramdaman ko nalang na hinila na ni Jona ang kamay ko kaya't nagpakaladkad nalang ako para naman maiwasan kong mag-isip ng mga walang kwentang bagay.

Pagkadating namin sa room para sa susunod naming subject napahinto ako no'ng nakaisang hakbang pa lang ako papasok. Paano ba naman kasi si Mulawin naka-upo do'n sa upuan ko. Nakangiti pa habang nakatingin sa akin. Parang nang-aasar 'tong isang 'to. Naman!

"Ada?" rinig kong tawag ni Jona sa pangalan ko kunong hindi pretty. "Hoy, ano pang itinatatayo mo d'yan? Halika na ang weird mo talaga ngayong araw," kumento niya tapos naglakad na siya palapit do'n sa tabi ng upuan ko.

That Winged Immortal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon